thirty six

7 0 0
                                    




I woke up with a nice sunlight telling good morning to me. Kinapa ko ang tabi ko at laking gulat ko nang mahulog ako. Hinaplos ko ang masakit na bahagi ng ulo ko at nakitang wala ako sa aking kwarto. It's definitely Branch' office.

"Goodmorning sunshine. Breakfast is ready." I saw Branch, still wearing the white polo like last night, pero di na sya suot ang tie at yung coat. Hindi nakasara ang dalawang unahang butones nito at ang polo niyang nakatupi hanggang siko.

"May pasok ba tayo ngayon?" Una kong tanong sa kanya. So sa couch kami natulog? O ako lang? The only thing that I remembered was I fell asleep with his soft kisses. And I admit it really feels good.

"It's saturday, my love." nakita ko ang pagkain sa table niya.

Siguro'y inorder niya ang mga ito. Di ko aakaling makakatulog ako dito. Ano nalng ang sasabihin nina mama pag naka-uwi ako ng bahay. Ayoko namang idahilan si Janine dahil may pagkamadaldal siya minsan. No, madalas. Pero di naman sa lahat ng bagay, kahit nan ganyan yan, yung mga sarcastic niyang tanong laging may halong katotohanan.

"Don't worry, I already told tita, what happened last night." aniya at inayos ang pagkakainan ko.

"Happened last night!?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Na natulog ka dito. What else happened last night?" He smirked. Damn.

Inirapan ko syang nakakaloko at kumain na. Nakakatakam ang amoy ng pancake na may kape pang kasama, parehas kaming tinuon ang sarili sa pagkain at para na rin na makauwi kaming pareho.

"Baka may gagawin ka ngayong araw, sorry." Basag ko sa katahimikan.

Until now, confused parin ako sa mga pinaggagagawa niya. Di ako sanay na ganito siya kasweet sa'kin dahil sa mga simpleng salita niya lang ay para akong magiging tao gaya nung nasa green inferno. Ang kadiri naman ata noon.

"I have others than for this day. For the both of us." sabi niya't kumain muli. Pansin kong dinalaw rin sya ng gutom kaya di ko na pinahaba ang usapan namin.

Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang kami pareho at di mawala sa isip ko na baka kung anu-ano nanamna ang sasabihi ni mama sa akin. Naalala ko noon, nang magkaroon kami ng camp na biglaan, sumama ako dahil kumpleto kaming barkada ko noon na isa nalang ngayon. Halos ikulong na ko sa bahay nang isang linggo dahil sa tindi ng curfew na binigay sa'kin.

Inayos ko muna nag buhok ko bago bumaba. Hinawakan ako sa bewang ni Branch at nagdoor bell na siya.

"Adyan na pala kayo. Ma, andito na po si Arie." ani ate at pumasok na ko nang halos tumalon na yung puso ko sa kaba.

Pumunta si mama na mukhang badmood pa at. "Goodmorning Tita." bati ni Branch ngunit nasa labas parin siya ng bahay.

"Magandang umaga rin, salamat sa paghatid sa anak ko." kalma niyang sabi at sinara na ang pinto na lubos kong pinagtaka.

Bumaling siya sa ginagawa niya at parang walang nangyari. Bigla akong niyakap ng kapatid ko na may gatas pa sa kanyang labi. Paniguradong maglalaro siya buong araw.

"Ma, di ka galit?" tanong ko bigla.

"Bakit naman ako magagalit? Tuamawag naman siya kagabi... At isa pa, Tumatanaw lang ako nang utang na loob. Sige na mag-ayos ka na."

Napuno ng maraming katanungan sa isip ko. Di ko maintindihan ang sinabi ni Mama kanina. May nagawa ba siya kay Branch? Sa pamilya nito? pero malabo naman kung meron man. May alam ba sila na di ko alam? Ang daming tanong sa isip ko na di ko malaman kung saan ko bigla kukunin yung sagot.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon