Kinaumagahan ay para akong zombie. Pinilit kong tumayo ng alasais para makapasok ng seven. Hinahabol ko ang pagpasa ng project habang may hawak pa akong kape. Di na man lang ako nakapagbabye kay Branch nang ihatid nya ako dahil alam naman nyang male-late ako."Janine tara na!" sigaw ko dahil sa paghabol namin para makapagpasa.
"Ma'am! eto na po, pasensya na po kung nalate." sabi ko habang hinihingal pa at pinagpapawisan.
"Okay." kinuha nya at saka umalis. Grabe yun ah.
Umupo muna kami sa isang bench at uminom ng tubig. Ang sama na ng mood ni Janine dahil sa kanya.
"Uy..."
"Eh nakakainis naman kasi. Yung iba naman aa kanila tinggap at naintindihan yung rush na pagpasa natin. Tapos sya tatarayan tayo." sabay irap niya.
"Hayaan mo na, ang importante nakapagpasa tayo."
Bumili kami ng inumin pa, at saka nag-antay nalang sa klase. Mga 15 mins narin sigurong wala pang nagtuturo kaya nakapagpahinga na kami.
Nagseselfie kami sa cellphone ni J nang maramdamn kong nagvibrate ang akin. Di kasi pumasok si Branch dahil sa paghahanda nila dahil kailangan sila ni Brent sa isang business trip sa cebu ng susunod na linggo.
Branch.
We'll eat lunch later. I miss you :*
Humaba ang leeg ni Janine at ningitian ako ng nakakaloko. "Ano?"
"Alam ko namang kinikilig ka. Wag mo na ideny." kiniliti pa ako.
"Tigilan mo ko J. Para namang wala kang boyfriend."
"Wag ako A! Maging responsable ka na ngayon ah. Di na yan si Ed." natahimik ako bigla. Napansin rin iyon ni Janine kaya agad syang nag-sorry.
"Ah...eh...Oo nga e. Alam ko naman yun kaya magiging 'mas' kung ano man ang mga magandang ginagawa dati." Nagsorry uli sya at tinawanan ko lang. Bumaling sya sa cellphone nya kaya nagawa ko nang magreply kay Branch.
Me.
I miss you too. I love you.
And I whipped my phone into my pocket. Walang ginagawa ang karamihan. Some of them are sleeping, naglalaro ang karamihan sa mga lalaki at yung mga grade concious na mukhang baliw.
"You used to say 'I love you' to my cellphone."
Kumanta ang ilang kaklase ko sa likod at ginagaya pa yung sayaw ni Drake. Natatawa lang ako. Halos daganan na nila ang isa't-isa nang sumilip ao sa likod. Kasamang nakikipagharutan sa kanila ni Ed at nagkatinginan kami. Spell awkward?
Kinanta uli ng isa kong kaklase yung line na iyon at nagsayawan uli sila. "Lakas kasi mag-i love you!" hiyaw ni Edward.
Siniko ako ni Janine at lumapit sa akin. "Problema nyan? Sama nang tingin sa'yo oh."
"Malay ko dyan. Wag mo nalang pansinin." nagpatay malisya nalang ako at di na sila pinansin. Nararamdaman ko naman ako yun e kaya mas maganda talaga kung tatahimik ka nalang and too keep their bullshits off.
Ayoko man aminin pero ayoko lang talagang mapektuhan sa mga ikikilos nya, mandamay na sya ng iba bahala na sila. Okay naman kami e, kung di dahil lang sa aksidenteng nakita ko sila kung sino man ang kasama niya.
"Kamusta na pala kayo ni Brent?" tanong ko kay Janine nang di na maissue pa.
"Thank God okay na naman lahat. Akala ko di na kami magkakaayos ni ate Alex eh, ikaw daw kasi nagkumbinsi sa kanya na kausapin ako."
