fourteen

13 1 0
                                    





Natapos ang araw nang napawi ang bigat sa dibdib ko, nang bigyan ko sya ng pagkakataon sa puso ko, di ko alam kung tama pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba? Di naman siguro kasalanan ang bigyan ng pagkakataon uli ang puso ko na magmahal. Kahit pa'y sa totoo lang, di ko alam sa sarili ko na kung nakapag-move on na ba ako kay Ed. Pero bahala na. Puso na ang bahala sa lahat.

Sa bawat subject na dumating ay nakita kong mas naging aktibo si Branch na napansin rin ng iba pa naming kaklase. Madalas kasi syang tahimik sa klase at panay ang ngiti na sya ngayon na di na ata mawawala sa kanya, kinilig din si Janine nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari at hakbang na raw ito para magsimula ko uli. Nabalita rin na kaya di ko madalas makita si Ed sa klase ay dahil sa may ensayo sila ng W.A para sa darating na kompetisyon. Uwian na ngayon at hinahantay ko si Branch sa gate at kukunin lang daw ang sasakyan, habang nag-aantay ako ay nahagip ng mata ko na paparating si Ed sa gate, papalapit sya ng papalapit ay palakas ng palakas ang bulong ko na dumating na si Branch.

"Arie," Di ko alam ang gagawin at sasabihin gayong nararamdaman kong nasa likod ko sya, di ko alam kung bakit sya andito at kung anong pakay nya. Bakit parang walang nangyari sa nakaraang buwan?

"O-oh hi!"

"Kamusta ka na?"

"O-okay lang naman ako." Tumango lang sya at yumuko, nakita ko na rin a wakas ang kotse na hinihintay ko, nakita kong bumaba sya ng sasakyan at inaakbayan ako.

"Reidler."

"Collins." Nakita ko ang tensyon sa pagitan nila, nagkuyom ang mga kamay ni Edward at lumalim ang tingin ni Branch.

"Ah, tara na. Sige Ed." Paalam ko sa kanya at tumano nalang sya, pinagbuksan ako ng pinto ni Branch at nakita ko ang pag-iba ang mood nya nang makapasok na sya ng sasakyan at paandarin ito.

"I don't want to saw you with him again."

"W-why? nakita nya lang ako at bumati, may mali ba dun?"

"Just dont."

"I don't want to feel jealous again." Nag-init ang pisngi ko nang marinig yun, nakita nya rin ang reaksyon ko kaya't may namuong kurba sa mga labi nya. Ngumisi sya. Bakit ang gwapo nya pag nakaganun?

Di ko na sya pinansin pa at dumungaw nalang sa bintana, nakita ko na rin ang gate ng village namin at malapit na kami, nang makarating kami sa gate ng bahay ay nagpaalam nalang ako at sinabi nyang i-text ko raw sya pag wala na kong ginagawa. Umuwi ako at nagulat ako sa masarap na nakahapag sa mesa. Sinabi ni ate na bumabawi lang daw si papa at si ate ay di pumasok kaya't napagtatakahan ko na kung anong meron ngayon sa mga tao sa bahay, sabi nila masaya lang daw sila ngayon at okay na sila mama, Mas gumaan naman ang pakiramdam ko nang narinig yun kaya naman ang sarap ng kwentuhan namin sa bahay at naisipan pa nilang magmovie marathon.

"Ang cute naman ni sadness."

"Anong cute sa kanya dyan? Kabanas nga eh." Andito kami ngayon at nanood ng inside out at nagtatalo pa sina ate dahil nakakabanas daw si Sadness at laking epal, pero sa dulo ay naiyak naman sila. Hahaha nakakatuwa na kahit may malaki kaming problemang kinaharap ay nagkakaroon parin kami ng ganitong bonding, sana lagi nalang ganito.

Sa gitna ng panonood ng ending ay biglang may nagring na cellphone at sinagot naman ito ni papa. Natigil kami at dahil patapos na naman ay pinaiba na ang palabas sabi ni mama, at nang makabalik si papa ay bakas sa sakanya ang malungkot nyang mukha.

"Papa, bakit po?" Malungkot na tanong sa kanya ni Sancho at bigla naman syang kinarga nito.

"Kasi...Wala nang problema sina papa! Yehey!" Nagulat naman kami nang marinig yun kay papa, nakita ko naman na maluha-luha na si mama at niyakap sya ni ate at pati narin ako. Di ko alam kung paano mapipinta ang saya na nararamdaman namin ngayon, sa ilang buwan na lubog kami sa utang at sa mga problema ay sa wakas ay matatapos narin ito.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon