CHAPTER 50

1K 38 7
                                        


     "Happy Birthday, Slex!" nakangiting bati ko sa bilat na bading na kumakain ng fresh tahong.

"I can't accept this, matanda na aketch!" maarteng sabi nito.

Natawa naman ako. "Makakaamin ka na kay Zabria, mamaya."

Nakita ko ang pamumula nito kaya natawa ako. Palandi-landi pa sa lalaki noon, babae rin pala ang bagsak niya.

"Kinakabahan nga ako, eh," sabi ni Slex. "Paano kung hindi pala kami pareho nang nararamdaman?"

"Mahal ka no'n, maniwala ka sa 'kin," sabi ko.

Ngumuso lamang ito. Mukhang in-love na in-love na ang loko. Makakaligtas pa yata siya sa sumpa kong maging batang ama siya.

Gaganapin ang birthday ni Slex at Nlex, sa isa sa mga hotel nila. Binonggahan na nila Tito Karson lalo pa at kambal nilang anak ang mag-bi-birthday. Mukhang binonggahan din nila dahil aamin na itong bading na 'to.

Pili lang din naman ang mga bisita, mga kakilala lang namin. Hindi pa nga kami pwede sa crowded dahil nasa paligid lang si kamatayan.

"Uwi na muna ako at mag-aayos pa ako," paalam ko kay Slex. "Kita kits tayo mamaya sa hotel, ah? Congrats in advance na."

"Ingat ka, sana madapa ka," tugon nito.

Lumabas ako ng bahay nila at naglakad pauwi. Napahinto ako sa pagpasok sa gate namin nang matanaw ko sa labas ang gwapo kong boyfriend.

"Zaem. . ." Nilapitan ko siya. "Bakit? Miss mo na ako?"

"Miss naman kita palagi," tugon nito bago ako halikan sa pisngi.

Natawa ako. "Maliligo na kasi agad ako para mauna doon sa hotel. Ihahanda ko pa kasi yung pa-surprise ni Slex, kay Zabria."

"Okay, I'll come with you," nakangiting sabi nito. "Maliligo na rin ako."

"Okie."

Humalik muli ito sa pisngi ko bago niya ako pakawalan.  Nakangiting pumasok naman ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko yung puting tube dress ko na hanggang tuhod at hinanda sa kama.

Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo. Tamang kuskos lang ako ng katawan ko at tamang wax lang ng mga buhok sa kung saan saang parte.

Pagkatapos maligo, nagbihis na agad ako. Magbabaon na lang ako ng make up dahil mamaya na ako mag-aayos at baka humulas ako. Isinuot ko yung cardigan kong itim at dinampot yung bag ko bago lumabas ng kwarto.

"Mame, alis na po ako," paalam ko.

Wala si Dade at Kuya Paxton kaya easy na para sa 'kin itong pag-alis ko ngayon.

"Ingat ka," tugon ni Mame.

Hindi na ako sumagot at tuluyan na lang umalis. Paglabas ko ng gate, nadatnan ko sa labas si Zaem na nakasandal na naman sa kotse nila.

"Pinadala ni Papa," sabi nito bago buksan yung passenger seat.

Hindi na ako sumagot at sumakay na lang. Nang makasakay ito sa driver seat agad naman itong nagmaneho.

Thirty minutes nga lang ang binyahe namin ni Zaem bago namin marating yung hotel. Nag-park siya at agad kaming pumasok sa loob.

Nakita namin sa lobby si Tito Karson na kausap yung mga mag-aayos yata.

"Tito Karson," nakangiting bati ko sa kaniya.

"Oh, ang aga niyo naman?" tanong nito.

"Mag-aayos po kami sa kwarto ni Slex," tugon ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon