Matapos ang isang buwan at di parin ako maka-move on sa mga nangyari. Maraming nagtatanong sa akin kung bakit wala na kami ni Ed at wala yung sweetness namin na nakasanayan na nila. Nangungulit pa yung iba na ikwento ko yung nangyari pero di ko magawa. Mabuti nalang at andyan lagi sina Janine at Branch sa tuwing may nag-iintriga tungkol samin.Culminating Activity na ngayon at kakanta ang banda nina Ed. For 3 years at simula pa lang nang nag-audition sya sa banda ay andyan na ako para suportahan sya. Aaminin ko kadalasan sa gabi, napupuno ng mga luha ang unan ko at di ko alam kung bakit umiiyak parin ako samantalang sya ay mukhang masaya na.
Yung mga nakaraang gabi ng pagdadrama ko ay nakita ako sa bintana ni Branch at kinomfort. Sya ang kasama ko this days at kaya pati kami napagtatanungan kung may something daw ba sa amin.
"Wahhh! Ang gwapo ni Ed noh? nakita mo sa backstage?"
"Oo syeeet. Kinikilig ako!"
"May gf kaya yan?"
"Kaka-break nga lang nyan sa 3 year gf nya eh."
"Oh. Bakit daw?"
"Basta, tara na nga!"
Break. Isang word na di ko aakaling matatawag sa amin. Isang buwan palang ang nakalipas pero parang napakasariwa sakin ng nangyari. Marami na ding na-issue sa kanya gaya nang nakita daw sya ng isang guro na may yosi sa bag. May kaakbay sa canteen, at nahuli dahil nakipag-away. Masakit pero siguro yun yung mga epekto nang pagkakahiwalay namin. Pati si tita kinukonsulta ako na tulungan ko si Edward na magbagong muli pero ang tanging sinabi ko lang ay susubukan ko.
"Ladies and gentelman, let's welcome...WESTERN ARROW!"
Naghihiyawan na ang mga tao at parang di na kakayanin kung lumabas sila, nang makita ko si Van, gitarista ng banda, ay mas lalong lumakas ang hiyaw nila. Ngunit sa kalagitnaan ng excitement at pag-aabang nila ay may humila sakin palabas ng court.
"Let's go." Hawak nya ang kamay ko at nakita ko nanaman ang itim nyang BMW at pinasakay ako, di ko alam kung aalis ba kami o hindi dahil sa di pa nya iniistart ang sasakyan at nakatitig at nag-aantay sa akin ng mga sasabihin ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at nakita kong bumuntong hininga sya bago sumagot.
"Nothing. I-i just don't want you to go there."
"B-bakit? gusto ko lang naman makita yung performance nila."
Yumuko na ako at di na sya nagsalita pa. Maya maya ay umandar ang sadakyan at pinatakbo na nya ito. Nang makarating kami sa stoplight ay bigla nya akong inulan ng mga kadramahan.
"S-sorry, A-ayoko lang kasing masaktan ka na ulit. A-ayokong makita kitang umiiyak ulit, S-sorry ka- -
"Hey, Hey! It's alright! Sobrang thankful nga ako at andyan ka lagi para sakin, kayo ni Bae. Tara, gala tayo."
At saktong nag-green ang ilaw at pinatakbo nya ng mabilis na para bang excited sya sa pagmamaneho.
Mabilis kaming nakarating sa mall at niyaya ko syang manood ng sine, gaya ng paborito namin ay pinili namin yung action na may adventure, napag-awayan pa namin kung sino ang magbabayad pero sa huli, sya parin yung nanalo.
"Shit!" Nagulat ako sa eksena sa pabalas at bigla kong napatakip sa bibig ko at nakita kong nakatitig lang sa akin si Branch. At nag peace sign nalang ako.
Nakita kong gumisi sya at muling sumubo ng popcorn.
"You look cute."
Nag-init ang pisngi ko at nanigas sa kinauupuan ko. Mas lalo akong nahiya sa kanya na para bang isang batang nahihiya sa kanyang crush.