06.

20 1 2
                                    

YLANA’S POV:


Sinundan ko nang tingin ang sasakyan niya hanggang sa mawala. Ilang sandali pa ay patakbong dumating sila Andy sakin habang tinantanong ako kung anong problema. "Bakit ba bigla ka nalang kumaripas ng takbo, Ylana? Maging ako tuloy nagulat sayo eh."

Pero imbis na sumagot, nanaliti akong tahimik na kinakabahan.

Kanina pa ba siya nandun?

“Hoy teh, anyari sayo?” Tanong ulit ni Jester

“Ah wala, wala.” Tinignan ko silang tatlo saka ngumiti. “Namalalik mata ata ako. Akala ko kasi kakilala ko yung nakita ko kanina.” Pagsisinungaling ko. “Nga pala, salamat sa oras ninyo pero mauuna na siguro akong umuwi at may gagawin pa ako.”

Naguguluhan silang tumingin sakin. “Sure ka? Maya-maya lang daddy's here na, ipahatid na kita.” Ani Maddy.

Tila kinikilatis niya ang itsura ko kaya muli ko siyang nginitian. “Thank you so much pero hindi na kailangan.”

They insisted but I refused kaya pinasakay nalang nila ako nang jeep para umuwi. Pero nang makalampas sa unang kalye, bumaba ako at sumakay ng motor papunta kila Mr. Chavez.

Nang makarating, nagpaalam ako sa guard na pumasok. Alam ko naman ang bahay nila dahil malapit lang din sa bahay ni Sir Reyes.

Tahimik. Napaka-tahimik dito sa lugar nila, ibang-iba sa lugar na kinalakihan ko. Sa amin kahit alas dose nang hating gabi may kumakanta at nag-iinuman pa minsan, 'dii kagaya rito. Ang sarap din ng simoy ng hangin, do'n samin iba't-ibang usok ang maaamoy mo.

Sabagay, magkaiba naman talaga ang buhay ng mga mayayaman sa mahihirap.

Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses, hiniintay na may magbukas ng gate nila. Ilang sandali pa ay iniluwa nito ang dalawang gwardya. "Sino sila at anong kailangan?"

“Si Ylana po, nandyan ba a si Mr. Chavez? Pwede ko ba siyang maka-usap?”

Kumunot ang noo ng isang gwardya sa akin. Parang diskumpyado sa sinabi ko.

Mukha ba akong masamang tao?

“Wala siya rito, hija. May meeting siya overseas.”

Hala, kelan pa?

“May ideya po ba kayo kung kailan siya uuwi?”

“Hindi ko alam. Ang mabuti pa sa susunod ka nalang—”

“Who's that?”

Natigilan siya sa boses.

“Ah maam, si Ylana po.”

Lumabas sa gate si Ma'am Kath dahilan upang magkatitigan kami. Naka-pambahay na siya at hindi rin mabasa ang itsura.

“Let her.” She signaled me to come with her.

Habang papasok, nasulyapan ko ang sasakyang nasa labas pa ng garahe nila.
Hindi ako pwedeng magkamali, sasakyan niya nga yung nakita ko.

Napa-lunok nalang ako nang laway habang nakasunod sa kanya.

“Feel free to take a seat.”

Umupo ako sa sofa bago magtanong. “Ah, Ma'am?” Malambot at mahinahong tawag ko para malaman niyang hindi ako lalaban kung sakali mang makikipag sagutan siya.

Hindi siya sumagot pero tumigil ito sa paglalakad.

“Pwede ko po bang malaman kung kailan babalik si Mr. Chavez?”

It took seconds before she responded. “Maybe a week or two.” Saka umalis.

Naiwan tuloy ako rito kaya tumingin-tingin na lang ako sa paligid.

Obsession Where stories live. Discover now