Gabi na nang matapos kami ni ate Alex sa panonood. Makakaapat sana kami kung di ako sumuko dahil babagsak na talaga ang mga mata ko. Gusto ko bigla manood ng star wars, pero dumating na si mama kasama si papa.Malapit na matapos ang school year at ngayon palang dama ko na ang init. Ala syete na nang gabi pero buhay na buhay parin si Sancho sa kakalaro ng mga kotse niya sa sala.
"Arie, kamusta na?" tanong ni papa bago ako umakyat sa kwarto.
Tinabihan ko siya. "Okay lang naman po, sana may achievement this year." Biro ko.
"Di naman importante yun. Basta ginawa mo yung best mo. Kaya yan."
Napangiti ako doon. Dati kasi ay laging expected sa pamilya namin na may magkakaroroon ng medalya kada taon. Noong nakaraan nga ay halos hakutin na namin ng ate ko ang mga awards sa sabay na recognition ceremony namin.
Pero kasi all this time, di naman talaga kailangan yun. Alam kong mas kailangan ko iyon lalo na't nalaman ko na di ako tunay na Gray at malaki ang utang ko sa pamilya ko. Kahit na ganoon ay sobra akong nagpapasalamat na labis labis parin ang pagmamahal sa akin nina papa at di ko na rin maramdaman ang galit sa akin ni mama.
"Salamat pa ah? Sobrang laki ng utang na loob ko po sa inyo." Hinaplos niya ang balikat ko at lalo pa inihiga ko ang ulo ko sa kanya.
"Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka namin ng mama mo at lahat ginagawa namin para sayo. Para sa mas ikakabuti at ikakasaya mo."
Siguro nga'y ganoon. Handa naman akong harapin ang lahat para sa kanila. Di maalis sa isip ko ang tanong ni ate habang nanonood kami. Paano kung gaya nga ngayon na bumabalik nanaman si Edward lalo na't mahal ko na si Branch.
Pero sino naman ang maglalayo sa'min diba?
At the first place, sya ang gumawa ng mga bagay para maputol ang relasyon namin at di ko rin naman pinagsisisihan na nagmahal ako ng iba. Minahal ako ni Branch nang buong buo at naging masaya ako sa piling niya.
Lunes na nang mapagdesisyunan kong dumaan sa isang mall para bilhan si Janine ng ice cream cake na gustong gusto niya. Kaarawan niya kasi ngayon at kahit na alam kong magara ang boyfriend niya at baka kaya pa syang bilhan ng sampung ganito ay alam ko namang di mahalaga sa kaibigan ko ang mga materyal na bagay.
Pumunta ako sa bahay nila ng bago maglunch. Malapit lang ang bahay nila kaya nilakad ko lang, pwede rin naman mag-jeep pero sayang pamasahe.
Naka black jeans ako at simpleng teeshirt. Wallet at cellphone lang din ang dala ko gaya ng dati pwera sa cake na binili ko. Nagdoor bell ako sa kanila at saktong nakita ko si Tita Janice kasama ang asawa nito.
"Good morning, Tita..." nakangiting bati ko sa kanya.
"Iha, andyan ka pala. Pasok ka." Sumunod ako kay Tita at umupo sa couch. Hinanap agad ng mga mata ko si J pero baka nasa kwarto niya.
"Ariesa, ayaw lumabas ni Janine sa kwarto niya kagabi pa." Bungad sa akin ng papa niya habang inaantay siya sa sala.
Napatayo agad ako sa kinauupuan ko. "Po? May nangyari po ba?" Nag-aalala kong tanong.
Lumapit si Tita at hinaplos ang braso ni Tito. "Di namin alam, iha. Kagabi ay hindi sya naghapunan, ang akala namin ay natulog siya ng maaga. Pero kanina, ang sabi sa'min ng katulong ay puro hikbi ang bumalot sa bahay buong madaling araw. Nag-aalala kami, Arie."
Nabalot ang sarili ko nang kaba. Di ganito si Janine alam ko, kung may problema sya ay agad agad syang tatawag sa akin para sabihin iyon. Nag-aalala ako para sa kanya. Susubukan kong kausapin sya kung pwede. Dahan dahan kaming pumunta sa harap ng kwarto ni J at bago ako kumatok ay nilingon ko sina Tita Janice.
Hawak ni Tito si Tita sa balikat at kitang kita ko ang lungkot sa kanila.
"J-Janine?" kabado kong tanong. Wala akong marinig na kahit na anong ingay.
Bumuntong hininga ako. "J, si Ariesa 'to... Uhmm, may dala akong ice cream cake." Ani ko at aantay ng response mula sa kanya.
Matapos ang ilang minuto at bumukas ng kaunti ang pinto ngunit di ko siya nakita. Para bang gusto niya akong kausapin sa loob. Tumango lamang sina Tita sa akin at gusto kong mapanatag ang mga loob nila. Pagkapasok ko ay nakita ko iya sa kama na sobrang gulo ng buhok and it seems like she doesn't take a bath yet.
Nilapag ko ang cake sa tabi niya at niyakap ko siya agad.
Doon siya umiyak nang umiyak. Hinimas ko ang likuran niya.
"A... Arie ang sakit sakit." patuloy lang ang malakas niyang pag-iyak sa'kin.
Hinayaan ko lang siyang umiyak. Dim lang ang lights at halatang umiyak lang siya ng buong araw. Inayos ko ang buhok niya at tinali iyon gamit ang tali na nasa kamay ko. Patuloy lang siya sa pagsabi na sobrang sakit nang nararamdaman niya at nalulungkot ako na parang wala akong magawa para sa kanya. Na sa mismong kaarawan niya nararamdaman ang mga ito.
"Ano bang nangyayari? Birthday mo pa naman oh, tara kain tayo..." Kuamlas sya sa kakayakap sa akin at kinuha ko naman yung ice cream cake para kainin na. Nasa kama lang niya ito at binigyan ko sya ng tinidor.
"Kakanta pa ba ako?" Natatawa kong tanong.
Umiling siya sa kin at kumuha na agad sa cake kahit na humihikbi. "Wala nang happy sa birthday kaya kainin nalang na'to." Aniya.
Tinapunan ko lang siya nang tingin habang patuloy parin sa pagkain. Halos makalahati na nga nya ito.
"Kumuha ka. Parehas nating favorite 'to o." Sabi niya at huhubuan pa sana ako nang pigilan ko siya.
"Ano wala ka talagang balak sabihin sakin yung nangyari? Wag ganito, Janine. Kaya nga ako andito o. Ano ba kasi ang problema." Natahimik siya at nakita kong namasa uli ang mga mata niya at kumain muna saka umiyak.
Umiyak uli sya at tinabi ko ang cake at tinahan uli sya sa pag-iyak. "Arie, ayokong mapalayo kay Brent. Ayokong ilayo siya sa akin..."
Biglang pumasok sa isip ko ang tanong sa akin ni ate nung nag-movie marathon kami. Naguguluhan ako, hindi ko man maintindihan ang buong nangyari ay basta ang alam ko lang ay tungkol sa kanila ni Kuya Brent ang dahilan at malaki ang posibilidad na may kinalaman ang negosyo o si Brent mismo. Di ako sanay na nagkakaganito si Brent dahil sa lahat ng pinagdanaanan niya, ngayon pa lang sya umiyak ng ganito sa isang lalaki.
"Arie, gusto siyang i-arrange marriage sa ibang babae..."
