Ito na ang pinakahihintay kong araw, ga-graduate na ang malanding bilat. Pagkatapos ng mga paghihirap ko, lalo na sa research, sa wakas ay ga-graduate na rin ako. Medyo kinakabahan din ako kasi ngayong araw ko na rin sasagutin si Zaem.
"Congratulations, Parsia," nakangiting bati sa 'kin ni Dade.
"Thank you, Dade," nakangiting tugon ko.
"Proud na proud kami sa 'yo," sabi naman ni Mame.
Ang plastic, ah? Parang hindi ako pinagbaon ng sampung piso, charot lang.
"Congratulations," sabi naman ni Kuya Paxton.
"Thank you mahal kong pamilya," madramang sabi ko. "Alam niyo po? Mas sasaya ako kapag binigyan niyo ako ng datung."
"Mamaya na ang regalo," sabi ni Mame. "Halika na at anong oras na. "
Lumabas naman kami agad ng bahay at sumakay sa sasakyan. Si Kuya Paxton ang driver, sa front seat naman si Ate Maristella. Katabi ko sa backseat si Mame at Dade, kandong nila yung dalawa ko pang kapatid.
"Parsia, congratulations to your graduation," sabi ni Ate Maristella bago iabot sa 'kin ang isang paper bag. "Gift ko sa 'yo. I hope you like it."
"Thank you, Ate," nakangiting sagot ko.
Ilang sandali nga lang ay nakarating na kami sa school. Bumaba kami at agad naglakad patungo sa gym. Dala dala ko yung regalo ni Ate Maristella dahil gusto kong magyabang na may natanggap agad akong gifts.
Nakapila na ang lahat sa labas ng gym kaya agad na akong pumila sa section ko. Nasa harapan ako ni Archer sa pila dahil magkasunod lamang kami sa attendance.
"You look beautiful," nakangiting sabi sa 'kin ni Zaem na nasa likuran ng pinsan niya. May hawak na bulaklak ang lalaki. "Para sa 'yo, congratulations."
Nagkantyawan naman ang mga estudyanteng nasa paligid namin. Pigil ang ngiting tinanggap ko naman ang bulaklak na binigay niya. Parang tanga 'to, ang yabang yabang na tuloy ng datingan ko ngayon.
"Thank you," pigil ang ngiting sabi ko.
"Ehem! Ehem!" Naputol ang moment namin ng pekeng tumikhim si Dade. Siya at si Mame kasi ang kasama ko sa paglalakad.
"Epal ka naman," sabi ni Mame bago mahinang sikuhin si Dade sa tiyan. "Moment 'to ng anak mo kaya tigilan mo ang pagiging o.a."
Napangiti naman ako at pumila na. Niyayabangan ko ang mga estudyanteng titingin sa gawi ko. Once in a lifetime lang ito kaya kailangan kong magyabang.
Maya maya nga lang ay nagsimula na ang paglalakad. Nauna ang strand nila Slex, mahina pa akong hinampas ng bading dahil sa inggit.
"Yabang mo, binigyan ko rin ng ganiyan si Astrel," sabi ni Rycher na nasa likuran ko.
"Pakielam ko? Iiwan ka rin naman niya," nakangising sabi ko.
Ngumisi rin ang loko. "Hindi mo sure."
Hindi ko na siya pinansin dahil nagsimula nang lumakad ang strand namin. Kasabay ko sila Mame at Dade na parehong nasa magkabilang side ko. Bago ako makadiretso sa upuan ko, kinuhanan muna ako ng litrato kasama sila Dade.
Nang makaupo ako, agad akong nag-picture hawak yung mga regalong natanggap ko. Pasimple namang nang-aasar si Rycher kaya sinikmuraan ko ito.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomansaShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
