CHAPTER 45

2K 43 8
                                        




Pagkatapos nga sa school, dumiretso agad kami sa resort na pagmamay-ari nila Ninong Clode para sa celebration ng graduation namin. Naisipan nila na mag-swimming after graduation kaya dito ang bagsak namin.


Ang dami rin naming natanggap na regalo galing sa mga Ninong namin, may pera pa. Sa wakas, may pang-date na kami ni Zaem.


"Magbihis na kayo para makakain na tayo," sabi ni Mame.


Tumango naman ako at inaya sila Mayumi sa girls room. Yes, kasama namin ang mga bebe loves ng mga kaibigan kong pangit. Yung kay Cole nga lang ay hindi namin nakikita, pero nararamdaman naman namin.


"Buti pinayagan kayong sumama?" tanong ko sa kanila habang sinusuot ang t-shirt ko.


"Mag-enjoy raw ako dahil tapos na ang paghihirap ko," nakangiting sabi ni Shiemi.


"Tumakas lang ako," sabi naman ni Zabria. "May kaniya kaniya rin naman silang pamilya kaya hindi naman siguro nila ako hahanapin."


Lumingon ako kay Mayumi.


"Matagal na akong hindi nakatira sa bahay," mahinang sabi ni Mayumi. "Tinakwil na ako sa 'min dahil mas pinili kong manatili rito sa Pilipinas."


Bahagya naman akong nagulat dahil sa sinabi niya.


"Pasensiya na at naitanong ko pa," sabi ko.


"Okay lang. Hindi naman ako malungkot, masaya pa nga ako dahil nakalaya na ako," nakangiting sabi niya. "At hindi ako nagsisisi na nanatili ako sa tabi ni Rycher. Alam ko kasing magiging masaya ako sa piling niya."


Patay na patay nga siya kay Rycher.


"Sana all, binibigyan ng assurance," biglang sabi ni Zabria.


"Wala ba kayong label ni Slex?" hindi mapigilang tanong ko.


"Ewan ko sa bading na 'yon," natatawang sabi niya. "Magulo rin siya, parang pubic hair niya."


Natawa naman kami dahil sa sinabi nito.


Natapos na kaming magbihis at nag-aya na nga si Shiemi pabalik sa cottage naming lahat para makakain na.


"Dito ka," tawag sa 'kin ni Zaem kaya agad akong lumapit sa kaniya. "You want me to tie your hair?"


Tumango naman ako.


Inipon naman nito agad ang buhok ko at tinali gamit ang pantaling nasa kamay niya. Naramdaman ko ang tingin sa 'min ng iba pero hindi ko na lang pinansin.


"Nagsasakalan lang kayo dati, tapos mag-on na kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Tito Von. "Parang ang love story niyo kagaya sa 'min ng Tita Marchen niyo. Enemies to lovers din ang atake naming dalawa. Tapos, nalaman kong patay na patay pala sa 'kin si Tita Marchen niyo."


"Ang kapal ng mukha mo, ikaw nga itong naghahabol sa kapatid ko," sabi ni Ninong Acer sa kaniya.


Natawa naman kami nang mapasimangot na lamang si Tito Von.


Si Zaem ang kumuha ng pagkain naming dalawa. Nanatili naman akong nakaupo doon habang nakatingin sa kaniya. Princess treatment ang atake ko ngayon.


"Kapag gusto mo pa, sabihin mo lang," sabi ni Zaem nang makalapit siya sa 'kin.


"Thank you," nakangiting tugon ko.


Nang makaupo ito sa tabi ko, nagsimula na kaming kumain. Nakakagutom naman kasi talaga kanina sa graduation, tapos bawal pang kumain habang umaandar ang program.


Devil's SmirkMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon