"Anak anong nangyayari dyan?" Natigilan naman kami agad at biglang binuksan ni Branch ang pinto samantalang ako ay naiwang nakahiga na tulala parin sa mga nangyari."Ma, ah yeah. nalaglag lang yung can. Where okay, sige po."
Tumango lang si tita at iniwan na kaming dalawa. Ewan ko kung paano na ako magrereact pa. Lumapit sya sakin at nilahad ang kamay, pero eto ako, ni hindi makatingin ng diretso sa mga mata nya.Dahil sa para akong nanigas sa kinahihigaan ko ay biglang binuhat nya ako at dinala sa kama, kaya nagpanic na ako agad at tumayo.
"wahhhhh!"Sabay taboy ko sa kanya na para bang ni ayokong hawakan nya ko.
"God. Stop. H-hey stop!"
"What just happened?" Hinahabol ko ang hininga ko sa kaba, feeling ko nagtataksil ako sa boyfriend ko ng walang sa oras.
"Don't worry it's just a kiss okay, c'mon! its 4 pm already, Let's finish this."
Tinayo nya ako at inalalayan papunta sa tv, natuloy ang panonood namin ngunit andun parin yung awkward na pagtitinginan naming dalawa.
"Ah ano, a-ahh aalis na ko, sa bahay ko nalang gagawin yung mga tanong." aalis na sana ako ngunit pinagilan nya ko at hinawakan ang braso ko.
"No, this is groupwork and we should work together."
"uhmm. We watch together namin eh, a-agahan mo nalang bukas."
"Wala pa tayong nauumpisahan."
"P-pero--
"Ayaw mo ba?"
Binigyan nya ako ng matatalim at nakakamatay na tingin kaya't wala na akong nagawa kundi ang gawin ito. May mga times na habang nanonood ay sabay na kumuha ang mga kamay namin ng popcorn kaya't madalas ay ako nalang ang nagpaparaya pero minsan ay sya din. Awkward ang bawat sandali at bawat galaw ko ay iniingatan ko dahil sa ayaw kong mapahiya sa kanya. At para bang natatakot ako sa bawat ikinikilos nya.
"Anyways, did you saw me at the music room last monday?" Bigla nyang tanong sakin nang matapos namin ang movie at nagte-take down ako ng notes.
"Uhmm... yeah, sorry ah, but your v-voice... yeah..."
"What is it?"
"Huh? Great! yeah great."
"oh Thanks. Gusto ko sana sumali sa banda ng boyfriend mo kung saka-sakali."
Damn. I saw his lips curved! Is he smirk? Oh no, tukso layuan mo ko. Gumising ka Ariesa! gumising ka sa katotohanang in a relationship ka.
"Pwede, sasabihin ko . Tsaka maganda naman boses mo eh... nakakainlove." Ooopps.
"Huh? Again?"
"Wala. Magaling magaling, sabi ko ang galing mo.Crush ka nga ng bestfriend ko eh." Gentle naman pala syang kausap, siguro nga tama si Janine na daldalin ko pa 'to. Mga ilang oras narin akong andito at sya naman ay ngayon na gumagawa ng visuals. Kung maappreciate ko pa sya at mas makikilala, siguro nga di sya ganun ka-cold sa mga nakakasalamuha nya.
"Bakit ang sungit mo?" Bigla kong tanong sa kanya. Napatingin naman sya sakin at huminga ng malalim bago tumugon.
"You don't care, ayaw ko lang talaga sa mga maiingay, and yung nangyari kanina, sorry."
"Ahh...Wag mo nang intindihin yun."
Natagalan kami dito sa report dahil sa maraming questions na dapat sagutin. Halos 7pm narin at buti nalang di kami umabot ng 9 o ten, naku pingot nanaman ako nyan kay mama. Marami narin kaming napagkwentuhan nitong lalaking 'to, mas gumagaan pa nga ang loob ko sa kanya, buruin mo na kahit ang tipid tipid nyang magsalita ay mapangiti ko pa nya sa mga jokes na nakita ko sa picture. Nakwento ko na rin yung tungkol saamin ni Edward at natutuwa daw sya para sa amin.