CHAPTER 46

2.1K 37 8
                                        


         Cellphone kaagad ang hawakan ko nang magising ako. Binuksan ko ang social media ko para tingnan ang mga nag-react at nag-comment sa post ko.

Sabog agad na notification ang bumungad sa 'kin. Sabog na ako, pati notif ko sabog.

Zaem Ezery Carter tagged you in a post.

Pinindot ko yung post. Isang masayang ngiti ang umusli agad sa aking labi nang makita ang post na iyon.

Zaem Ezery Carter is now in a relationship with Parsia Wyatt Campbell.

Napanguso ako bago magbasa ng comment. As usual, may comment sila Slex.

Slex Makar Walter: Landi niyo #enemy_to_lovers.

Rycher Carson: 'Yan lang? Hintayin niyo akin next week😏

Nlex Karde Walter: Putek, sana ma-banned.

Cole Andrei Sullivan: Congratulations lovers <<3

Ang dami pang comment, karamihan doon ay naiinis dahil in a relationship na kami ni Zaem.

Macy Angeles: Kunwari pang inaaway si Zaem, gusto rin pala. What a crazy b*tch.

Umarko ang isang kilay ko sa comment nitong babaeng 'to. Syempre, kung hindi ako papatol, hindi ako si Parsia.

Parsia Wyatt Campbell: Macy Angeles. Lols! Palibhasa ayaw kang patulan.

Nang ma-reply-an ko siya, ibinaba ko na ang cellphone ko at tumayo. Dumiretso ako sa cr ng room namin nila Mame at naghilamos. Pinusod ko rin ang buhok ko bago lumabas ng room.

Ako na lang kasi mag-isa sa room namin, wala na sila Mame kaya alam kong nasa baba na sila para mag-umagahan.

Ang tinutuluyan namin ay parang stay cation house. Iisang malaking bahay lang siya pero iba iba ang room.

"Good morning, moya iyubov." Bumungad agad sa 'kin si Zaem nang makababa ako.

Gwapong gwapo ito sa suot niyang itim na sando at white pants. Dahil nakasando lang siya, bahagyang lumilitaw ang tattoo niya sa dibdib at ibabang balikat.

Messy hair pero ang gwapo!

"Good morning," nakangiting bati ko sa kaniya.

Ngumiti ito bago akbayan at halikan sa noo. Iginaya ako nito papunta sa dining area ng bahay. Nadatnan namin doon sila Mame, kumpleto silang lahat at kumakain.

Hindi ako hinintay, parang hindi pamilya, eh.

"Good morning, Parsia," nakangiting bati sa 'kin ni Ate Maristella.

Nandito na pala siya. Kaya pala sa ibang kwarto natulog si Kuya Paxton.

"Good morning, Ate," tugon ko bago maupo. Tinabihan naman ako ni Zaem. "Anong oras ka po dumating?"

"Mga 1:00 am na," sagot ni Ate. "Pasensiya na at hindi ako nakasali sa celebration. Ang dami ko kasing trabaho."

"It's okay po," tugon ko.

Nagsimula akong kumain at sinabayan naman ako ni Zaem.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko kay Zaem.

"Hinihintay kita," sagot niya bago lagyan ng gulay ang plato ko. "Kain ka lang. Papasyal tayo mamaya."

Tumango naman ako bago mapatuloy sa pagkain. Iba talaga ang epekto ng love life, kahit ayaw mo sa gulay, mapapakain ka bigla.

Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon