twenty nine

11 0 0
                                    




"Ate!" Sigaw ko.

Mabuti nalang at walang pasok ngayon kaya tanghali na ako nagising. Alam kong mamaya pa ang trabaho ni ate kaya nakuha ko siyang kausapin. Tulog pa si Janine dahil sa walang tigil niyang pag-iyak kagabi.

"Ate!" muli kong sigaw.

"Ano!?" Iritado nyang tanong.

Nang makita ko sya sa sala ay di ko napansin si mama at si Sancho pero hinila ko parin sya palabas ng bahay.

"Arie, ano ba!?" sabay bitaw niya sa pagkakahawak ko dito.

"Ate bakit di mo sinabi sa'kin?"

"A-anong ibig mong sabihin? Anong sinasabi mo!?" Sigaw niya.

Bumibigat ang paghinga ko. Di ako makagalaw ng maayos, napahawak ako sa dibdib ko at bigla naman akong nilapitan ni ate.

"Arie, okay lang? pumasok muna tayo." bago niya ako tulungan pumasok ay hinawakan ko ang kamay niya. "Ate, bakit di mo sinabing si kuya Brent ang ex mo?" Nagulat siya sa sinabi ko.

Di parin ako makahinga ng maayos at nagulat ako nang tumakbo si Branch papunta sa akin at binuhat ako papasok ng bahay. Pakiramdam ko ay babagsak nanaman ang mga mata ko kasabay ng katawan ko.

"Arieeeee!" Rinig kong sigaw ni Janine pababa ng hagdan.

Maya-mayang binigyan na ako ng tubig ni ate. Shet parang mamamatay na ako.

"What happen!? Alam nying bawal sa mabibigat na nararamdaman si Ariesa!" ani Branch at inalalayan ako paupo.

"Okay na ako."

"No. Dadalhin kita sa hospital." Ani Branch at kinuha ang baso sa kamay ko.

"Branch, okay lang ako."

Masakit parin ang dibdib ko ngunit di na ako gaanong nahihilo. Nilapitan ako ni Janine at hinaplos ang noo ko. Nagkatinginan sila ni Ate at di makatingin ng diretso ito sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "Bae ano bang nangyari sayo? Iniwan mo ko sa kwarto tapos pagsilip ko sa bintana parang matutumba ka na."

"Pasensya, kasalanan ko. May galit kasi sa'kin si Arie at nang dapat mag-uusap kami ay bigla nalang syang nauubusan ng hangin." Sabi ni ate.

"Bakit mo siya binigla!? Di mo ba alam na dati'y nahimatay siya dahil sa hirap ng nararamdaman niya. Ate ka ba niya talaga?" Bulyaw ni Janine.

Shit.

"Oo! Hindi niya ako tunay na kapatid at wag mong idamay dito ang issue mo." Tumayo si ate at lumebel kay Janine. Tumayo rin kami parehas ni Branch at pinigilan silang dalawa.

"Janine, stop. It's my entire fault. Nagpadala ako sa damdamin ko." pagpipigil ko.

"Pero dapat iniintindi ka niyan!"

Lalong nag-init si ate Alex at lumapit pa kay Janine.

"Wag na wag mo akong dinuduro dahil mas matanda parin ako sayo!" Galit na galit na sya.

"Wala sa edad yan ate Alex, nasa pag-iisip yan. Nasa kung paano ka mag-isip at kumilos." mas diniin ko ang pagkakahawak ko sa mga braso niya.

"So ano ang pinapalabas mo, sige!?"

"Tumigil na kayo please!" Humarang na ako sa kanilang dalawa.

Lumapit si Branch sa akin, naiiyak nanaman ako. "Tama na please!" Sigaw ko.

Kahit na ipilit ni Branch, ay hindi ako pumayag na magpacheck-up gaya ng sabi niya. Okay lang naman ako at bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko. Ayaw pa niya ako iwan kaya naman si Janine nalang ang umalis at kami ni Branch ang magkasama nagyon.

Natapos lang ang iringan nang umuwi si mama. Nagulat pa kami at buti nalang nakagawa agad ng istorya si ate. Bakit ba naman kasi kailangan pang humantong na ex pala ni Brent si ate.

"Are you really okay now?" pang-isangdaan at apat na pu't pitong tanong na nya ata sakin yan. Natatawa lang ako sa kanya. Uminom na ako ng gamot pero para naman akong may cancer kung asikasuhin nitong ni Branch.

Pinalo ko nang mahina ang braso niya. "Okay nga lang ako." sabay halakhak ko.

"I received a text from Brent. Tinatanong sa akin si Alex. tss" Aniya at binaling ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Sabihin mo nga dyan sa kapatid mo na ayusin nya 'tong gulong pinasok niya."

Di niya ako pinansin at tinuon lang ang sarili sa libro na hawak niya, saan nanaman niya nahalukay yan?

"Uy, anong binabasa mo?" lumapit ako sa kanya sa tabi ng headboard ng kama.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko sa pahina ang '50 shades of Grey'

DAMN.

"Nagbabasa ka pala nang mga ganito." Igting ang kanyang panga.

Napakamot ako ng ulo ko. "Ah...Eh minsan talaga magbabasa ako ng mga ganyan, yung mismong story kasi yung maganda." Depensa ko pa at nakatitig lang sya sa labi ko.

"You have so many books." Aniya.

"Yan kasi yung naging buhay ko." natatawa pa ako.

Mabuti nalang at kumatok si Sancho para sabihan kami na kumain ng hapunan. Wala parin si papa dahil sa negosyo niya. Kailan ba magkakaroon ng day-off yun? Pakiramdamn ko ako ang napapagod sa kanya e. Natanong uli ni mama ang nangyari kanina ngunit wala paring lumabas, kasabay naming kumain si ate pero parang wala siya roon dahil napakatahimik niya, halos si Branch lang at si mama ang magkausap ng mga oras na iyon.

"Mag-iingat ka ah?" sabi ko at nakita kong tumawa siya nang mahina. Cute.

"I'm your neighbour." Humalakhak siya.

"Alam ko. Baka mamaya, tanga-tanga ka tapos nadapa ka edi gagamutin pa kita at yang sugat mo?"

"And in my room?" Ngumisi siya.

"Tigilan mo ko ah, lumayas ka na." sabi ko at bago siya magapatuloy ay ninakawan niya ako sa labi! Ughh.

Nakangiti lang ako na parang aso sa labas hanggang sa nakapasok na nang bahay nila si Branch. Pagkatalikod ko ay nakita ko si ate. Habang papalapit siya sa akin ay walang umiimik sa aming dalawa. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong yakapin at umiyak.

"Patawarin mo ko..." Aniya.

Hinaplos ko ang likod niya. "Ate, di ka dapat sa'kin humihingi ng tawad."

"Arie, mahal na mahl ko siya. Nagpapatanga ako kasi mahal na mahal ko siya." Naramdaman ko ang kanyang mga luha sa likod ko.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para kay ate. Bigla kong naalala yung mga oras na kami pa ni Edward noon. Biglang nagflashback sa akin lahat. All of the tears, heartbreaks. Lahat ng pagtataboy, lahat lahat. Di ko inakalang maiiyak rin pala ako.

"Ate, tibayan mo ang loob mo. Kailangan mong mabuhay para sa sarili mo. Siguro ng may mga nawawala pero sila yung magiging dahilan para mas makilala mo ang sarili mo. Sya yung magiging tulay para mas makakilala ka pa ng mga taong mas makikita at mararamdaman ang halaga mo."

Napatingin siya sa akin. Lalo siyang naiyak  at nagpasalamat na andyan ako para sa kanya. Naiintindihan ko naman sya di dahil sa may 'ex' ako kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya na gusto ko syang damayan.

"Arie, sobrang mahal na mahal ko siya..." aniya.

"May mga bagay kasi na dapat nating i-let go..."

"Nakikita ko naman na mahal talaga niya si Janine. Pero Arie, ang hirap." Nang makaupo kami sa damuhan ay inakbayan ko sya at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Pero ate, nakikita mo naman na pala. Siguro makakaya mo din yan , pero hindi ngayon."

Lalong tumulo ang mga luha niya.


Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon