three

10 1 0
                                    



Naging masaya ang anniversary nung araw na yon. Pakiramdam ko nawala lahat ng problema ko ng adyan sya. Lagi nya akong sinusuportahan at ginagabayan sa lahat ng ginagawa ko. Andyan sya lagi sa tabi ko sa anumang oras at napakasaya dahil doon.

Kinabukasan habang pauwi na ako ng bahay at as usual, wala silang lahat, ako nanaman siguro kakain mag-isa dahil maya-maya susunduin ko na si Sancho sa eskwelahan.

Bago pa ako makasubo sa kinakain ko biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Babe.

Are you home babe?

Napangiti ako sa text nya, lagi nya talaga akong naalala, pinauna nya kasi akong umuwi at may practice pa daw sila sa banda, di na naman ako magtataka kung di yan mapasama dyan dahil magaling naman talaga sya. Boyfriend ko ata yan!

Me.

Yup. mamaya susunduin ko si Sancho tapos diretso national, sama ka?

Bigla naman syang nagreply, wala ba syang ginagawa ngayon?

Babe.

Sure. Pupuntahan kita dyan. I love you babe. :*

Pwede na bang kiligin? Kahit naman kasi matagal nang kami, sa tuwing magte-text sya ng mga ganyan ay namumula ang pisngi ko.

Me.

haha. Sige, I love you too.

Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako at umalis ng bahay. 3:15 na kaya baka nag-aantay na si Sancho sa school nila, Buti nalang habang naglalakad ako ay nasalubong ko na si Edward at nakitang masama ang timpla ng mukha. Di ko na kasi sya inintay dahil alam kong magkakasalubong di kami palabas ng Mariposa Village.

"Sabi ko antayin mo ko eh." Ibang tono na nang pananalita at para bang pag-iba ng mood.

"Haha. Anong oras na kaya." Pabiro kong sabi sa kanya.

"Right. Kasalanan ko."

"No. Hindi kita sinisisi, Alam ko namang magkakasalubong tayo eh, tsaka ayokong pag-antayi---Wait."

Anong nangyari dun? Bakit bigla syang nagalit? Dahil ba di ko sya inantay? Di naman ganyan yan dati ah, tsaka kahapon lang diba? Anyare?

"Uy babe. Wag ka nang magalit, uyyy, hintayin mo naman ako."

Bigla naman syang huminto, Ang bilis nya kasi lumakad.

"I'm sorry. Badtrip lang talaga ako ngayon, Tara na."

Tumango nalang ako at lumakad na, hinawakan ko ang kamay nya para naman malaman nyang andito lang ako, pwede naman sya magsabi ng problema sya sakin eh, pwede ko naman syang tulungan. Sabagay mga lalaki, Ma pride.

"Pareng Eds!" Yan yung tawag ni Sancho kay Edward, parang nagtatawag lang ng lalake sa kanto. Pero ang cute kasi kahit papaano sobrang close talaga sila kahit grade school palang si Sancho.

"Pre!" sabay fist bump nila at binuhat sya.

"Anyare sa school Pare ko?"

"La nyaman. Peo pare meron akong star."

"Galing naman! Tara Mcdo tayo."

"Yeheyyyy!"

Ngiting abot tenga nanaman sya. Ganyan kasi yung ginagawa namin pag may star sya o perfect sa exam, laging binibilan ng french fries galing sa Mcdo. Wag na wag mong bibigyan ng galing sa Jollibee dahil baka itapon nya yan, ang weird weird nga nyan na takot kay Mcdo at mas love si Jollibee, pero sa pagkain hayyyst. Kaya nga technique namin dyan, magluluto kami ng fries pero ilalagay sa lalagyanan ng Mcdo. Yung sa fries? Pero di naman nya napapansin kaya okay lang.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon