Di ko alam ang sasabihin at hanggang ngayon ay nakatitig parin ako sa kanya. Di ko alam kung anong ire-react ko matapos ang mga nangyari, alam nyang kagagaling ko lang sa sakit at takot akong subukan uli. Subukan ang mga bagay na di pa talaga ako siguro at hindi handa sa mga pwedeng mangyari, pero hindi. Mali na palitan ko agad sya dahil unang-una pa lang ay napakahirap nang kalimutan sya."I-it's okay, i can wait." Sabi nya sa akin nang haplusin ang likod ko.
"thank you ah, mahirap kasi eh, mahirap talaga na palitan sya ng agad-agad."
Tumahimik kami ng ilang sandali, bawat paghugot ng hininga nya ay nararamdaman ko, ang puso ko ay parang wala na sa ayos.
"I understand."
"Salamat Branch."
"Pero..."
"Pero?"
"Pero kung kinakailangan na buburahin ko sya dyan sa puso't isip mo, gagawin ko."
Nang makauwi ako ng bahay ay nasalubong ko si Janine at sinabing patambay daw muna sa bahay kaya't pumayag ako, sinabi nyang may iku-kwento sya pero sasabihin nya lang pag sinabi ko ang ginawa namin ni Branch kanina.
"Paano mo naman nalamang magkasama kami?"
"Baka sinabi po ng kapatid nyo. Tsaka di na mahalaga yu noh! Andaya mo magkwento ka!"
"Oo na, eto na."
Wala akong nagawa kundi ikwent sa kaya yung mga nangyari simula nang sa text hanggang sa sinabi nya sakin kanina at para bang siya ag nasa position ko at para bang kinikiliti sa bawat kwento ko.
"Tapos ayun na! Di ko nga sya maintindihan. Ewan ko kung anong mararamdaman ko, kung makikilig ba ako o mangangaanlinlangan. Yi! Bahala na!"
"kyahhh! syempre kikiligin. Yieee, ang swerte mo." Kinikilig nyang sabi at niyuyugyog ako.
"Huh? ano namang kinaswerte ko?"
"Hello!? madami kayang nagkakagusto kay Branch." Sabay irap nya sakin, minasahe ko ang ulo ko at bigla naman nyang tinggal ang kamay ko.
"Ano bang kinakasakit ng ulo mo? Andyan na si Branch oh!"
"Ano gagawin ko syang panakip butas? Sinabi ko na naman sa kanya na mahirap para sakin na kalimutan si Ed diba?"
"Oo mahirap at naiintindihan naman kita, pero bakit di mo subukan diba? Ikaw narin ang nagsabi na mahirap na para sayong patawarin yung lalaking yun sa lahat ng nagawa nya sayo."
Napaisip ako sa sinabi nya at parang gusto kong i-rewind lahat nang nangyari ng sa gayon ay mas mapag-isipan ko ang dapat kong gawin, halos wala kaming isang taon na magkakilala peo sa tuwing kasama ko sya ay di nagiging normal ang bawat tibok ng puso ko. Umpisa palang sa bag ay may parang kakaiba na puso ko, ayokong pansinin nung una dahil sa mali at may karelasyon ako, pero ngayon na walana sya, kaya ko ba syang palitan agad sa puwang dito?
"Hon mali, mali na gawin mo 'to!"
"Anong gusto mong gawin ko at mas lumubog tayo sa utang!? Alam kong makakasakit sa kanya pero kaya naman nating ayusin ito diba?"
"M-may marami pang paraan na hindi ganito, please." Mangiyak-iyak na tinig ni mama. Naririnig ko ang bawat salitang palitan nina mama sa kwarto, akala ko ay matatapos na ang problema namin sa negosyo ay di pa pala, di ko alam kung sino yung masasaktan na sinasabi nila pero natatakot ako sa mga araw na darating pa sa amin.