ten

15 0 0
                                    



Nagising ako bandang alas dyes ng umaga at bumaba para kumain. Sakto ay naghahapag na sila para sa almusal namin at nakita ko ang matatamis na ngiti ni mama sa'kin.

"Anak, tara kain na."

"Kain na Arie."

"Goodmorning ate!" Masayang bati sa akin ni Sancho habang hawak nya ang plato. Nakakaramdam ako na parang iba ang timpla ng mga tao ngayon, pero di ko na pinansin at baka mawala pa 'to. Aarte pa ba 'ko?

Natapos ang umagahan at nakita ko ang text ni Branch na manood daw kami sa kanila, buti nalang at pumayag si mama dahil nga sa kakalabas ko palang sa hospital at nasaktong wala namang pasok. Tinext ko narin si Janine na sumama sa panonood, nung una ayaw nya pero napilit ko rin kinalaunan, mas mabuti na yung sigurado no!

11am nang makaalis kami sa bahay dahil sa inantay ko pa si Janine. Ngayon ay naglalakad na kami papalapit sa bahay nina Branch.

"Wait lang. Bago tayo pumasok bae."

Kumunot naman ang noo nya nang harangan ko sya bago kami mag doorbell sa tapat ng bahay nila.

"Huh? Ano naman yun ha?"

"Bakit di mo manlang sinabi sa'kin na may boyfie ka na? Akala ko si Branch." Bigla naman syang natawa sa tanong ko na akala mo ay isang malaking joke ang tanong ko.

"Hahaha. Ano ka ba! may boyfriend na ko at hindi si Branch yun."

"Ano!? Tapos wala ka palang balak sabihin sakin?"

"Bae. chill, balak naman kitang ipakilala eh, kaso nga diba? yung mga nangyari this past days?"

Tumango nalang ako at kumatok na kami sa bahay nila. Winelcome naman kami ni Tita at dahil sa first time palang ni Janine dito ay pinakilala ko na muna sya sa kanya bago kami umakyat.

Habang nasa carpet kami at naghahanap sa usb nya ng mga pwedeng mapanood ay nagpag-usapan namin sya tutal naman ay kumuha sya ng pagkain. naalala ko tuloy yung nangyari last time.

"Have'nt you notice everything?"

"Huh?"

"Di mo ba napapansin na madalas na syang sweet sayo?"

"Baliw! Wag ka ngang ganyan. Malay mo may girlfriend na yung tao."

"Baliw ka rin! Manhid ka ba? Haha Una, madalas na gusto nyang ikaw yung makasama nya. Pangalawa, yung sa hospital. At last, is yung pagti-text nyo, tsaka yung kagabi? kagabi ba? yieeee kinikilig ako." Nakwento ko pala kagabi sa kanya na nagkatext nga kami ni Branch. At yan! Kaya ayokong ikwento dahil baka sumabog na yan at lumuwa ng rainbow.

"Hey." Bago ako makasagot sa kanya ay dumating naman si Branch dala ang mga pagkain para sa movie marathon daw namin.

"Yey!"

"So, what movie now?" Mala-adonis nyang sabi nang mga ngiti sa mata.

"ah yeah. minions nalang."

"Branch! Di mo pala sinabi na ikaw pala yung katapat na kwarto kina Arie?" Singit naman bigla ni Janine.

"Huh? Ah yeah. minsan lang naman ako andun. Madalas kasi na kay dad ako."

"Kasi alam mo, nung summer. Nakatambay kami sa may bintana, Inaabangan ka kasi naman, alam mo na, curiousity. haha kasi naman! Topless ka nang makita ka namin sa may bintana! haha--"

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon