"Listen to us, first." Ani ate.
Tinignan ko sya nang nakakunot ang noo. Ang akala ko ay si mama lang at papa ang may alam nito. Mas hindi ko inaasahan na may alam din pala si ate at wala man lang pinaalam sa akin na ganito. lalong gumugulo ang isip ko. Tanging andito lamang si Janine na alam kong naguguluhan at pinipilit na intindihin ang sitwasyon ko.
"Ate?"
"Arie, I'm so sorry di ko nasabi sayo. It's for your own good too. Sorry talaga." Nakayuko siya at pinipisil lamang ang kanyang mga daliri.
I can't believe this. I thought she'e going to face this with me. Kasama ko sya lagi at kahit noong nalaman ko pa na di ko siya tunay na ate ay di nagbago ang pakikisama namin ang isa't isa. Well, ayokong idamay ang sitwasyon na ito pero pwede parin namna nyang sabihin sa'kin kahit na papaano diba? Masyado akong nasasaktan.
"Don't blame you ate Alex, Arie. Kami ang nagsabi sa kanya na wag sabihin sayo."
"Ma, bakit? Kailan pa ito? Bakit kailangan na di nyo pa ipaalam sa akin ito? Handa naman akong intindihin e."
They still feel sorry about what happened. Janine stayed for the whole night kahit halos wala pa akong tulog. Paano ba naman ako makakatulog kung ganito ang sitwasyon ko.
"Janine, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na nina Tita." malumanay kong sabi.
"No, Arie. Do you thik ngayon pa kita iiwan? Nakapagpaalam na ko kina mommy, tsaka okay lang kung di tayo makapasok bukas. Free your mind."
Please. Kung pwede ko lang piliin yun ganoon, matagal ko na siguro ginawa. Pagkatao ko ata ang pinag-uusapan dito and I can't never run away from it. Kahit na di ko magawang hanapin ang mga magulang ko ay pakiramdam ko sila ang kailangan ko ngayon. Wala na akong pakealam sa lahat. kahit na hindi madali para sa akin 'to.
"What's your plan now, A?"
"Hindi ko alam." yun lamang ang naisagot ko sa kanya.
Masyado parin akong kinakain nang mga nangyari ngayong araw na 'to. Well, totoo na pinaghiwalay nila kami ni Edward dati para mas mapalapit ako kay Branch. Matagal na silang magkakilala at ng makita daw ako ni Branch noon ay mas naging interesasdo siya sa akin kaya ako ang naging paraan para mas matulungan kami. Alam kong masakit pero bakit kailangan pang ilihim sa akin ito.
Pawang bumabalik lahat ng sakit at mga kasinungalingang nalaman ko simula pa nung una at di ko na alam kung mabubuhay pa ako kung madadagdagan nanaman ang mga ito.
"Just rest for now, Ariesa. I'm just here."
Di ko na nakita kung kasabay ko ba syang natulog o ano. Basta't ang natatandaan ko ay nagpatugtog sya bago ako tuluyang makatulog. Kinaumagahan ay mas pinili kong pumasok ng maaga kasama si Janine kesa na masiraan ng ulo sa bahay na ito.
"Ariesa, kain ka muna." ramdam ko ang lungkot sa boses ni mama.
"Hindi na po, kailangan pang kumuha ng uniform ni Janine sa kanila at baka mahuli pa po kami."
Pumasok kami ng maaga kahit na medyo matagal pa bago ang unang klase namin. Sinamahan akong kumain ni Janine ngunit wala parin akong gana. Pero kailangan ko ng lakas, kailangan na kumain ako kahit na pakiramdam ko ay kahit lechon pa ang nakahain ay wala akong panlasa.
"I texted Brent last night kung nasaan si Branch then he told me na hindi raw ito umuwi ng bahay at hanggang ngayon ay wala parin."
Natigilana ko sa sinabi niya. Bakit kailangan pa niyang ipaalam sa'kin ito? I care for him, yes but when he just ignore me like I disappeared as a ghost, I'm going to do the same. Ayoko nang magpakatanga. Sa mundong ito na kung mas pahahalagan mo ang isang tao, talo ka.
