I'm wearing a metallic-lace applique midi skater dress with my light make-up. Sa simbahan ang naging venue ng kasal nina Janine at Brent. After a month, nagkita kita kami ng aking pamilya at nakita ko kung paano na nag-iba mula kina mama, ate at Sancho. Dad got diagnosed last week because of his diabetes and thank God his recovery is doing well.
I contacted Edward last time at sabi nya ay makakadalo siya sa kasal kaya naman alam kong magkikita kami rito, dahil simula noong nangyari sa airport ay hindi na kami nagkita sa kadahilanang umuwi sya para makita sina Tita.
"Are you ready?" I asked Janine after her make-up. Hindi pa siya nakakapagbihis at kahit mukha pa lamang nya ang makikita mo ay lahat talaga ng bisita ay mabibighani sa ganda nito.
"Iiyakan mo ba ako?" natatawang tanong nito sa akin.
"Ayoko gayahin si Tita Janice no. Isa pa mahirap nang mag-retouch."
Di ko siya iniwan hanggang makasakay kami sa sasakyan. Her bridal dress is just simple pleaded V-neck wedding dress. May mga beads din ito pero mas angat ang kagandahan niya.Napaisip tuloy ako kung bakit di ko siya pinilit sumali sa mga beauty contest noong highschool at college kami.
"Sana sabay tayo ikakasal." bulong ni Janine sa'kin.
"What? Joke ba 'yan?" tinawanan lang niya ako.
"You're weird." komento ko.
"Ayaw mo ba yung hanggang kasalan, bestfriend pa rin kita?" Natawa na pati sina Tita sa'kin. It just good na normal na lang sa amin yung ganito, yung parang kapatid ako ni Janine sa harap nina Tita at Tito as well as in my family.
"Mukhang dapat kasi talaga sabay kayo ngayon."
"Dapat talaga, ewan ko ba dun. Natorpe na dala ng maraming taon."
Hindi ko alam kung bakit mukhang para sa akin iyon. Wala akong idea kung bakit natatawa sila na parang mas gusto pa nila ata na mag-asawa ako agad ni wala pa nga ito sa mga susunod kong plano. Biro lang naman iyon kaya't dapat hindi ko seryosohin.
Nang ako na ang maglakad sa red carpet papunta sa altar ay biglang nahagip ng mga mata ko si Edward na malawak na nakangiti sa'kin, kasunod nito ni Branch na nagpabagal sa akin sa paglalakad. Iniwas ko agad ang tingin ko at binalik ang sarili ko sa sitwasyon. Lumagpas pa ako sa dapat na uupuan ko.
Nang matapos na ay niyaya ang lahat na magpakuha ng litrato kaya naman hindi magkaugaga ang mga bisita na magpakuha ng larawan, samantalang ang iba ay mauuna na raw sa reception gaya nina Mama. Buntis na rin kasi si Ate sa kanyang pangalawang anak na nalaman lang namin pagkauwi ko. Blessing nga raw siguro iyon ngunit nalulungkot ako na hindi man lang ako nakarating sa kasal at selebrasyon ng pagdating ng unang anak ni Ate na si Kyle.
"Ariesa, tara na." Tinawag ako ni Vena at kumapit pa ito sa braso ko. Sa pagmamadali nito ay nabangga ko si Branch ng di inaasahan.
"Oh my god. I'm sorry." napatakip ako sa aking bibig. He just smiled at me.
Naglakad na kami patungo kina Janine at nakita ko siya na binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Mukhang nakita niya ang nangyari kanina.
Sa hiya ko doon ay sinabi ko nalang na sasabay ako kay Edward kahit na hindi. Wala akong sasakyan dito sa pinas kaya naman halos kalahating oras na rin ako mag-isa sa labas ng simbahan matapos ang seremonya. Kailangan ko muna siguro ng maraming hangin bago magpakita sa reception.
Minsan naisip ko kung naging tama ba ang desisyon ko na bumalik. Kahit na maraming mga nangyari dito sa pilipinas noong mga nakaraang taon ay hindi ko nakuhang umuwi. It seems like how do everyone see my success and all of my achievements, is not really for me. Though, sobrang nagtatrabaho ako para sa lahat ng meron ako ngayon ay kulang pa rin ako.
