CHAPTER 49

1.2K 36 1
                                        


"Saan ka pupunta?" tanong ni Mame nang makababa ako.

"May date kami ni Zaem," sagot ko. "Nagpaalam na rin po ako kay Dade at magpapasunod na lang daw sila ng bantay sa 'min."

Tumango ito. "Sige, mag-iingat ka, ah? Kapag may nangyari, tawag ka agad. Huwag ka ring mag-alala sa oras, akong bahala sa Kuya mo at Dade mo."

Napangiti naman ako. Kaya love na love ko itong si Mame, eh. Sobrang supportive, lalo na sa kalandian ko.

"Thank you, Mame," nakangiting sabi ko bago lumabas.

Nakita ko agad si Zaem sa labas. Nakasandal ito sa kotse nila na animo'y modelo. Kahit white trouser at black na polo lamang ang suot nito, iba pa rin ang karisma niya.

"Hi, beautiful. . ." nakangiting bati nito sa 'kin.

"Hi, pogi. . ." tugon ko.

Nakangiting binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Lumapit naman ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng halik sa labi bago sumakay sa loob.

Nakangting isinara nito sa pinto sa passenger seat bago umikot patungong driver seat. Sinigurado muna nitong nakasuot kami ng seatbelt bago niya paandarin ang sasakyan.

"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Pampanga," sagot niya.

"Pampanga?" Napatingin ako sa oras at two thirty na ng hapon. Medyo malayo-layo ang pampanga kaya gagabihin kami. "Gagabihin tayo."

"Mas maganda doon kapag gabi," nakangiting sabi niya. "Pupunta tayo sa sinasabi nilang mahabang kainan. Nakita ko sa social media yung Paligue, Candaba Pampanga. At mukhang maganda nga doon."

Tumango naman ako. "Okay, pagkain naman pala kaya magkakamabutihan agad tayo."

"Nagpaalam na rin ako kila Tito Wyatt and Kuya Paxton," sabi niya.

Tumango na lamang ako bago sumandal sa kotse. Okay na rin 'to, para mas matagal kaming magkasama ngayon. Namiss ko rin kasi siya.

Medyo naging busy sila sa underground kaya naman hindi kami gaanong magkasama. Kung magkakasama man kami, sobrang saglit lang.

"Gusto kong bumawi sa 'yo, naging busy kasi ako," sabi ni Zaem bago hawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. "Masyado akong naging busy sa underground kaya gusto kong bumawi."

"Zaem, ayos lang naman sa 'kin 'yon. Alam kong gustong gusto mong maging mafia kaya hindi ako magagalit kung maging busy ka sa underground," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Sa katunayan, masaya ako kung itutuloy mo ang pangarap mong 'yan sa russia–"

"–Parsia, let's not talk about that, okay?" kalmadong sabi nito.

Mukhang ayaw niya pa rin talagang baguhin ang desisyon niya.

"Okay," tugon ko at ngumiti.

Dahil ang layo ng byahe namin, hindi ko na maiwasang makatulog. Nang magising ako, nakahinto na yung sasakyan sa tabi ng isang simbahan.

"It's already four thirty," sabi ni Zaem.

Napatango naman ako bago mapaunat. Medyo nangawit ang leeg ko pero keri naman.

"Are you okay?" tanong ni Zaem bago masahihin ang leeg ko. "Mukhang nangawit ka.."

"Nangawit talaga," natatawang sagot ko. "Ikaw? Kumusta ka? Ang layo ng byahe natin kaya paniguradong pagod ka."

Ngumiti ito bago ako halikan sa labi. "Ayan, hindi na ako pagod."

"Corny mo," natatawang sabi ko bago siya irapan.

Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon