nine

11 0 0
                                    



Nagising ako sa liwanag sa bumabalot sa puting kwarto at nakapatahimik nito. Biglang bumalik sa aking isipan ang lahat ng mga nangyari at kaganapan kanina na hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala na nangyari ang mga ito. sa aking pagdilat nakita ko ang pagsilip ni mama, ate at ni Edward.

"Anak tawagin mo ang mga doktor at nurse."

"F*ck, Babe okay ka na ba?" Mapag-alala nyang tanong sakin habang bigla kong inalis ang mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ko.

Halos lahat sa kwarto ay kakandarapa samantalang ako ay di parin alam kung anong nangyayari.

"Anak, kung nagtataka ka kung bakit andito si Edward ay dahil sya hinahanap sya ng kapatid bunso mo."

"Di ko naman sya kapatid diba?" Tanong ko na tumahimik ang buong kwarto sa hospital.

"Anak--

"Iwan nyo po muna ako." Sabi ko nalang sa kanila, yumuko si mama at parang nalulungkot na di ko maintindihan, di ko matanggap na all this time na kaya pala ay madalas ay ang init init ng dugo nya saakin ay dahil sya di ako ang tunay na anak. Pero ang lubos na ipinagtataka ko ay ako nga lang ba ang di nila anak? At bakit di man lang sinabi sa'kin ito ng ate at ni wala akong kaay-idea na di pala nila ako tunay na anak! Damn.

"Ariesa?" Tinig ni Janine ang narinig ko at napaupo ako kinahihigaan ko. Niyakap nya ako at doon na dahilang bumuhos na bigla ang luha ko.

"Sorry ngayon lang ako nakapunta, si mama kasi eh."

"Haha. Okay lang ano ka ba, akala ko nga di ka na babalik eh." Napangiti at medyo gumaan ang pakiramdam ko nang dumating sya, sa mga pinagdadaanan kasi namin ay madalas kami at kami ang magkaramay.

"Akala mo sakin, o nga pala, bae anong ginagawa ni Edward sa labas ng room mo?" Pati ako ay di alam kung bakit sya andito. Kung hinahanap man sya ni Sancho ay bakit andito sya at wala sa kapatid ko, Hindi ko tuloy alam kung ano man ang sabihin nya at ang gagawin nya lalo pa't napayakap ako sa kanya kanina, dahil sa mga sitwasyon namang ganito ay madalas sya ang tumutulong at nagpapagaan ng loob ko.

"Hindi ko alam." Tugon ko at tumango na lamang si bae, pinakain nya ako at tinanong sa doktor kung pwede na ba akong lumabas at sabi nito na pwede na daw, Basta't kumain ako ng 3 beses sa isang araw at huwag ako magpapalipas ng gutom.

Alas singko na nang hapon nang ihatid ako nina Janine at Edward sa bahay, sa biyahe ay ni hindi ko sya matignan ng diretso, ni matabi nga lang sya sa sasakyan ay di ko magawa at ewan ko kung bakit.

"Arie, magpagaling ka. Basta text mo ko o tawagan kung may kailangan ka."

"Diba kailangan ka ng kapatid ko? bakit ka andito ngayon at inaasikaso ako?"

"Girlfriend kita kaya hinahatid kita."

"At sino namang nagsabi sayo ng girlfriend mo ko ah Edward? Simula nang binastos mo ang pagkatao ko ay hindi na ikaw ang Edward na nakilala ko." Di ko na kaya at para bang sasabog na ko. Gusto ng eksplenasyon! Gusto ko ng kaliwanagan kung bakit nya iyon nagawa. Gusto kong ilinaw nya mismo sakin, sa harap ko kung ano ba talagang nangyayari sa kanya. Sa amin.

"Babe gusto ko--

"Wag na wag mo kong tatawing ganyan dahil di kalandian ang kailangan ko."

"Ba-, A-ariesa please, let me explain. Gusto kong ipaliwanag ang lahat sayo pero di ko alam kung maiintindihan mo."

"Shit. Anong maiintindihan! Edward gulong-gulong na ko! sa loob ng tatlong taon ngayon lang tayo nagkaganito! bakit? Gusto kong ipaliwanag mo nang maintindihan ko."Gusto akong pigilan ni Janine ngunit hinawi ko ang kamay nya at pinauwi na sya.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon