19.

207 11 0
                                    

YLANA'S POV:




“Hey guys! This is Ylana.”

I looked at her friends and smiled. May kalayuan ang pwesto nila sa mga barkada ni Ashley ngunit natitiyak kong may matalim na mga matang nakatitig sa gawi namin. Sa akin.

One of them shakes my hand and they also offered me a seat. Pinili ko talaga ang pwestong nakatalikod sa direksyon ni Ma’am Kath.

Just like the others, umiinom at naninigarilyo din ang mga ito. I bet they’re also college students. Ahead nga lang sakin.

“Anong ganap?” I tried to join their conversations and they seem to be friendly naman.

Pagkatapos ko ring magpakilala ay binigyan nila ako ng canned beer. I also drank a cup or two of martini at sa maniwala man kayo o sa hindi, pakiramdam ko ay nawalan ako ng pake kung makita man ako ngayon ng kabilang lamesa. I’m starting to get myself free dahil wala naman akong atraso sa kanila.

“Kumain kana ba?”

Bahagya akong natawa sa tanong ni Ashley. “Pa-fall ka ba?” Biro ko.

She laughed and leaned closer to my ear. “You know what? I’m starting to like you na.”

I then gave her a fist to bump. “Solid ka pala eh.” But she shoved it and leaned her head on my shoulder. “Ang expensive rin ng amoy mo, Ash. Alam mo bang I wasn’t expecting to be your friend?”

I think I’m starting to get drunk. Kung ano-ano na ang nasasabi ng bunganga ko.

“Oh, really? Why is that? Dahil ba mayaman ako?” She rolled her eyes playfully. “Now you know I'm not one of those cool kids with fake intentions.”

Tumagal ang kwentuhan namin at  naka-dagdag pa kami ng ilang bote ng alak hanggang sa magpaalam akong lumabas.

Tinanong din nila ako kung saan pero ang sagot ko na lang ay magpapahangin saglit.

Ngunit ang totoo ay nagsisimula ng sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay sumasabay na rin sa ingay ang halos paggalaw ng paligid.

Kahit nahihilo ay nagawa ko paring makalabas sa gate nila at inilabas lahat ng nainom ko.

Tangina.

Tumayo, napa-tuwad, at napa-upo nalang ako sa may gilid malapit sa mga garbage bin. Parang may kung anong humatak palabas sa sikmura ko. Hindi rin nakakatulong ang sakit ng ulo ko. Halos mahugutan na ako nang hininga habang nakapikit ang mga mata ng may humila sa kamay ko.

I was expecting it to be Ashley or someone na naka-notice sakin dito sa gilid, but no.

“Hindi mo na ata kinaya ah.” Narinig ko pa siyang tumawa.

It’s a girl but I haven’t seen her face since naka-yuko lang ako habang mariin paring pinipikit ang mga mata.

“Gusto mo na bang umuwi?” Why does she act like we’re close? I mentally asked. 

But that voice...

“Saan ka ba nakatira, baby Yana?”

And the nickname…

Agad na kumunot ang noo ko. Mga barkada ko lang kasi ang tumatawag sakin nun.

Malabo namang mapadpad sila rito?

Kunot noo kong ibinukas ang mga mata, at kahit medyo madilim ay napagtanto kong si Alex pala.

“Hi, baby. Okay ka pa ba?” She greeted me with concern. “Tell me your address at ihahatid na kit—--”

She stopped when I grumbled. “Hindi pa ako nakakapag paalam kay Ashley.”

I heard her sighed. “I’ll do it for you. You need to take a rest. I’m pretty sure may klase ka rin bukas—-”

“What are you two doing?!”

Someone shouted and mas lalo lang talaga lumala. It feels like everything is spinning. The ground is shaking, and I don’t even have the strength to stand properly.

Naramdaman ko nalang din ang marahas na paghila sa braso ko.

I don’t really know what’s going on. Gusto ko nang umuwi.

Nagsimula silang magsigawan at halos hindi na maproseso sa utak ko ang mga pinagsasabi nila.

Habang hinihilot ang sintido ay bigla akong nasuka sa gilid saka naging blanko na lahat.


*****


THIRD PERSON'S POV:

Nagising si Ylana sa malambot kama. Bagamat medyo nahihilo ay pinilit niyang tingnan ang buong paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang bawat sulok ng kwarto at magkakaibang asul ang nahagilap maliban sa kisame na kulay puti. Meron ding maliit na mesa sa gilid kung saan napansin niya ang isang sticky note na nakadikit sa vase.

Kinusot niya muna ang mga mata saka kinuha at binasa ang sticky note.

Nasa kitchen counter ang pagkain mo at nilagay ko nalang din ang mga gamot. You can choose kung alin ang gusto mong inumin. I'll be back at twelve.

Yun ang nakasulat sa sticky note.

Naguguluhan man kung paano siya nakarating sa isang condo, sinunod niya na lang ang nakalagay. Pumunta siya ng kitchen counter saka kumain at uminom ng gamot. 

The condo unit is quite extensive but there’s nothing much around.

Tanging mga importante ngunit batid mong hindi naman gaanong ginagamit ang mga nandito. Gaya nalang ng malaking closet na puno ng mga hindi pa nasusuot na mga damit.

Maingat niya itong isinara at problemadong naupo sa sofa. Hindi siya makapaniwala na nagising na lang sa hindi pamilyar na condo at ang mas malala ay ibang damit na ang suot niya.

She doesn't even exactly know what happened from last night.

Oo nga at pumunta si Ylana sa party ni Ashley at nasuka rin siya sa labas ng gate nila ngunit hanggang doon na lang din ang naalala nito.

Habang nakatulala ay naisipan niyang buksan ang malapad na kurtina sa may sulok.

Nang buksan ay tumambad sa kanya ang maaliwalas na sikat ng araw sa mukha niya, at sa ilalim nito ay ang malapad na daan kung saan maraming mga sasakyan at tao ang makikita sa ibaba.

Kung hindi siya nagkakamali, nasa mahigit sampung palapag ngayon ang pwesto ng condong kinatatayuan niya.

Tangina?

Napamura na lang din siya nang mapansin kung anong oras na.

“Bwisit.”

Mahigit dalawang oras na siyang late sa klase dahilan upang lalo siyang mataranta.
Bumalik ito sa kama at hinanap ang cellphone, maging ang damit na suot niya kagabi ay hinahanap niya rin ngunit tanging cellphone lang ang nakita niya. Paulit-ulit siyang nag mura habang patakbong umalis.

Nang makalabas ito ay sinalubong naman siya ng isang babae habang may dalang paper bags.

“Where are you going?”

Boses ng taong pamilyar sa kanya.

Siya ba ang nagdala sakin dito?







Obsession Where stories live. Discover now