twenty eight

17 0 0
                                    


Matapos ang ilang linggo ay sa wakas malapit na ang Christmas break namin. Pero bago naman namin matamo ang pinaka inaasam asam namin ay tambak tambak na quiz at group work ang binabato sa amin. Lalo na ang pressure sa newspaper ng school, ako naman kasi ang naatasang gumawa para sa feauture section kaya di ko rin alam ang ilalagay ko.

Naka upo ako isang bench habang nag-iisip ng mga words at mga ideya na isusulat ko para rito. Ilang linggo nalang kasi at deadline na para sa kompetisyon ng bawat school at di naman sapat ang mga balita at ilang gawa ng iba kong kasamahan. 

Kasabay ng music at hangin ng paligid, isang oras na kong nagsusulat nang biglang may nagtakip ng mga mata ko.

"Uy, sino yan?" Natatawang tanong ko. Bigla nyang tinanggal ang mga kamay nya at di ko inaasahan na andito siya.

"Hi." Nakangiting sabi niya. Niyakap ko sya at umupo siya sa tabi ko. Masaya akong nakita ko sya matapos ang ilang araw, hindi ko na rin sya napansin matapos ang pag-comfort ko sa kanya sa kanila. Iba na ang itsura niya ngayon kumpara nang huli ko syang nakita. Mas naging maaliwalas ang mukha niya at halatang nagpagupit sya, ganun parin naman sya manamit gaya ng dati. Pero ang mas ikinatutuwa ko ay hindi na kami awkward o malayo sa isa't-isa.

"Edward! Kamusta ka na? Matagal ka naming di nakita ah?" 

Humalakhak sya. Namiss ko yun. "Ayos lang naman ako, salamat.inayos ko lang yung sarili ko."

"Yey!mabuti naman kung ganun. Maganda at pumasok ka na, hayaan mo makakahabol ka rin sa mga lesson. Tara nga ayusin natin yang buhok mo." Saka ko sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya.

"Ayan, a new look, for a new day." Sinuklian niya ako ng ngiti.

"Wala kang klase? What are you doing?" Tinignan niya ang mga sinulat ko.

"Articles. Malapit na nag deadline for a school paper e."

"Marami na naman ito e. Besides, may tiwala naman ako sa kakayahan mo." aniya.

"Salamat." yun na lamang ang nasabi ko.

Pareha pala kaming walang klase kaya naman pansamantala kong itinigil ang ginagawa ko at nakipagkwentuhan sa kanya. Gusto kong maging magaan ang samahan namin kahit na sabihing 'ex' ko siya at marami na kaming napagdaan. Marami din kaming napag-usapan gaya ng pagiging maayos na nang company ng pamilya namin at marami pa. 

sa gitna nang pagtatawanan naming dalawa ay biglang sumulpot si Branch sa harap namin. Di maganda ang mga tingin niya kay Edward.

"Branch!" Napatayo ako bigla.

"Let's go, Love. It's lunch time." Bahagya niyang kinuha ang gamit ko at tumayo narin si Ed. 

Okay? I can feel the tension here.

"Dude, salamat." Tinapik ni Ed ang braso ni Branch.

"It's nothing." Sabi nito at hinila na ako papalayo sa kanya. I looked back and mouthed 'goodbye' to him and he just waved at me.

"Branch naman..." Sabi ko nang nasa isang kainan na kami.

"Sorry. Alam kong okay na kayo. Sorry." Di sya makatingin ng diretso sa akin.

"Yun naman pala e. Bakit mo naman ako hinila bigla? Nakakahiya naman tuloy sa kanya."

"Again sorry, I just can't afford to lose you..." Napangiti ako sa sinabi niya. I hold his hand tsaka nya ako ningitian. "Hey, di ako lalayo, okay? Love?" Tumayo siya kaya napatayo rin ako. Hinawakan niya ang baba ko at nakatitig sya sa labi ko. Nang akmang hahalikan na niya 'dapat' ako ay bigla namang tumunog ang cellphone nya.

I almost heard him cursed. 'fucking ringtone'

Nakatayo lang kami at kita ko parin ang pagkairita niya nang sagutin yung tumatawag.

"Yes. No... You don't care. What? Yes, bye." Pagkatapos niyon ay napahawak siya sa sentido nito.

"Okay ka lang?" Tanong ko at tumango lang siya at bumalik na kami sa school.

"Okay ka lang talaga ah?" I asked him again dahil sa busangot nyang mukha at tahimik pa kaming dalawa.

hinawakan niya lang ang kamay ko at hinalikan niyo. "Let's have a vacation, Love."

"What? why?" Natatawa kong sagot sa kanya.

"I just want to have our time together." Habang nakatingin parin sa daan.

"Bakit naman? Marami naman tayong oras na tayo lang ah? Tsaka magastos yun."

Nang makarating kami sa klase ay di matapos-tapos ang tanong ko tungkol sa pagyaya niya sa bakasyon. Wth, gutso niya pa sa ibang bansa. Di ko na nakita si Edward hanggang sa makauwi ako. Ang sabi ni Branch ay baka di nya ako matext dahil pupunta daw sya sa company nila kaya naman tinawagan ko nalang si Janine para pumunta sa bahay. 

Pero nagulat ako nang umiyak siya pagdating sa kwarto ko.

"Anong nangyayari?" Bigla kong tanong.

Humiga sya sa kama ko at diniin ang mukha niya sa unan. Agad akong tumabi sa kanya at hinahaplos ang likod nya habang humihikbi.

"Bae, ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak nalang bigla? Pinapaiyak mo rin ako e."

"Fuck it. Just fuck it, Arie." aniya at pinapalo ang unan. Pinipogilan ko sya ngunit di siya tumitigil at patuloy paring umiiyak.

"Fuck. Fuck. Fuck." patuloy niyang sigaw.

"WTF!? ANO BA KASI YUN?" Napasigaw narin ako. Natatakot ako sa pwede niyang sabihin. Kinakabahan ako sa bagay na sobra niyang ikinagagalit. Gusto ko syang damayan samga oras na ito.

Inayos nya ang buhok niya at pinahid ang kanyang mga luha saka tinaas ang baba.

"Putangina." Buo nyang sabi.

"Ano? Ayusin mo naman..."

"Arie, putangina bakit di mo sinabi sa'kin na ang ate mo ang ex ni Brent!?" Muling tumulo ang mga luha niya.

Kumunot ang noo ko. Di pa kayang sipsipin ng utak ko ang narinig ko. Ano ang ibig nyang sabihin!? Hindi ko sila maintindihan.

"Wait." sabi ko at hinawakan ang sentido ko.

"Ano. Sabihin mo sa'kin na bakit kinakailangan na pagmukhain mo kong tanga!? Bestfriend kita."

"Janine, hindi... Hindi ko alam ang tungkol kay Brent at kay ate. Janine maniwala ka sa akin." Umiiyak na ako sa harap niya.

"Paanong hindi mo alam!? Paanong hindi mo alam e kapatid ka niya for fuck's sake!" DAmang dama ko ang galit niya. Gusto kong maniwala sya dahil wala naman talaga akong alam. Kung nasabu man lang sa akin niya ito ay sana matagal ko na silang napag-ayos at hindi sa ganito na sa huli o pa malalaman.

"Janine... nin maniwala ka, kung alam ko naman ay agad kong sasabihin sayo. Ilang buwan rin ang nakakaraan nang makita ko si ate na umiiyak at sinabing nakipaghiwalay raw sa kanya nag boyfriend niya, pero Janine maniwala ka na di ko alam na si Brent yun! Hindi ko talaga alam..."

Napatingin siya sa akin. Patuloy akong nakahawak sa mga kamay niya at umiiyak. Maya-maya'y lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Tama na... Tama na. Naniniwala naman ako sayo eh, bestfriend kita alam mo yan. Pero bakit si ate Alex pa?"

"Maniwala ka, Janine. Wala akong alam" 


Umiyak siya nang umiyak hanggang sa makatulog sya kaya naman sinabayan ko siya. Ngising kami ng bandang alas tres ng madaling araw at mabuti nalang ay may pagkain sa ref kaya pinainit ko nalang. Alama na rin naman daw ni Tita Elice na baka matulog siya rito kaya wala na kaming pangamba. Namamaga ang mga mata niya ngayon habang nakatingin lang sa may bintana ko at kumakain ng pizza.

"Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito..." Aniya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Bae, sobrang mahal na mahal ko siya na handa ko paring tanggapin ang lahat kahit ang sakit sakit na." 


Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon