Hindi rin kami nagtagal sa farm ni Ninong Clode, nawala na kasi talaga sa mood si Zaem kahit nilambing ko na. Pakalat-kalat pa kasi sa paligid yung lalaking nagligtas sa 'kin.
"Iba magselos si Zaem, nagpapakita ng biceps," sabi ni Zabria.
"Ang sarap niyang magalit," sabi naman ni Shiemi.
"Oh, Astrel, huwag kang humirit na masarap si Kuya Zaem. Iiyak talaga ako," mabilis na sabi ni Rycher.
Natawa naman ako. "Masarap talaga si Zaem. Ang tigas ng abs at biceps."
"Ehem!" pekeng ubo ni Slex bago tanggalin ang suot niyang t-shirt. Lumitaw tuloy ang magandang katawan ni bading. "Parang ang init dito, 'no?"
"Oo nga," sang-ayon ni Nlex bago rin maghubad ng damit.
Kunwari pa, halata namang nagselos ang kambal na bugok. Napailing na lang ako bago tumayo at pumasok sa loob ng bahay.
Tumawag kasi ang Tito Quen, ni Zaem, at gusto siyang kausapin kaya pumasok muna siya sa loob ng staycation house.
"Ano, Zaem? Dito ka ba sa Russia mag-aaral?" Hindi natuloy ang akmang pagtawag sa kaniya dahil sa sinabi ng Tito niya. Mag-isa lamang siya sa sala. "Naghihintay na ang mga requirements mo rito."
"I still don't know, Tito," sagot ni Zaem. "You know, I can't leave Parsia."
"Zaem, alam kong gusto mong sumunod sa yapak ni Papa mo, lalo na ngayong nagpaparamdam ang mga kalaban niya noon," sabi ni Tito Quen. "Dito sa Russia, mabilis mong matutupad ang pagiging Mafia mo."
"Tito Quen, nagdadalawang-isip na rin ako kung susunod ako sa yapak ni Papa. Ayaw po ni Papa at Mama na maging mafia ako. Isa pa, hindi ko kayang iwan si Parsia sa Pilipinas," sagot ni Zaem.
"Zaem, pamilya at pag-ibig ang pinaka-malupit mong kalaban sa pagiging mafia. If you can't sacrifice them, you're not fit for mafia title," seryosong sabi ni Tito Quen. "Mag-isip kang mabuti, Zaem. Hindi pwedeng pagsabayin mo ang pagiging mafia at ang mahal mo sa buhay. Parehong mawawala 'yan sa 'yo."
Huminga nang malalim si Zaem. Alam ko agad na namomroblema siya.
"I'll think about it, Tito." tugon na lamang ni Zaem.
"Just call me, Zaem. You still have a two months to think about it."
Ilang sandali lamang ay ibinaba na ni Zaem ang tawag. Inayos ko naman ang sarili ko bago siya lapitan na parang wala akong narinig.
"Kumusta si Tito Quen?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Maayos naman," sagot niya bago tipid na ngumiti.
"Zaem, sa Russia ka mag-aaral ng college?" tanong ko sa kaniya.
Imbis na sumagot, yumakap lamang ito sa beywang ko at sumubsob sa leeg ko. Mukhang problemado na siya.
"Maganda ang opportunity sa Russia," sabi ko bago haplusin ang kaniyang likod. "Ayos lang naman sa 'kin kung gusto mong doon mag-aral, hinsi naman ako magiging hadlang sa pangarap mo, Zaem. "
Napaangat ito ng tingin sa 'kin at binigyan ako ng isang mapungay na tingin.
"Are you okay with that?" Tanong nito.
Nakangiting tumango naman ako. "Hindi pa tayo, naka-plano na 'yan kaya hindi ako magiging hadlang. May video call naman kaya okay na muna 'yon."
"Pero mamimiss kita," parang batang sabi nito. "And I promise that I won't leave you."
"Zaem–"
"–Dito na lang ako sa Pilipinas. Hindi kita iiwan," sabi nito. "I will stay here with you no matter what happen."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ko rin naman talagang umalis siya, kaso ayokong maging kontrabida sa pangarap niya.
Isa pa, natatakot ako na magbago ang lahat kapag naging ldr kami. What if makahanap siya ng russian girl doon, 'di ba? Ede brokenhearted ang lola niyo.
"Huwag muna nating isipin 'yon, kababakasyon pa lang natin, eh," natatawang sabi ko. "Enjoy na lang muna natin ang bakasyon natin."
"Yeah," nakangiting sabi niya bago muling sumubsob sa leeg ko.
Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya. Ang clingy talaga. Sarap sa feeling.
"Oo nga pala, hindi ka na ba naiinis dahil sa nangyari?" tanong ko sa kaniya. "Mamaya, may hinanakit ka pa doon sa lalaking nagligtas sa 'kin."
"I'm not upset any more. Just don't mention him again." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakasimangot siya.
"Wala ka naman kasing dapat ikainis. Wala namang malisya sa 'kin yung ginawa niya. Ni-hindi nga ako kinilig sa katawan niya, eh," sabi ko. "Noong naghubad ka at pinahawak mo sa 'kin ang katawan mo, doon ako kinilig."
"So you like my body?" Nag-angat ito ng tingin. Nakangisi sa 'kin ang loko. "You want to touch it again."
"Pilyo!" Pinisil ko ang ilong niya.
Natawa naman ito bago sapuhin ang baba ko at haplos-haplusin.
"Parsia, can I kiss you?" paalam nito.
Natigilan pa ako at napalunok pero dahan dahan ko ring itinango ang ulo ko. Normal lang naman sa magkasintahan ang mag-kiss.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito bago idampi ang labi niya sa labi ko. Dampi lamang iyon, hindi iyon gumagalaw. Napapikit naman ako at dinama ang kaniyang labi. Hindi ito ang first kiss namin as a couple, pero iba sa pakiramdam ngayon. Mas ramdam ko ngayon kung gaano ako kamahal ni Zaem.
Nang humiwalay kami sa halik, pinagdikit nito ang noo naming dalawa.
"I love you, Parsia. I love you so much," sincere na sabi nito.
"Mahal din kita, Zaem," nakangiting tugon ko.
"Wow, you two kiss in front of me." Sabay kaming napalingon ni Zaem sa nagsalita.
Ang diyablo! Si Kuya Paxton!
Masama ang tingin nito sa 'min, nakakatakot din ang awra nito na parang papatay na siya.
"PX, it's normal because they are couple," sabi ni Ate Maristella.
"Naiinis ako!" Inis na sabi ni Kuya Paxton.
"Hindi mo lang matanggap na hindi na baby si Parsia," sabi ni Ate Maristella.
Napasimangot naman lalo si Kuya Paxton.
"Kuya Paxton, anong gusto mong gawin namin ni Zaem? Ipaghele ang isa't isa?" sarkastikang tanong ko. "Kayo nga ni Ate Maristella, mas grabe ang ginagawa niyo, eh."
"We're husband and wife." madiing sabi ni Kuya Paxton.
"Ex husband and wife," pagtatama sa kaniya ni Ate Maristella.
"Maristella, we're not divorce!" maktol ni Kuya Paxton. "Walang divorce sa Pilipinas."
Nagsimula nang magbangayan ang dalawa kaya nakakuha kami nang pagkakataon ni Zaem na makaalis doon para iwas sermon.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomansaShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
