Nanlaki ang mata ko at halata rin ang gulat sa mga mukha ni Branch sa balitang sinabi ni Tita. Nagkatinginan kami nang may halong pagtataka. Hinawakan niya ang kamay ko at dimiretso kami sa kwarto nya.
"What the hell is he doing in my office!?" Pagalit nyang sabi nang pumasok para magbihis.
Me too! I'm asking myself too! di ko rin alam kung bakit siya andun at kug ano ba ang gingawa niya. Okay naman kanina ah? Okay naman yung pakikisama ko sa kanya diba? Mabilis ko syang nakitang nagpalit ng coat at nag-ayos ng buhok bago kumuha ng susi at umalis na.
Nagpaalam na kami kay Tita at nagmamadaling umalis, naka shorts at simpleng t-shirt nalang ako at naka flip flops lang nang pumasok sa kotse niya. Nararamdaman kong madilim ang ekspresyon ng muka ni Branch at gusto kong subukang pakalmahin sya.
"Calm down Branch. I'm sure na baka may gusto lang sabihin yun sayo si Ed."
"No love. Paano kung ano kagaguhan ang gawin niya 'don!? Shit. I'm gone fracture his bone when he hurt you again."
Natahimik ako at tumingin nalang sa kawalan. di k alam kung saan nya nakuha yang mga pinagsasabi nya. Parang gustong tumalon ng puso ko sapagkat nababago nito nung kabang bumabalot sa akin at kung ano ba ang gagawin ni Edward kay Branch. Matapos ang mabilis na byahe ay bumaba agad sya at sumunod naman ako. Lahat ng madaan nya ay nagulat at pinadaan sya ni hindi na nya pinansin ang lahat ng bati sa kanya. Binigyan ako ng nagugulang tingin ng mga nagtatrabaho doon, nakakahiya man pero di na yun ang unang inisip ko.
Sabay kaming umakyat ng elevator at kita ko parin ang igting ng panga nya at halatang nag-uumagting sa kagalitan. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kaya't hinawakan ko ang kamay nya at napatingin siya sakin. Nagkatitigan kami at maya-maya ay hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako at nakaramdam ng pagiging safe sa tabi nya, biglang bumukas ang elevator at kumunot ang noo ko nang makitang nakaupo si Edward sa pinto ng office ni Branch na walang kasama. Tinitigan niya ang kamay naming magkahawak at bumaling sa mga mata ko. Nakita ko ang malulungkot at para bang humihingi ng tawad nyang mga mata. tumayo siya sa nagpagpag ng jeans bago harapin si Branch.
"What the fuck are you doing here? At bakit walang security dito?"
"Cut the bullshit Branch. Ayoko ng gulo."
"Ikaw ang gumagawa ng gulo. Can't you see na okay na ang lahat? Okay na kami?"
Mabilis ang palitan nila ng mura at sagutan. Parang wala naman ako dito no?
"Ano? Andito ako diba? Edward what is it again?" Naiiritang tanong ko.
"I guess na-istorbo ko kayo. Well, gusto ko lang naman iparating na itong boyfriend mo ay--
"Go. Try to continue it at alam mo na ang mangyayari sayo."
Napalitan ng takot ang nararamdaman ako nang marinig yun mula kay Branch. Manly at buong-buo ang pagkakasabi niya pa para bang gagawin nya talaga. bago pa sya makapagsalita ay umakyat na ang mga guwardiya para kunin si Edward ngunit nagpupumilit parin itong kumalas.
"Bitawan nyo ko...Wag kang maniwala sa sinasabi ng gagong yan Arie...B-bitawan nyo ko! Hahanapin ko ang mga magulang mo, Arie tatandaan mong mahal na mahal kita. Hindi kailan man magbabago 'yon!"
Sinubukan kong pigilan sila pero di naaig ang lakas ko. And when I saw Branch just standing there and do nothing...it leave me a question...Talaga bang kilala ko na siya at dapat ko syang pagkatiwalaan? Ayokong mag-isip ng ganun pero bakit?...
Tinitigan niya ako ng diretso sa mata nang walang halong emosyon. Maya maya't kinuka nya ang kamay ko nag-umpisa na kaming umalis.
"What's the problem?" Basag niya sa nakakabinging katahimikan.
"Nothing. I-i'm just worried about Edward." Kahit naman na ganun na kami ay di parin maalis sa akin na mag-alala sa kanya. Gusto ko syang kausapin at malinawan sa lahat ng ibig nyang sabihn. Lahat ng gusto niyang iparating at ipaliwanag.
"You don't want to. as long as I'm here, there's nothing to worry about."
"WHERE'S THE FOOOOD!?" sigaw ni Janine mula sa kwarto ko matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari matapos nilang umalis ni Brent.
"seryoso ka Arie? Bakit nya naman sasabihan ng ganun si Branch? At talaga naman yatang nag-uumpisa sya ng away ah?"
Ramdam ko ang galit sa kanya, pero di iyon gaya ng sakin. Nalilito't naguguluhan ang isip ko sa mga nagyari ngayon. Dapat na di ko na iniisip yung mga ganun pero paano kung may alam nga o may natatagong sikreto si Branch? Letse Ariesa! Dami mong alam!
"hayaan na natin, pero bakit ba kasi kinilangan nya pang pumunta sa office ni Branch para lang makipagsagutan?" Kumunot ang noo ni Janine nang marinig nya iyon.
"Well...yeah, Baka nga di pa niya nasasabi sa inyo at gusto niya talagang sabihin dahil sa naabutan niya kayong magkasamang pumunta sa office niya."
That's it. Tama si Janine na dapat ko nga siyang kausapin. Matapos noon ay dito ko na sya pinatulog sa kwarto ko kung saan madalas naming ginagawa tutal naman na ngayon ay biyernes at parehas kaming walang pasok bukas. Natapo lang kasi ang highschool ay di na namin madalas nagagawa ito dahil sa sobrang busy namin pareho.
Di pa kami natutulog kahit madaling araw na. Marami kaming napagkwentuhan at mga flashback na pinag-usapan pa namin. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6am na ppero parang wala na akong antok, kahit naman kasi na 2am ako matulog, maaga parin naman ang gising ko. Iniwan kong masarap ang tulog ni Janine at nagsimula nang maligo at kumain.
"Ateeeeeeeee" Isang masiglang salubong sakin ni Sancho nang makababa ako. Minsan niya lang ito gawin sakin kaya naman ay ang saya ko na.
"Ate anong meron?" Tanopng ko kay ate habang nagtatype sa cellphone niya.
"Huh? Wala naman, kumain ka na."
Bumaling ako sa sala at nag-umpisang kumain ng cereals. Nagtwwet muna ako at kasabay nito ay nakatanggap ako goodmoring text galing kay Branch.
"Goodmorning." bati ni janine na ngkukusot pa nang mata.
"Gising kana pala, kain kana."
sabay kaming kumakain ngayon at nakikipaglaro pa si Janine kay sancho. Di ko napansin si papa ngayong umaga kaya't baka maaga iyong pumasok sa trabaho. Nakakaramdam uli ako ng antok kahit na natulog na ako at sinabi naman ni ate na magshopping daw kaming atlo kaya naman pumayag na ko.
Naunang umakyat para magpalit si Janine, naiwan akong inaayos ang mga pinggan at niligpit muna lahat ng kalat sa sala bago umakyat. Bago ako umakyat ay nadinig ko si mama na may kausap sa cellphone.
"Yes?...Yes, madam. Mrs. Gray speaking...yes...sorry, again?....Daughter?"
