Tahimik lang si Zaem habang ginagamot ni Tita Emery ang sugat niya nang madiin. Hindi siya makadaing dahil nga may kasalanan siya, eh. Nakakatakot na sermon din ang inabot niya sa mga magulang.
"Huwag mo akong daingan, Zaem, nakaya mo nga ang sakit nang magpa-tattoo ka, eh," galit na sabi ni Tita Emery sa Anak.
"Mama, sorry na nga, eh," mahinang sabi ni Zaem.
"At talagang hindi ka pa nagpaalam, ah? Bakit? Syempre, alam mong hindi ka papayagan kaya hindi mo na binalak magpaalam." Ewan ko ba sa mga Nanay, minsan. Tanong nila, sagot din nila.
"Pinayagan naman kita, pero ang sabi ko, pagkatapos mo nang mag-aral," sabi naman ni Tito Ezar. "Zaem, you're just a highschool student, and yet, you have a tattoo."
"Wow, kapal ng mukha mong pagalitan ang pamangkin ko. Eh, ikaw nga, elementary student pa lang may tattoo na," sabad ni Tito Archer. "Ang hirap talaga sa mga magulang, kapag namana ng anak nila ang ugali nila, galit na galit sila."
"Manahimik ka! Yung anak mo nga, sanggol pa lang may kulay na ang buhok, eh," singhal ni Tito Ezar sa kapatid.
"Tanga! Inborn na 'yon sa mga anak ko," tugon naman ni Tito Archer. "Huwag mo ngang ibahin ang usapang suwail ka. Buti nga yung tattoo ng anak mo ay hindi gaanong malaki at pangalan pa ng Mama niya. Eh, ikaw? Yung tattoo mo sa likod, demonyo pa, parang ikaw."
"Says the guy who hit his head and forgot his memories, and acted like a child for so long." Ngumisi si Tito Ezar sa kapatid.
"Sus, sabi ng matandang binaril si Emery." Ngumisi rin si Tito Archer kay Tito Ezar.
Dito pa yata magbabarilan ang magkapatid na 'to. Si Zaem dapat ang pinag-iinitan, pero silang dalawa pa ngayon ang nagkakainitan.
"Magbarilan na lang tayo sa labas," hamon ni Tito Ezar kay Tito Archer.
"Tara, hindi kita uurungan," matapang na tugon ni Tito Archer.
"Magtigil nga kayong dalawang matanda kayo," sabad ni Tita Ryee. "Pareho lang naman kayong may kaniya-kaniyang saltik, nag-aaway pa kayo."
"Ezar, tumahimik ka na diyan kung ayaw mong painumin kita ng alcohol," saway naman ni Tita Emery sa asawa.
Natahimik naman si Tito Ezar pero masama pa rin ang tingin kay Tito Archer. Ganoon din naman ang tingin sa kaniya ni Tito Archer.
"Wag na ho kayong mag-away, kasalanan ko naman," sabi ni Zaem bago mapahinga nang malalim. "Ma, Pa, sorry na. . . Hindi na mauulit."
"May consequences 'yan, Zaem, kaya huwag kang magrereklamo sa 'min," tugon ni Tita Emery.
Tumango naman si Zaem bago yakapin ang Ina. Mukhang lumambot naman si Tita Emery dahil naging malumanay na ito sa paggamot ng sugat ng anak.
"Oh, Parsia, baka may tattoo ka rin, ah?" Baling sa 'kin ni Mame.
"Luh? Takot nga ako sa injection, magpapa-tattoo pa ako," sagot ko.
"Zaem, baka yung pinsan mo may tattoo rin, ah?" sabad naman ni Tita Ryee. Hindi naman nakasagot si Zaem at natahimik lang. "Bakit yung kinikilos mo, parang oo ang sagot mo? Lintik na tikbalang 'yon, paluluhurin ko talaga sa pako yun."
"Nagisa na rin naman ako kaya idadamay ko na rin sila," natatawang sabi ni Zaem. "Kasabay ko po sa pagpapa-tattoo yung apat."
"Pati yung bakla ko?" tanong ni Tita Madeline. Tumango naman si Zaem. "Nakakagulat na nagpa-tattoo 'yon, gwapo siguro yung nagta-tattoo sa inyo."
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomanceShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
