Nakauwi na nga kami pagkatapos ng ilang araw na bakasyon sa resort ni Ninong Clode. Ang sarap talaga kapag bakasyon na, tamang lamon tulog ka lang. Kaso nakakainip din naman, lalo at bawal akong maglabas-labas dahil delikado.
"Parsia, nasa baba si Zaem." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang pumasok si Mame. "May sasabihin daw sa 'yo. Bababain mo ba o paakyatin ko na lang."
"Bababa na lang ako, Mame, hindi pa ako nakakapag-linis ng kwarto," sagot ko bago mabilis na tumayo.
Hindi na ako nag-ayos pa o nagpalit ng damit. Nagpabango na lang ako bago bumaba.
"Zaem," nakangiting bati ko sa kaniya.
"Parsia. . ." Lumapit ito sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.
"Akala ko ba pupunta kayo sa underground ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Dumaan lang ako saglit para magpaalam," sagot nito. "I'm making sure too if you're not really mad."
"Zaem, magagalit lang ako kapag nagpakita ka sa 'kin na may bangas sa mukha," sagot ko. "Huwag ka nang mag-alala sa 'kin, okay lang ako."
Bawal na kasi akong sumama sa underground at palagi daw nandoon si Kuya Paxton. Mayayari talaga ako sa diyablong 'yon kaya behave na lang ako rito sa bahay.
"Uuwi kami agad," nakangiting sabi nito. "I'll go now, moya iyubov. I love you."
"I love you too. Ingat ka."
Isang halik ang iginawad nito sa aking labi bago siya tuluyang umalis. Nang mawala ito sa paningin ko, napanguso na lamang ako bago dumiretso sa kusina.
"Ay, ang pangit!" bungad sa 'kin ni Wyaxandra.
Kumakain ito ng pizza, katabi niya si Precious na halatang pangit na pangit din sa itsura ko.
"Ate, itsurang pang-tao ba 'yan?" nakangiwing tanong ni Precious.
Sasama ng ugali ng mga 'to, ah? Anong mali sa suot kong oversized t-shirt at cycling. Anong mali sa buhok kong magulo pa sa buhay ko at basta na lang pinusod?
"Mas pangit kayo!" Singhal ko sa kanila.
"Hindi man lang nahiya kay Kuya Zaem," naiiling na sabi ni Precious.
"Gandang ganda sa 'kin si Zaem, kahit anong itsura ko. Palibhasa mga mukha kayong chanak," masungit kong sabi sa kanila.
"Precious, Wyaxandra, huwag niyong pikunin ang ate niyo," saway sa kanila ni Mame. "Parsia, kumuha ka na ng pagkain mo rito at bumalik na sa kwarto mo. Maglinis ka doon."
Nangalkal ako ng pagkain pero wala akong gusto kaya naisipan kong mag-order na lang. Nagtungo ako sa kwarto ko at nag-order ng chicken tsaka milktea.
Habang naghihintay ng pagkain, naisipan kong maglinis muna ng kwarto ko. Kailangan kong maging malinis dahil baka biglang sumugod rito sila Slex, nakakahiya naman. Isa pa, kailangan kong masanay maging responsable bilang future Mrs. Carter na rin.
Maya maya nga lang ay tumawag na ang rider kaya lumabas na ako at kinuha ang order ko. Inalok ko sila Mame ng pagkain ko pero ayaw nila kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Tinapos ko muna ang paglilinis ko bago ako kumain para wala na akong gagawin mamaya.
Nasa gitna ako ng pagkain nang may bading na dumating at dire-diretso sa kama ko.
"Ay wow, kapal ng mukha, ah?" sarkastikang sabi ko sa kaniya.
"Huwag ngayon," walang ganang sabi nito bago magtakip ng unan sa mukha.
"Bakit? May problema ba?" alalang tanong ko.
"Galit sa 'kin si Zab," sagot niya. "Nakita niya kasi yung chat ni Julius sa 'kin, tapos hindi na niya ako pinansin."
"Magulo ka kasing bakla ka," sabi ko sa kaniya. "Hindi mo malaman kasi kung mahal mo ba si Zab. Syempre, may feelings din yung tao. Hindi porket hinahabol-habol ka ng tao, wala na siyang feelings."
"Bilat, hindi ko alam kung paano ako aamin sa kaniya," tugon nito. "Matagal ko ng gustong gawin kaso takot ako. Alam mo na, malambot kasi ako."
"Malambot ka pero mukhang hindi ka naman bading talaga. Kumbaga, nasanay ka lang dahil sa nagpalaki sa 'yo at mga nakasalamuha mo." Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha niya. "Try mong umamin sa kaniya, mukhang mutual naman kayong dalawa."
Ngumiti ito bago maupo sa kama ko. "Aamin ako sa birthday niya."
"Tama 'yan, para hindi ka na inggit na inggit sa 'min ni Zaem," nakangising sabi ko.
Umirap naman ito bago kumuha ng chicken.
"Speaking of Zaem, hindi ka ba nababahala na umalis siyang hindi ka kasama? Ang dami pa namang magaganda doon sa underground," sabi nito. Alam kong pinag-o-overthink niya ako. "Tapos, puro malalakas pa yung mga babaeng nandoon. Sikat pa ang boyfriend mo doon kaya siguradong maraming nagkakandarapa sa kaniya doon."
"Kapag nairita ako sa 'yo, malakas na sampal ang tatama sa 'yo," banta ko sa kaniya. "Loyal si Zaem, okay? Hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit ko. Mahal ako ni Zaem kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya."
"Alam ko naman yun, inaasar lang kita," nakangising sabi niya. "Invested ako sa love team niyo kaya dapat hindi kayo maghiwalay."
"Hindi kami maghihiwalay," mayabang kong sabi. "Kami na ang forever, sigurado ako diyan."
"Paano kapag naghiwalay kayo?" biglang tanong ni Slex.
"Ede iyak," sagot ko.
Napailing-iling na lamang ito bago inuman yung milktea ko. Kapal talaga ng mukha.
"Oo nga pala, 'di ba sa Russia mag-aaral si Zaem ng college?" tanong ni Slex.
"Ayaw na niya," sagot ko. "Pero alam kong gusto niya talaga. I-pu-push ko si Zaem, kasi pangarap niya 'yon. Masakit, pero keri naman. Bata pa naman kami ni Zaem kaya hindi dapat kami magmadali."
"Ay, ang huwarang girlfriend mo diyan," nakangising sabi ni Slex. "Tama nga naman na suportahan mo siya. May video call naman kaya magkakausap pa rin kayo. May mga Russian girl naman doon na magbabantay kay Zaem, kaya hindi mo kailangang mag-overthink."
Sinamaan ko ng tingin ang loka bago batuhin ng unan. Ang lakas mang-asar.
"Isa pang hirit mo ng ganiyan, itutulak kita rito sa veranda ko para hindi ka na makaamin kay Zabria," banta ko sa kaniya.
"Walang ganyanan," natatawang sabi nito.
Inirapan ko lang ang gaga bago magpatuloy na lang sa pagkain ko.
Kainis siya, sarap niya talagang sakalin!
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomansaShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
