Kumakain kami nang breakfast kasama si Branch at mabuti nalang at andito pa si papa. Wala siyang nasabi sa amin kung babalik pa ba sya sa business trip o mananatili muna sa amin. Sana nga magtuloy tuloy na ang pag-ayos ng problema ng pamilya namin. Si Janine. Pati narin kaming tatlo nina Edward."Branch, ang aga mo naman ata pumunta dito. Baka iniistorbo mo 'to Arie." Sabi ni ata sa gitna ng kainan.
"Sa totoo nga po ako itong nakais-
Sunubuan ko nga agad ng pancake. Nakita ko si mama na ngumit kay papa. "Ah... eh... Opo. Pinapunta ko siya kasi gusto ko sana na makasabay natin siya sa pagkain, tsaka alam ko po na matagal tagal na trabaho pa ang nag-aantay sa kanya." I give the fakiest smile that I can.
Nanlaki ang mata ko nang pisilin ni Branch ang hita ko. Pinag-papawisan ako sa ginagawa niya!
"Maganda at talagang maganda ang samahan ninyo nitong si Branch. Nakakatuwa at nakikita namin kayong ganyan." Nakangiting sabi ni mama, Pero bakit parang di masaya ang ekspresyon ni papa? Ayaw niya ba kay Branch? Na andito siya?
Narito kami pareho sa kwarto ko dahil di ko feel na lumabas ng bahay. Wala namang pasok ngayon at nag-aalala parin ako kay Janine, kahit na tinary ko syang tawagan ay wala paring response.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko kay Branch na tahimik na nagbabasa ng libro ko habang ako ng naghahanap na din ng mababasa.
"Ayaw mo ba na andito ako?" tanong niya at diretso parin ang mata sa pagbabasa.
Tinitigan ko siya at bumuntong hininga. "Hindi naman sa ganun, parang ayoko lang."
"Bakit ang sungit sungit mo sa'kin ngayon?"Binagsak niya ang libro at tumingin sa akin ng diretso.
"Masungit ba ako? lagi naman akong ganito a? Dun ka na nga." Inirapan ko siya at humiga nalang. Naiinis ako sa kanya na andyan siya. Naiinis ako kasi pati sa kilos ko nako-concious ako. Di ba niya napapansin na kanina pa ako naiirita sa kanya.
Nag pout sya. Damn. "Well, I gues it's your second day. I have to go, see you later."
Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang niya ako kinindatan at luamabasa na nang kwarto. Di pa nag sink sa utak ko yung sinabi niyang 'second day ko daw?'. Gusto ko siyang sigawan ngayon! Babae ba siya para malamang meron nga talaga ako ngayon?
Pagdating ng tanghali hanggang hapon ay di na ko nakaalis sa kama dahil sa matinding sakit ng puson ko. Parang gusto kong hatiin ang katawan ko para matapos na 'to. Ito ay isa sa mga ayaw ko sa pagiging babae e.
Tinulungan ako makakain ni ate dahil di ko talaga na inaasahan na mangyayari 'to. Kinagabihan ay kaunti nang nawala ang sakit kaya napagdesisyunan kong kamustahin si Janine.
"Ariesa..." malungkot na bungad sa akin ni Janine. Lalo tuloy akong nag-alala.
"Kamusta ka na? Okay na ba? Pinuntahan ka na ba nung peste mong boyfriend?"
Humagikgik siya. "Chill ka lang. Nagkita na kami ng 'peste kong boyfriend' at sabi daw po niya na aayusin niya ito sa lahat ng makakaya niya."
Napangit ako sa sinabi niya. Nabanggit din niya na sobra lang daw ang gulat ni Brent kung bakit di niya agad napuntahan si Janine. Kahit na ganun ay nag-aalala parin ako sa mga magulang nito dahil di nila alam ang nangyayari sa pagitan nila.
Matapos noon ay bumaba ako sa sala dahil nakaramdam ako ng gutom. Sa hagdan pa lang ay amoy ko na ang masarap na sinigang na niluto panigurado ni mama.
"Wow, ang sarap naman niyan." sabi ko.
Nilingon ako ni mama at binalik uli ang atensyon sa niluluto. "Syempre naman, ito lang naman ang masarap para sa'yo pag may dalaw ka." Nagulat ako sa sinabi ni mama. Lalo akong nalito sa mga nangyayari.
"Ma, paano mo nalaman na meron ako?" Tanong ko sa kanya.
"Paano ba naman, umagang umaga sinusungitan mo si Branch. Ang aga aga pumunta noon dito."
"Di man lang naawa dun sa tao, pinagod pa ako kanina." Sabat ni ate habang nanood siya ng TV.
Habang kumakain ako ay saka ko napansin na wala akong natatanggap na text mula sa kanya kanina pa. Pinapakonsenya ba ako ng mga 'to at di nalang maintindihan ang kalagayan ko?
Dalawang oras na akong nakatanga pero ayaw parin ng katawan ko na matulog. Di naman ako madalas uminom ng kape maliban nalang kapag may gusto akong tapusin na libro.
Paikot ikot na ko sa kama pero di parin ako makahanap ng paraan para makatuog. Umupo ako at binuksan ang bintana. Diretso ang tingin ko sa nakasarang bintana ni Branch, siguro'y pinago nya ang sarili niya sa trabaho. Kahit alam kong sobrang galing na niya ay di parin siya nawawalan ng oras para mag-aral.
Nakakatitig lang ako doon at baka sakaling makatulog ako. Nasa isip ko parin ang nagawa ko kanina, hindi naman siguro oa para sa kanya yun di'ba? Siguro sadyang wala lang ako sa sarili pag nagkakaroon ako. babae rin sila kaya dapat naiintindihan ako. Halos mapasabunot nalang ako sa buhok ko sa kung anu-anong nasa isip ko.
Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang kurtina at nasilayan ko ang lalaking halatang galing sa masarap na pagtulog at hawak niya pa ang buhok niya. Nakakunot ang noo niya nang makita ako, ang ganda pa ng paghagod niya sa buhok niya. Bakit ganoon?
Bigla siyang umalis nang di man lang ako kinakawayan o ano. Mas lao akong nanlumo na baka galit siya sa kin o hindi. Humiga nalang uli ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
It's him. "Why are you still awake?" nagulat ako sa baritono nyang boses.
"Uhmm... Di kasi ako makatulog e."
"Matulog ka na. May pasok pa bukas."
Bumuntong hinga ako. "Galit ka ba?" napakagat ako sa labi ko.
"Nope. Bakit naman ako magagalit?" Mabuti nalang at hindi, akala ko naman galit sya. Lagot sa'kin sina ate bukas. Ay umaga na pala.
"Sabi kasi nila ate galit ka daw. Sorry kanina." yun nalang ang nasabi ko.
"Di ako galit. Don't worry."
"Yey! Makakatulog na ko sa wakas. Bye Branch!" Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. sa wakas ay pwede na akong makatulog.
Narinig kong tumawa sya nang mahina. "You're still my Ariesa. You're 10 times cutier pag may period ka. Night."
Pakiramdam ko ay sasabog na ko. Di ko ata kinaya pag ganyan pa siya magsalita. bakit ganito yung pakiramdam na parang nakalutang ka? Gusto ko nanag sampalin ang sarili ko. "I love you, baby."
"I love you too." Ilang minuto pa ang nilipas bago nag-sink in sa utak ako ang mga sinabi niya. Bakit parang baka mas lalo akong di makatulog nito.
"I heard it. Ibaba mo na, dalawang oras nalang itutulog mo."
Nang mamatay ang linya ay di ko mapigilana ang nasa loob ko. Boses pa lang niya ay mas lalo akong naiin love sa kanya. Tama nga, wala na kong maitutulog dahil sa kanya.
"Ms. Gray?"
"Present!" Buti nalang at nakahabol ako sa pag check ng attendance. Grabe nag marathon ako mula bahay parating dito. Nalate na nga ako nang gising, nagkataon pang walang masakyan. Napatingin silang salahat sa akin kaya lalo akong nahiya. Kaya ayokong nahuhuli sa klase e.
Habang kumukuha ako nang gamit sa bag ay tinulungan ako sa pagsuklay ng buhok ko ni Janine. Nakita ko rin na parang mas naging maayos na ang mukha niya gaya ng dati. Sana maayos na ang lahat sa pagitan nila.
"Ano 'bang nangyari sa'yo?" Tanong niya habang sinusukalayan ako.
Napalingon ako sa likod ako at nakita kong nakangisi si Branch sa akin. Inirapan ko lang sya at tumawa pa siya. Kagagawan niya ang lahat ng 'to!
