CHAPTER 41

1.9K 57 10
                                        


Hindi pa rin tapos ang pag-iimbestiga tungkol sa sumabog sa school pero nakakapag-practice na kami ng graduation.

Pumayag na rin naman sila Dade pero alam kong may mga lowkey bantay kami. Nararamdaman ko kasi palagi na may mga matang nakabantay sa 'kin. Kung ako kay Dade, mga chismosa na lang pinagbantay niya sa 'min, mas marami pa kasing alam ang mga 'to.

"Are you okay?" tanong ni Zaem.

"Oo," sagot ko.

In-announced na rin ang mga may awards. Syempre, kasama ako doon. Si Rycher at Zaem ang naging overall top 1 sa school namin. Si Cole ang naging top 2 at top 3 naman ako tsaka yung kambal na Slex at Nlex.

Hindi ko nga expected na masasali ako, eh. Ang alam ko kasi bobo ako. May iba pa kaming mga awards, kagaya ng leadership awards, mga gano'n.

"Tagal namang matapos nito," reklamo ni Rycher. "Nagugutom na 'ko, eh."

"Hindi lang ikaw ang gutom," sagot ko sa kaniya.

Isang beses pang inulit ang practice bago kami pauwing lahat.

"Mauna na kayong umuwi, kakain kami ni Shiemi," sabi ni Nlex bago damputin ang bag niya.

"Kakain din kami ni Zabria sa labas," sabi naman ni Slex. "Babush na kayong mga hampas lupa. Mwa!"

"I-mi-meet ko si Cale," sabi naman ni Cole. "Hindi kasi siya masusundo ni Dad."

Tumingin kami kay Rycher. Tahimik lamang ang ugok habang nakatingin kay Mayumi na kausap ang isa nitong kaklase.

"Oo na, kakain na rin kayo sa labas," sabi ko bago itulak si Rycher.

"Ha? Sino may sabing kakain kami sa labas?" Indenial na sabi ni Rycher. "Bakit kami kakain sa labas? Break na nga kami, 'di ba?"

"Pa 'no kayo mag-be-break, hindi naman naging kayo," nakangiwing sabi ko. "Sige na, i-date mo na. Malapit na namang umalis ng Pilipinas yung tao."

"Ede ikaw ang mag-date sa kaniya –"

"–Mayumi, kain daw kayo ni Rycher sa labas!" malakas kong sigaw. Naagaw ko naman ang pansin nito. "Ayan, ako na ang naging tulay ng pag-ibig niyong dalawa."

Masamang tingin ang ipinukol sa 'kin ni Rycher pero tinawanan ko lamang siya. Nilapitan ko si Zaem na hawak na yung bag ko.

"Let's eat outside," pag-aya nito sa 'kin. "Samgyup ulit tayong dalawa."

"Sige," nakangiting sabi ko.

Samgyup is life ako. Hindi bale ng tumaba, basta mas manliligaw na mala asukal de papa.

Lumabas kaming dalawa ng gym kung saan ang practice. May dalang kotse si Zaem, pinadala ni Tito Ezar ang kotse sa kaniya. Ewan ko rin kung bakit. Si Dade kasi ayaw ipagamit sa 'kin yung kotse namin, baka raw kasi ibangga ko.

Dumiretso kami ni Zaem sa favorite naming samgyup restaurant. Mukhang kilalang kilala na nga kami ng mga crew doon.

"Ramdam mo rin bang may mga nakabantay sa 'tin?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Tumango ito habang naka-focus sa pag-iihaw ng karne.

"Mga tauhan sila dati ng mga ama natin," sagot ni Zaem. "Mukhang delikado na raw kasi para sa 'tin kaya nag-iingat sila."

Napatango naman ako. Hindi ko nga expected na sasagutin ako ni Zaem, eh. Akala ko, aakto na naman siyang walang alam sa mga nangyayari.

"Don't worry, walang makakapanakit sa 'tin. At hindi ko rin namang hahayaang mangyari 'yon," nakangiting sabi nito.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Mukhang ma-a-adopt ko rin sa buhay ko ngayon ang mga itinuro sa 'king self defense ng mga Mafia sa paligid ko. Hindi pwedeng pabebeng pa-main character lang ako. Pero kapag may baril sila, magpapabebe na lang talaga ako.

Pagkatapos namin kumain ni Zaem, nag-aya naman ito sa milktea shop na paborito niya. Nagpapabili raw kasi ang mga kapatid niya. Idinamay na rin niya ako at ang dalawa kong malditang kapatid.

"Sa next labas natin, ako naman ang taya," sabi ko sa kaniya. "Hindi pwedeng ikaw lang ang gumagastos. Gagastos din ako dahil rich din ako."

"No, ako ang gagastos," sabi nito. "Ako ang nanliligaw at ako ang lalaki kaya responsibilidad ko 'yon."

"Wag mo akong gamitan ng ganiyang word. Wala akong pakielam kahit ikaw ang lalaki," masungit kon sabi sa kaniya.

"Fine, hati na lang tayo," sabi nito bago mapahinga nang malalim. "That's a deal, Parsia. Huwag ka nang magreklamo."

Tumango na lamang ako dahil mukhang wala na rin akong choice.

Nang makuha namin yung milktea ay bumalik na kami sa sasakyan. Malapit na kami sa village pero natigilan kami nang makita ang isang matandang babaeng nasa gitna ng kalsada. Binusinahan ito ni Zaem pero balewala rito.

"Bababa lang ako," sabi nito.

Bumaba siya at sinuway ang matandang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang bumunot ng kutsilyo ang matandang babae. Umamba ito ng saksak pero nakaiwas si Zaem. Kaso mukhang nasugatan din si Zaem.

"Zaem, bumalik ka na sa kotse!" tarantang sigaw ko.

Hindi ito nakinig at nakikipag-laban pa rin sa matandang babae. Bumaba naman ako ng kotse at lumapit sa dalawa. Hinila ko ang buhok ng matandang babae pero biglang natanggal 'yon. Wig lang pala.

Nahawakan ni Zaem ang kamay nito at eksperto niyang inagaw ang kutsilyo. Lumalaban pa rin yung matandang babae kaya sumampa ako sa likod nito at sinakal ito.

"Hindi ka makakatakas na siraulo ka!" gigil kong sabi bago ito kagatin sa tainga.

Napasigaw ito at nagtaka ako dahil boses lalaki ito. Mukhang nababalat-kayo lang ang hinayupak na 'to.

"Bitawan mo ako!" galit na sabi nito at winasiwas ako.

Nahulog naman ako at sumalampak sa sahig. Nilapitan ako ni Zaem, dahil doon, nakatakbo yung matandang babaeng nagpapanggap.

"Nakatakas yung matanda," sabi ko sa kaniya.

"May humabol sa kaniya," sagot ni Zaem bago ako tuluyang tumayo. "Are you okay?"

"May gasgas ako sa tuhod–" Natigilan ako nang makitang may dugo ang tagiliran niya. "May sugat ka!"

"Nadaplisan lang," sagot nito. "Hindi naman malalim kaya hindi na kailangang magpa-hospital."

"Umuwi na tayo para magamot kita," aya ko sa kaniya.

Bumalik kami sa kotse. Patingin-tingin ako kay Zaem habang nagmamaneho siya. Nag-aalala kasi ako sa sugat na mayroon siya.

Nang makarating sa kanila, sinalubong agad kami ng parents niya. Nandoon din sila Mame kaya nagtaka ako.

"Nabalitaan namin yung nangyari," sabi ni Tita Emery bago nag-aalalang yakapin ang anak. "Zaem, sobra akong nag-alala sa 'yo."

"I'm fine, Mama." Sagot dito ni Zaem.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo ko agad si Zaem sa sofa at tinanggal ang uniform nito. Kaso, wrong move yata ang ginawa ko.

"Nagpa–tattoo ka?" kunot noong tanong ni Tito Ezar sa anak.

Nagkatinginan naman kami ni Zaem. Nakita ko ang kaba sa mukha nito.

Hindi nga namatay sa saksak kanina, mukhang mapapatay naman siya ng sariling ama ngayon.

"Good luck, sa heaven na lang tayo magmahalan," sabi ko kay Zaem bago siya tapikin sa balikat.

Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon