CHAPTER 43

2K 52 3
                                        







           Habang papalapit ang graduation, mas lalo ring lumalapit ang kamatayan sa 'min. Kaya nga dinaig pa namin ang kinder, naging hatid sundo kasi kami ng kaniya kaniyang Tatay namin. Dahil naman doon, nawala ang mga kamatayang nakapaligid sa 'min. Yun nga lang, hindi makalandi ang mga tropa ko, lalo na si Rycher na malapit ng iwan.


"This is the last practice of graduation. Yung dalawang araw na natitira, pahinga niyo 'yon at paghahanda na rin para sa araw ng graduation," sabi ni Ma'am Elena. "Please, iwasan muna ang maggagala, gawin niyo 'yan pagkatapos ng graduation."


"Yes, ma'am," sabay sabay naming sagot.


Nagsimula na ulit ang practice. Kahit tinatamad na ako at napapagod sa pagtayo, pinilit ko pa ring maging masigla.


"Sayang yung buong barkada nila Daryl, hindi man lang naranasan ang graduation," narinig kong sabi ng isa kong kaklaseng babae.


"Na-expelled na, comatose pa," sabi pa ng isa kong kaklaseng babae.


"Kasalanan din naman kasi ng mga mayayabang na 'yon," komento naman ng kaklase kong lalaki. "Palaging trip si Parsia, buti nga sa kanila."


"Bunganga mo, Edward, baka marinig ka ni Macy," saway sa kaniya ni Julia. "Gusto mong mapag-initan ka rin no'n?"


Bigla namang sumagi muli sa isipan ko ang lagay ng boyfriend ni Macy at mga barkada nito. Palaisipan pa rin sa 'kin hanggang ngayon kung sino ang dahilan kung bakit comatose ang mga ito. Hindi naman sa pagiging assuming, pero pakiramdam ko talaga ay ako ang dahilan kung bakit comatose ang mga ito. malakas ang pakiramdam ko na malapit lang sa 'kin ang gumawa nang ganoong bagay sa kanila.


"Campbell, mamaya ka na tumulala diyan." Nabalik lamang ako sa ulirat nang magsalita ang gurong nasa stage.


Mabilis akong umakyat sa stage at nag-bow tsaka bumaba.


"Are you okay?" tanong ni Zaem nang maabutan ako nito.


"Ayos lang," sagot ko. "May naalala lang ako kaya medyo nag-loading."


Tumango naman ito bago ako akbayan.


Nagtagal pa ng ilang oras ang practice namin bago kami pauwiin. Dating gawi, diretso agad kami sa gate dahil paniguradong nandoon na ang kaniya kaniyang sundo namin. This time, kasama ng mga tropapips ko ang mga bebe loves nila. Napangisi naman ako habang nakatingin kay Rycher. Ang rupok ng tang ina.


"Sinusulit mo masyado ang oras na kasama mo si Mayumi, ah?" pang-aasar ko sa kaniya.


"Bakit ko susulitin? Hindi na naman siya aalis," sagot nito bago akbayan si Mayumi. "Aasawahin ko agad si Mayumi para maging malaya na siya."


"Gago!" singhal ko lang siya.


Hindi ko alam kung seryoso ba si Rycher sa sinasabi niya o malakas lang ang trip niya ngayong araw.


Nang dumating sundo namin, kaniya kaniya kaming sakay sa kotse ng bawat isa. Ayaw pa ngang bumitaw ni Zaem, eh, parang tanga lang. Parang hindi kami magkikita mamaya, eh.


"Bakit hindi si Dade ang sumundo?" nakasimangot kong tanong nang makita si Kuya Paxton ang nasa driver seat.


"May meeting si Dad," sagot nito bago simulang paandarin ang sasakyan. "Why? Ayaw mo ba sa 'kin dahil alam mong kontra na naman ako sa inyo ni  Zaem?"


"Oo," walang prenong sagot ko.


"Parsia, hindi sa ayaw ko kay Zaem para sa 'yo," mahinahong sabi nito. "Gusto ko siya para sa 'yo, pero kung ipagpapatuloy niya pa rin ang pagsunod sa yapak ng Tatay niya, ayoko siya para sa 'yo. Parsia, I know that you're aware about the underground. Alam ko ring nakapunta ka na doon nang ilang beses. Marami akong mga mata sa paligid, Parsia, kaya 'wag ka nang magtaka."


"Parte ka rin ng Mafia?" usisa ko.


"I'm more than that," sagot nito. "Anyway, let's go back to our topic. Ayokong magkaroon ka ng karelasyon sa isang Mafia. Dahil sa mundo ng Mafia, mas matimbang ang trabaho kaysa sa minamahal nila. Ayokong masaktan ka lang ni Zaem. Dahil alam kong darating ang araw na iiwan ka niya."


"Kuya, iba na ang generation ngayon. Alam kong hindi ako iiwan at sasaktan ni Zaem," panatag kong sambit. "Hindi porket nangyari sa 'yo, mangyayari na sa 'kin."


Saglit akong tiningnan nito para samaan ng tingin. "Iba ang nangyari sa 'kin, okay? Huwag mong ikumpara sa mangyayari pa lang sa 'yo."


"Ah, basta, panatag na ako aky Zaem," sabi ko. "Kung hindi mo matatanggap at magiging hadlang ka, makikipag-tanan ako sa kaniya-"


"-Gusto mong ibangga ko 'tong kotse para matauhan ka sa sinasabi mo?" banta nito sa 'kin.


"Joke lang naman," tugon ko bago tumawa ng peke.


"Parsia, binalaan na kita. Huwag kang iiyak sa 'kin kapag iniwan ka ni Zaem," seryosong sabi nito.


Hindi ko na siya pinansin. Kunwari na lang wala akong narinig na basher para sa future namin ni Zaem. Wala pang binabaling pangako sa 'kin si Zaem, kaya sigurado akong hindi niya ako sasaktan at iiwan. Subukan niya lang, sho-shotgun-in ko siyang lintik siya.


Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. Wala sila Mame sa sala kaya dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nagpalit ako agad ng damit na sando dahil naiinitan ako sa suot ko.


* TING*


Napatingin ako sa cellphone ko nang natanggap akong notification. Nakita kong nagchat si Zaem kaya agad ko iyong binuksan.


Zaem Ezery Carter

:Nakauwi ka na?


Sasagutin ko pa lang yung chat niya pero bigla na itong nag-request ng video call. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sagutin 'yon.


"Kakauwi ko lang," sabi ko sa kaniya. "Ikaw ba? Para nasa kotse ka pa."


"May dinaanan si Papa sa bakery ni Ninang March," sagot nito. "You want some snacks? Dadalhan kita mamaya."


"Maraming pagkain sa bahay kaya hindi na kailanga," tugon ko. "Ingat kayo sa pag-uwi, ah? Papakasalan mo pa ako."


"Of couse," nakangiting sabi nito.


Ang gwapo talaga ngumiti.


"Zaem, kung sakaling maging tayo. Hindi mo naman ako sasaktan at iiwan, 'di ba?" wala sa sariling tanong ko.


"I won't," seryosong sagot niya. "Parsia, ibinigay mo ang tiwala mo sa 'kin kaya hindi ko sisirain 'yon. At ayoko ring sirain ang mga pangako ko sa 'yo. . . Parsia, I'm deeply inlove with you and I don't want you to have regret being with me."


Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Naging panatag na ulit ang loob ko dahil sa mga katagang lumabas sa kaniyang bibig.



"Okay. Ingat kayo sa pag-uwi ni Tito Ezar. Ibaba ko na ang tawag dahil inaantok na ako," sabi ko sa kaniya.


"Sleep well, moya iyubov'. . ."


Kahit hindi ko naintindihan yung alien word niya, napangiti pa rin ako. Lintik na accent 'yan, nakakakilig sa bilat.

________________

Hello, everyone! Kung gusto niyo po ng advance update. You can join to my VIP GROUP. Ang VIP Group po na 'yan is for advance update only. As of now, 67 chapters na po ang nasa VIP Group. Hindi po ito sapilitan, kung gusto niyo lang naman po. Ang price po niya is 200, lifetime na po iyon. Salamat po!

You can message me here if you're interested:

KwinDimown WP
KwinDimown (FB PAGE)

Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon