Halos di ako makahinga sa tanong niya. Nakatitig lang siya sa akin na pawang nag-aantay ng kasagutan. Kahit na malapit naman sila noon ni Edward ay mas malaki pa ang galit nya sa kanya noon kesa sa'kin dahil sa ginawa niya noon.
"Janine, let me explain."
"NO! What kind of explain, A? Ano sasabihin mo na mahal mo na siya ulit? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'yo? Alam mo bang halos mamatay na sina Tita at Tito kakahanap sayo?"
Nagkuyom ang palad ko. The rage of anger building me up inside. Ang lakas naman ata na nahapin nila ako ni niloko na nga nila ako? Masyado pabanag kulang yun sa mga sakit na nararanasan simula pa lang na malaman ko na di ila ako tunay na anak? Ni halos di ko na makilala ang sarili ko at si Edward lang ang handang damayan at tulungan ako.
"Janine, di mo naiintindihan." malumanay kong sabi. Nararamdaman kong anytime iiyak na ko.
Ininom nya nang mabilisan ang kape at nagmura pa bago ako hatakin palabas ng coffe shop. Halos wala pa atang bawas ang pagkain at di ko pa nakakalahati ang inumin ko. Hinila niya ako papunta sa isang tahimik na garden, medyo malamig rito na lalong nagpapataas ng emosyon ko at kahait may mga kaunting tao ay dito siguro kami magkakaintindihan.
"Now. Talk." she crossed her arms.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ayoko nang balikan yung lahat ng nalaman ko ngunit siguro'y kailangan ko nang sabihin kahit sa kanya ito. She's my bestfriend and at the same time kaming dalawa lang ang madaals na nagkakaintindihan. Huminga ako ng malalim at di ko halos alam kung paano sisimulan sa kanya.
"Simula ng sabihin mo na bibili ka lang ng pagkain after kitang papuntahain sa library di ka na bumalik! Ano bang nangyayari, Ariesa? Nasasabihan naman kita ng mga pinagdadaanan ko noon ah? Bestfriend mo ko. Handa kitang intindihin."
Naiiyak na ako. I don't think I can handle my emotions right now. Pwede ko namang sarilihin nalanga ng lahat ng problema ko diba? Only thing I can do is run, but I can't. I keep on running but I'm still here on the same place. I'm still here on the same hell I tried to get away from it.
"Janine, niloko nila ako..."
"What? C'mon, A." kumunot ang noo niya.
"Niloko nila akong lahat."
Niyakap niya ako ng mahigpit at doon na dumaloy ang luha ko. Nakakapagod ng umiyak. Nakakapagod na wala ka nalang talagang magagawa kundi umiyak. Ang hirap na paano mo mismo haharapin ang lahat kung ikaw mismo di mo maharap yung tunay na ikaw. Ang sakit na sa isang iglap akala ko okay lang ang lahat. Masaya ang bawat araw. But behind those rainbows smiling at me, are the hell waiting for me. Siguro'y tinatawanan na niya ako ngayon. Nagpapakasaya sa nangyari.
"Ariesa, kung ano man ang nalaman o natuklasan mo, lagi ko namang sinasabing andito lang ako diba? Handa naman kitang tulungan kahit na nao pa yan, besides, kung totoo man yan. Di parin kita iiwan."
lalo lang akong napayakap ng mahigpit sa kanya. Mas tumatakbo sa isip ko ngayon yung mga tao na gaya ni Janine na kahit halos di kayo magkadugo ay pamilya ang turing sayo.
Nanatili kami ni Janine sa garden at doon ko nakwento ang lahat sa kanya. Simula sa pagkakawala ko, pagtuloy sa condo ni Edward hanggang sa pagbalik ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ako ni Janine sa mga pinagsasasabi ko pero may tiwala ako sa kanya, sa dami na nang pinagdaanan namin ngunit ang sitwasyong gaya nito ay wala talaga akong maisip na paraan kung paano sisimulan ayusin o maayos man lang.
"I still can't believe it."
Me too, Janine.
"Ano nang balak mo ngayon? Hindi naman pwedeng lagi ka nalang magtatago. Tsaka bakit ka man lan nakuhang kausapin ni Branch?" Bumutong hininga siya.
"Hindi ko rin alam, siguro may kutob sya na baka alam ko na ang tinatago niya kaya di na kayang humarap sa akin." sana hindi. Ayoko man isipin pero mahal ko parin sya. Gayong di ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.
"Wag ka ngang ganyan. Malay mo natatakot lang siya, nahihiya sayo... O baka may surprise." nakuha pa nyang ngumiti na nakakaloko.
Sinipat ko siya sa braso. "At nakuha mo pa talagang mag joke a?"
"Pasensya na, gusto ko lang naman paganain kahit konti yang loob mo. Masyado ka nang stressed sa buhay!"
Inakbayan ko nalang siya at niyaya ko ng umuwi. Ang sabi niya ay sasamahan niya ako sa bahay namin at para rin malaman nila na okay ako. Kinakabahan ako s amga pwedeng mangyari pero kailangan talagang harapin ko ito.
Nang nalalakad kami malapit sa bahay ay nakuha namin mapag-usapan yung mga araw na di kami magkasama. Yung pagse celebrate nila ng birthday ni Tito tapos wala daw ako kaya din narin nayaya sina mama. Nakakalungkot man na ganito pa ang ginawa nila sa lahat ng saya at mga memories na meron kami. Pero naniniwala ako sa rason na binigay sa'kin ni Edward na para nga sa negosyo namin na kahit alam na din nilang masakit ay tinuloy nila. Di ko lang alam kung nakabuti ba ito sa sarili ko o hindi.
Tinapik ako ni Janine. "Okay ka lang?"
Sinuklian ko sya ng mga ngiti. "Kailangan e."
Si Janine ang nagdoor bell at halos lumuwa ang mata ni mama nang makita ako at biglang kinulong sa kanyang mga yakap. Ang higpit ng yakap niya na parang ayaw akong pakawalan.
"Pa! Alex! andito na kapatid niyo."
Nagulat ako nang biglang may kumapit sa paa ko at nasilayan ko ang munting anghel ng bahay. Sobrang namiss ko siya. Naiiyak akong binitawan ang yakap niya sa binti ko at pinapunta sa akin.
"Ariesa!" Hiyaw ni ate pababa ng hagdan.
Pakiramdam ko ay nawala akong isang taon dahil sa mgasalubong nila sa akin. Niaykap din ni ate si Janine at ang huling sumalubong sa akin ay yung taong sobrang nagparamdam na may pamilya ako at sobrang nagmamahal sa akin
"Pa..."
Niyakap niya ako. "Saan ka nanggaling, anak?"
Tumulo lang ang luha ko. Totoo ito. Totoong may pamilyang sobrang mahal na mahal ako. sa mga oras na ito, pansamantalang nawala sa isip ko ang lahat ng nalaman at nadiskubre ko. They are willing to sacrifice all at siguro na dapat malam ko muna ang side nila sa lahat ng sa lahat para mas maintindihan ko.
Pinaupo nila ako sa sala at kumuha si mama ng makakain. Si Sancho naman ay nakakapit parin sakin.
"Ariesa, saan ka nanggaling? Bigla ka nalang daw nawala sabi ni Janine? Ayok ka lang ba? Saan ka tumuloy ng halos dalawang linggo?"
"Uhhm... Siguro po hayaan muna natin na si A na po mismo yung mauna." biglang singit ni Janine.
Tumingin ako sa sahig at ginalaw ang bawat kuko ko. Natatakot ako!
Huminga ako ng malalim.
"Kasi po ang totoo nyan, may nakapagsabi po sa akin..."
"Nang?" tanong agad ni Mama.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Di ko alam ang sasabihin ko at natatakopt ako sa magiging reaksyon nila.
"Ariesa, alam mo na?" tanong ni Papa sa akin.
Mas lalo akong di makagalaw sa tanong sa akin ni papa. Kung ganoon, ay totoo nga?
