Napasugod kaming tatlo sa hospital 30 minutes na byahe mula sa school. Habang nasa jeep kami kay sunod-sunod na text mula kay Edward.Babe.
Babe sorry.
Babe.
Babe please answer my calls
Babe.
Babe sorry kung di ko muna kayang sabihin sayo, but there's a reason behind those things. I just want to say i'm so sorry at mahal na mahal kita.
Bumuntong hininga nalang ako at di na pinansin yung mga text nya. Wala muna sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw na ito, ang mas nasa isip ko ay ang kalagayan ngayon ni Sancho, di ko alam ang gagawin ko kung ano pag may nangyaring masama sa kanya.
Pagdating namin sa hospital ay tumakbo na kami papuntang emergency room. Naabutan namin si Ate na umiiyak at sina mama na gadun din ang sitwasyon.
"Ate." Nakita ako ni ate at niyakap ako, nakita narin ako nina papa at sina Janine naman ay kinomfort sila.
"Bakit ka naka-jacket?" Tanong ni ate na may pag-aalinlangan saakin.
"A...n-natapunan ng pintura yung uniform ko kanina."
"Tito okay lang po yan, malakas po si Sancho." Biglang sinabi ni Janine kay papa para di na matanong dahil sa jacket.
"Salamat Janine ah, at nagpunta ka pa dito."
"Ate anong nangyari? Kamusta po si Sancho okay ba sya? Ate..." Nakita kong humugot sya ng malalim na hininga bago sya sumagot.
"N-nalaglag sa hagdan sa s-school nila si Sanco at nawalan sya ng maraming dugo, n-ngayon kinakailangan nya ng dugo para sa operasyon nya."
"Ate bakit di tayo magdonate ng dugo para sa kanya, kapatid naman natin sya diba?"
"Nakapagbigay na sina papa pero di sapat ang dugo nila." Mas lalong umiiyak si ate sa kalagayan ngayon ni Sancho, bakit ba kasi ang kulit-kulit ang batang yan?
"Ate ako, ako...Baka magka-type kami ng dugo." Bigla namang nakatinginan sina mama at ate matapos kong banggitin ang mga katagang iyon. Bakit nararamdaman kong may mali? Buti nalang at biglang dumating si Branch na may dalang pagkain at sinabihang magpahinga muna sila.
Tumango nalang sila at pinatingin ako kung magka-type kami ng dugo ni Sancho. Nang inaantay namin ang resulta ay kinausap ko na sina Janine, Alam kong haggard at pagod na kami pare-pareho kaya mas mabuting umuwi muna sila. Umalis muna si ate para kumuha ng mga damit sa bahay at si papa naman ay inaasikaso yung bill sa hospital.
"Branch, Janine...uwi muna kayo, kaya ko na naman 'to eh, sige na. Nakakaabala pa ako sa inyo, pasensya na ah, tsaka salamat narin sa pagligtas sakin kanina." Bago pa sila sumagot ay nakita namin na dumating ang doktor para kausapin sina mama.
"Dok, kamusta na po ang anak ko?"
"Stable na naman po ang kalagayan nya, ganumpayan kinakailangan pa namin ng extrang dugo baka sakaling magkulang para sa operasyon, yung isang sample ay di match sa dugo ng pasyente." Nagulat naman ako sa sinabi ng doktor kaya't pumunta ako sa kanya.
"Dok, bakit po? kapatid ko po sya at bakit di kami magkamatch ng dugo?"
"Pasensya na iha, batay sa mga pagsusuring ginawa namin ay Type O ang pasyente ngunit Type AB po kayo."
