twenty six

7 0 0
                                    




Di ko alam kung anong mararamdaman at gagawin ko. Bakit nya sinasabi ang mga bagay na iyon? Di ba okay naman lahat? Oo madalas ay nagkikita kami at nangungulit sya pero hindi ko inaasahan na ganiyo pala ang kalagayan niya.

Patuloy ang pagbuhos ng kanyang mga luha habnag andyan parin ang di mabibitawang yakap niya sa akin. Ngunit bakit ganito? Naawa ako sa kanya, para bang gusto ko syang tulungan pero hindi sa paraang hinihingi niya sa akin. Hindi yung paraan na gusto nya para sa aming dalawa. Sinubukan kong ilayo sya nang bahagya sa akin ngunit lalo nya pang hinigpitan ang yakap niya.

"Ahh... Edward, di ako makahinga." nauutal kong sabi na agad syang humiwalay at hinawakan ang mga balikat ko.

"Sorry, hindi ko lang talaga inaasahan ito." Aniya.

"Okay lang. Teka, hindi ko maintindihan, Edward bakit ka nagkakaganito? Anong nangyari? Bakit ganto?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nakita kong bumuntong hininga sya at bumaling sa akin.

"Babe..." Aniya.

I can see it through his eyes, bakit kailangang magsaktan ako sa nararamdaman niya, sobrang nahihirapan sya, nakikita ko sa mga mata niya na labis syang nasasaktan. Prang di ko kayang makita syang ganun.

"Arie, ingatan mo ang sarili mo, mahal na mahal kita."

"Ano? Hindi kita maintindihan gusto kong ipaliwanag mo sa akin." Nauutal at naguguluhan kong sabi.

"Shhh... Look, I'm always here for you. even if I can see you're falling for him." Sabay ng maiinit nyang halik.

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga para maghanda dahil sa pagpasok naming lahat, dilim narin ang paligid nang makarating ako ng bahay kahapon at nakita kong maraming messages at tawag ang galing kay Branch. Sinabi pala ni ate na pumunta ako kina Edward na kinainis niya, ngayo't alam kong masama ang loob nya sakin at kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at magpaliwanag.

"Janine!" Sigaw ko nang makita sya.

"Oh? Asan boyfriend mo?" Aniya habang kumakain at may hawak na limang libro.

"Tulungan mo ko... Teka nga bakit andami mong dalang libro?"

"Marami lang akong namiss na isulat, Tsaka ano bang problema mo?"

Tumungo muna kami sa isang bench at doon ko sinabi sa kanya ang nangyari, mabuti nalang at may isang oras kaming walang klase kaya nakapagkwentuhan pa kami ng matagal.

"Bakit naman kasi di mo sinabi o pinaalam man lang sa kanya, magagalit talaga yun."

"Eh nagmadali na ko dahil sa mama nya, kung anu-ano pa ang sinabi sa akin pag-uwi ko, kaya di ko na sya na text man lang o natawagan." Laking pasalamat ko at naintindihan niya ako ngunit nagpaalam sya sakin na di nya ako masasamahan kay Branch dahil malapit na nag play nila at nakuha sya kahit na second chance. Nakakatuwa lang dahil sa kahit na sabihin nating marami syang ginagawa ay di parin syang nag-aatubiling tulungan ako sa mga problema ko.

Nakasalubong ko sya sa room at binati ko sya, bumati naman sya pabalik at hinalikan ako sa pisngi ngunit nararamdaman ko paring may tampo sya.

"Uy... Galit ka ba sa akin?" Tanong ko pagkaupo niya sa silya.

"Why would I?" Malamig nyang tugon.

Di ko alam kung paano sya iaapproach. Di ako magaling makipag-usap sa mga taong may galit ba sa'kin o kahit tampo man lang, dahil di naman ako madalas makipag-komprontahan at madalas pa nga ay nadadala na ako ng mga emosyon ko.

"Magpapaliwanag ako... "

"No need. Janine told me everything." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Really? And?"

"And I'm sorry..."

Napangiti ako at niyakap siya. "Sorry ah? Sorry di ko nasabi. Sorry di ako nakapagtext sayo. Sorry kung di ko napaalam. Sorry na..."

Nakita ako ang pagkurba ng kanyang maninipis na labi at pinaupo ako sa hita niya at pinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko. Nakakahiya.

"Anong ginagawa mo? Wag dito." Bulong ko.

"It's okay, mainggit sila." Humalakhak siya.

"Sira ka talaga, sorry talaga ah?"

"I already told you it's okay. Sa susunod lang ipaalam mo."

"Yes I will, love..." Tugon ko.

"Hey, what is it again?" Nakangisi nyang tanong.

"Bukas may parada ang mga bingi, sasali kita."

He grin and looked at me like crazy. Matatalim at parang may gagawing kakaiba. Ngunit ngumiti lang sya at nilubog ang sarili nya sa leeg ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit. "I love you..."

kumalas sya sa pagkakayakap niya sa akin at kinulong nya ang mukha ko sa mga palad niya.

"I love you more than you love me..."

Nagsusulat ang lahat para sa ginagawang dyaryo ng school. Everyone's been busy since lahat ay kinakailangang mag contribute para dito.

Limang oras naring wala si Janine kaya sa palagay ko ay pagod yun kung sakaling magkita kami. Sa susunod na buwan narin kasi yung palabas.

Nasa bahay na ako at sumusulat ng balita. kahit 9pm na ay di ko parin natatapos ang pangatlong balita na ginawa ko. Di naman sa di ako marunong ay dahil natatakot ako na baka mali yung ginawa ko.

Habang nagsusulat ako ay biglang nagvibrate ang cellphone ko, may nagtext pero numbe lamang ang andun.


Unknown number.

It seems you're very happy.


Sino nanaman ba 'to? Tanong ko. Nagpalit nanaman ba ng number si Edward? Naalala kong wala siya sa school kanina at absent nanaman ata.


Me.

Ed?

Matapos ang reply kong iyon ay hindi na sya sumagot pa. At ayoko na ring isipin kung sino pa yun dahil baka maloka lang ako. Nakausap ko rin si Tita tungkol kay Edward at sinabihang bantayan ko raw sya, dahil natatakot raw ito, sa mga pwedeng gawin nito.

Sabay kami pumasok ni Janine at wala si Branch dahil sya muna raw ang makikipagmeeting dahil sa out of the country si Tito. Lakas ko naman ata sa 'tito'.

"May practice ba kayo uli?" Tanong ko.

"Whole day nga eh, madami na ba akong namiss?"

"Medyo, pero tutulungan naman kita, wag kang mag-alala."

"Salamat ah? Nakakapagod pero kaya pa naman, nagkakaproblema din kasi kami ni Brent ngayon."

Nagulat naman ako sa sinabi nya dahil sa huling nakita ko sila ay sweet na sweet pa sila sa isa't-isa.

"Ha? bakit naman nagkaganun?"

Malungkot siyang tumugon, "Nasabi niya kasi sakin na, madalas parin daw syang kinukulit ng ex niya, syempre medyo nainis ako. Tapos sabi niya wag ko na daw isipin pero pag sa tuwing yun ang pinag-uusapan namin, nagagalit sya."

"Sino ba yung ex niya? Bakit naman ganun, try mo kausapin ng maayos siguro."

"Lagi ko namang ginagawa yun eh, ang ikinakatakot ko lang kasi ay pano kung bumalik yun sa kanya. Yun yung gusto kong ipaintindi sa kanya." Aniya.


Di ko alam kung pwee kong gawin pero dapat na tulungan ko siya.


Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon