Paakyat na ko sa elevator at papunta na sa office kung saan sinabing andun daw si Branch dahil sa nasabi sa akin ni Mrs. Reidler na umalis nga daw sya at nasa company nila, binigyan nya ako ng address at agad ko namang pinuntahan ito. First time ko palang makapunta dito kaya't naninibago pa ao sa lugar at aminado akong talagang magara at malaki ito. Kung mayaman at sila at sila mismo ang may-ari nito, bakit sa isang pampublikong paaralan nag-aaral si Branch?Nakarating na ako sa floor kung saan sinabing andun ang office nya. Pagbukas palang ng elevator ay tatambad sayo ay nag-iisang pinto para makapasok sa loob. Pinihit ko ang door knob at dahan dahang binuksan ang pinto.
Bumalantang sakin si Branch na kausap ang isang babaeng mas matangkap at mas maganda sa akin. Naka pencil skirt at sobrang fitted na pang-itaas. Nagulat si Branch nang makita nya ako samantalang ang babaeng kausap nya ay tinaasan lamang ako ng kilay.
"A-ariesa, why are you here?" Natataranatang tanong nya sa akin.
"Bakit, bawal ba ako dito?" Sarkastikong sagot ko.
"No . That's not what i mean...Damn. Take a seat first."
Malaki ang opisina nya na napupuno ng kulay itim na pagild at mga kagamitan. Mapapansin mo rin na salamin ang bawat sulok at dingding ng opisina nya kaya naman makikita mo kung ano ang itsura mo. Napatingin pa naman agad ako sa salamin at baka sakaling mas gumanda ako sa kanya. Sa bintana ay purong salamin na nagsisilbing liwanag at parang makikita mo talaga doon ang laki at taas ng lugar na ito.
"Branch? Who is she?"
Tumayo naman ako galing sa malambot na sofa at nilapitan ang babaeng porselana.
"Hello! Ariesa, Ariesa Gray."
"My girlfriend." Ani Branch at sabay sa paglad ko ng kamay sa kanya. Marahan nyang tinanggap iyon ngunit parang natatakot pa syang hawakan ang kamay ko. Wala naman akong nakakahasang sakit ah!
"Ava Abrigo."
Pagkatapoa niyon ay bigla nyang binitawan ang kamay ko. Muli akong bumalik sa kinauupuan ko at kasabay ng pagdating ng isang matanda na may dalang pagkain. Agad ko siyang pinuntahan at kinuha ang pagkain. Binaba ko iyo sa babasaging lamesa at hinrap si Branch. Umayos ka Arie! Maganda 'tong nasa harap nya. Umayos ka!
"Branch, Tara kain."
"Oh yes, wait for me. Ms. Abrigo will you please--
Bago pa man ipagpagpatuloy ni Branch ang sinasabi nya ay agad namang tumayo yung Ava at halatang beastmode.
"Are you kidding me? I set a meeting right away and when she came you did what? Seriously!?"
Di sumagot si Branch at nakita ko ang inis sa loob ni Ms. Ava.
"What now Reidler? Paaalisin mo talaga ako dito? Look, she's just a college girl."
"Our meeting--
"Yes Branch, kailangan natin mag meeting. Don't just interrupt it because of this--
Di na sya pinatapos ni Branch at ramdam ko ang tensyon na binibigay ni Ava sa kanya. Nahihiya ako dahil sa tungin ko ay kasalanan ko ito, Hinanda ko pa naman ang mga binili ko at ang dinala nung matanda kanina. Tumayo si Branch at inayos ang sobrang linis sa itim na amerikana at bumuntong hininga bago sumagot.
"Ms. Abrigo, yes of course we will have a meeting. And please calm down. may isang oras pa bago ang meeting so please? Will you please leave me and my girlfriend alone?"
Nakakabingi ang katahimikan at walang nagawa si Ms. Abrigo kundi kinuha ang gamit. Padabog syang umalis at lumabas ng opisina. Nahihiya naman akong tumingin kay Branch dahil sa mga sinabi nya. Dapat kasi talaga nanatili nalang ako sa bahay nila eh.
