forty two

9 0 0
                                    





Mabilis lumipas ang oras at pati ako di ko na namamalayan na halos dalawang linggo na kong di lumalabas. Ilang araw na parang wala ako sa sarili ko at ngayon, di ko alam kung paano magsisimula uli kung mismo ang mga makakasama ko ay ang mga taong di ko na kayang pagkatiwalaan. patuloy parin ang sakit at ayoko namang pati pangarap ko na makapagtapos ay masira dahil dito. Ito nalang ang aasahan ko pagdating ng panahon. Bahala na sa kung anong pwedeng mangyari pa. Isa pa, miss ko na rin si Sancho at Janine.

"Pumasok na tayo bukas. Ako na ang bahala sayo." Ani Edward at saka naghain para sa amin.

"Salamat ah? Di ko alam kung papaano babawi sayo."

Tinawanan lamang niya ako. "Di naman ako humihingi ng kapalit. Sapat lang na nakatulong ako sa sakit na naidulot ko sayo dati."

Muling nagpa-flashback sa'kin lahat. Yung may babaeng kahalikan niya. Yung nangyari sa mall, panggugulo niya sa klase pati narn ang paggawa niya ng eksena sa bahay. Mas lalo akong naguilty sa mga ginawa ko sa kanya noon.

"Dapat nga ako ang magsorry e, pinatabuyan pa kita noon." Pumalumbaba ako.

Naka puting sando lang siya at boxer shorts. Somehow wala paring awkwardness na namamagitan sa amin at mag bumubuti ang lagay ko dahil doon.

"Tama na nga ang drama. Let's watch a movie later, I bought some sci-fi movies."

Nagpapasalamat ako na andyan sya. Andyan siya sa kabila ng mga nangyari sa'min. Sobrang laki ng naitulong nya na tumakas panandalian sa katotohanan. He was there when I'm trying to escape reality. But then, kung gugustuhin ko man na doon nalang ay hindi pupwede. Kahit ayaw ko kay kailangan na harapin ko ang mundo. Harapina ng mga bagay kahit na nag hirap hirap nang pakisamahan.

Alas tres na ata kami natulog ni Edward ng samahan niya ako manood ng mga movies. He fell asleep first at nang matapos ko ang palabas ay nakuha kong ayusin ang mga bagay sa condo niya. Nakita ko ang isang bag na binili niya pansamantala sa akin at libro na binabasa ko hanggang ngayon. Inayos ko iyon at nagsimulang linisin ang buong condo niya. Di naman ito marumi masyado ngunit kailangan pa ng alaga. Nagsimula akong punasan ang mga painting na nasa pader na halos di ko maintindihan ang meaning o sadyang wala lang akong alam sa art?

Bumaling ang atensyon ko sa mga picture frames na andun. Dalawa lamang iyon. One is the picture of him and his mother, bata pa sya nito at halatang nasa asumement park sila nang kunan ito. The second one was us, kung di ako nagkakamali, ito ang araw na sinagot ko siya, nakaakbay siya sa akin at batang bata pa ang itsura namin ito. Kitang kita pa pati na mga pimples ko.

Habang pinagmamasdan iyon ay sinilip ko siya, tulog na tulog. Napakabuti ng puso niya. Mabiti na parang ang hirap hirap na sirain nito, sa buong buhay ko na nakasama ko siya, may mga rason ang bawat masamang nagagawa niya sa'kin. At ang lahat ng iyon ay para sa ikakabuti ng lahat. Lahat gagawin niya para sa mga taong mahal niya kahit niya sya mismo ang masasaktan. He might look strong and brave outside but inside, he wasn't.

He deserve the world for his love.

"Arie?"

Ganoon parin ang suot niya gaya kagabi at kinusot niya ang mata niya bago umupo.

"Goodmorning. I made breakfast." Umupo na ako at nakita kong kumunot ang noo niya, lumakbay ang mata niya sa buong kwarto.

"Anong oras ka natulog?" tanong niya.

"I haven't sleep yet."

Pinagmasdan niya pati mga niluto ko. parang bigla siyang nanibago.

"What? May sakit ka ba?"

Tumawa ako ng kaunti. "Kumain ka nalang may pasok pa tayo."

Pakiramdam ko ay pumayat ako lalo. Gusto ko sanang magdisguise nalang pero hindi pwede. Sabay kaming pumasok ni Edward at sinabi niya sa akin kanina na tawagan ko lang siya anytime at di muna niya ako sasamahan para makarecover ako.

Sinilip ko ang bag ko, habang naglalakad ay kukunin ko sana ang cellphone kong di nabubuksan ng napakatagal nang kunin ng atensyon ko ang libro na hiniram ko noong nakaraan sa library. Nasaan na kaya si Janine? I wonder kung mumurahin niya ba ako kung makikita na niya ako ngayon.

"ARIESA!" here she is.

Nanatili akong nakatayo habang patuloy akong pinipiga ni Janine sa kanyang mga yakap. Gusto kong maiyak at matawa sa ginagawa niya sa akin.

"Hayop ka, saan ka nanggaling?" Halos inspeksyunin na niaya nag buong katawan ko sabay bigkas ng mahihinang mura.

"Sa tabi tabi."

Binatukan niya ako. Marami pa syang itatanong ngunit sinabi kong malelate na kami sa klase kaya't panigurado mamaya di niya ako patatahimikin. Nang nasa hallway kami ay nakuha kong magtext kay Edward na papasok na ako at agad naman syang sumagot nang 'ingat'. Pag-angat ko ay nahaip ng aking mga mata si Branch, pakiramdam ko ay tumigil ang sistema ko. Di ko maalis ang mga tingin ko sa kanya at ganun din sya sa'kin. Pumasok na kami ni Janine at halatang parang kakalabas ko lang sa ospital sa pag-aasikaso niya sa akin. Pinigilan ko siya sa pagpupunasn nya ng silya.

"Uy, okay lang yan."

"Hindi okay yan, dalawang linggo kang nawala kaya inupuan ng mga alikabok yan. Tsaka hayaan mo na ako."

Binigyan o lang siya ng ngiti. "Di mo naman kailangang gawin 'to e, pero salamat."

Maraming nakapuna sa pagpasok ko matapos ang ilang linggp kong pagliban sa klase. May mga nangangamusta din at inaalam ang nangyari sa'kin ngunit binibigyan ko lang sila ng ngiti.

Matatapos na nang araw, ngunit di parin ako nilalapitan ni Branch. Bakit ba ako umaasa? Niloko nya lang ako diba? O baka naman alam na nya na alam ko kaya wala rin siyang pake? Ano ba 'tong mga iniisip ko.

"Hanap ka na ng mauupuan natin, mag oorder lang ako." Ani Janine na pumila na. Niyaya nya ako pumunta sa isang coffee shop fahil masyado daw siyang naging curious sa mga nangyari sa akin at alam naming tahimik lang doon.

Nang hinihintay ko si Janine ay hinaluglog ko ang bag ko. Pasimple kong inaayos ang mga laman nito dahil pati ako naninibago sa gamit ko, nagmistulang first day of school ko ang araw na 'to. Mga ilang minuto ang lumipas ay nagvibrate ang cellphone ko. Halos 10% nalang pala ito.

Edward:

Where are you? Iuuwi kita sa inyo.

Ako:

Kasama ko si Janine ngayon, ako nalang ang uuwi sa'min kaya na 'to. Salamat sa lahat!

Umangat ako ng tingin at natanaw ko na si Janine hawak ang tray na may dalawang inumin. May pagkain pa pala ito kaya siguro natagalan din siya.

"Sino 'yang ka-text mo?" malamig niyang tanong sa'kin.

Tinaas ko pa ang cellphone ko. "Wala chineck ko lang."

Tumango lang sya at inayos na namin ang mesa. Pinatong nya ang bago rin niyang bag sa tabi sa mesa at tinali ang humahaba niyang buhok. Aabutan niya sana ako ng straw pero iba pala ang pakay niya.

"Janine!"

Kinuha niya ang cellphone ko at binuksan iyon! never kong pinalitan ang password noon at alam na alam nya pa. Sinusubukan ko siyang abutin ngunit humaba na ata ang braso niya at baka kung ano pa ang mabasa niya.

"Tigilan mo ko Ariesa!"

Para kaming tangang dalawa mabuti nalang ay may nag eskandalo sa counter na dalawang umoorder ng kape, mukhang mayaman yung isa at natagil kami bigla nang may lumabas na lalaki.

Malaki ang pangangatawan at kahit nakatalikod siya at talagang mapapansin mo siya. Bumaling ang atensyon ko kay janine na nananaliksik na ang mga mata sa akin. Nabasa na niya.

"May kinalaman ba si Edward sa pagkawala mo?"

Di ako makatingin sa kanya ng maayos. Di rin ako makakilos, damn. Alam kong bestfriend ko siya pero bakit ganito ako kabahan sa kanya!?

"Ariesa, answer me."

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon