03.

34 2 4
                                    

YLANA’S POV:


"Eto po Mr. Chavez. Na check na po namin yan tyaka niligpit narin po ni Mariel yung tool box." Panimula ni Thirdy.

"Malinis na rin po yung mga sasakyan ninyo, sir. Tapos na rin si Giana sa mga CCTV." Dugtong naman ni Nica.

"That's good."

"Told you, Chavez. My children are all amazing." Professor Reyes nudged him.

Nandito na kami ngayon sa garahe nila. Laking pasasalamat ko nang magpaalam si Miss Katherine na aakyat sa kwarto niya. Hindi naman sa ayoko siyang sumama. Naiilang kasi ako.

"May lisensya kaba, hijo?"

"Po? Wala po eh, mahal kasi kumuha tyaka wala naman akong sasakyan o motor." Mahinang sabi ni Thirdy.

"Pero marunong kang magmaneho?"

"Opo."

Nakita kong lumawak ang ngiti ni Professor Reyes habang nakatitig kay Thirdy na parang alam niya na kung ano ang sasabihin ni Mr. Chavez.

"Edi sayo na yang kotse."

"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thirdy. N-Naku 'wag na po. Sa inyo po yan, tyaka pinalitan ko narin ng bagong makina yan, sir.”

“Yup, and it's yours. Nakita ko kasing determinado kayong apat kaya willing akong tumulong ng walang kapalit. Come on, minsan lang ako mag-alok ng oportunidad." He smiled.

*****

"What do you guys think?" I asked.

Naglalakad kami ngayon pauwi. Ihahatid pa kasi sana kami pero malugod naming tinanggihan. Masyadong nakakahiya na kasi para samin yun. Kung tutuusin sobrang pasalamat na talaga namin sa kanila eh. Malaking utang na loob na 'to.

"Hindi ko alam. Siguro sa susunod nalang natin pag-usapan 'yan." Nica suggested.

“Nakakapagtaka nga eh. Bakit niya naman ipapagawa yung truck tapos ibibigay lang din satin?”

Maging ako ay nagtataka rin sa tanong ni Mariel.

"Thirdy, sa bahay n'yo nalang natin hahatiin yung sweldo. Nga pala, may klase ba kayo mamaya?" Pag-iiba nalang namin ng usapan.

"Walang problema. Palagi naman tayong hating kapatid na apat eh. Saka hindi ko pa nakikita yung laman ng envelope pero medyo mataba para sa simpleng sweldo lang."

"Ako lang ata yung my schedule sa'ting apat." Matamlay na sabi ni Mariel. "Kapagod mag-aral, pero dahil uhaw ako sa maayos na buhay, kakayanin. Potangina ang hirap naman makuha ang titulo bilang rich tita."

Natawa kaming apat sa kanya. Kahit may pinoproblema nakuha n'ya pa talagang magpatawa. Pero alam naming tatlo na desidido si Mariel sa pangarap niya. Kaming lahat.

“Guys, hindi na rin ako magtatagal. Uuwi agad ako sa bahay."

Nang makarating ay amoy na amoy namin agad ang inasalan nila. "Tamang-tama may pang meryenda na tayo."

"Magbayad kana sa utang mo, Nica."

"Hoy Thirdy, nagbabayad ako kay Nanay Belen 'no. Sadyang wala lang talaga akong tiwala sayo magbayad."

"Aba't—"

"Oh, nandyan na pala kayo mga anak. Hali kayo, pasok." Natigilan kami sa boses ni Nanay Belen.

"Magandang hapon po ‘nay." Sabay na bati namin habang papasok sa loob ng bahay.

"Magandang hapon po. Kamusta ka po? Baka masyado mo namang pinagod ang sarili mo ah."

Obsession Where stories live. Discover now