"H-happy monthsary?" nauutal kong tanong na pawang natataranta na at naluluha pa lalo."Y-yes. It's our first monthsary." masayang sabi ni Branch.
Walang anu-anoy niyakap ko siya kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Di ko na alam kung paano ko pa ilalabas ang ekspression at lahat ng saloobin ko sa araw na yun. His hands covered my face and wiped my tears. He kissed my cheeks and grabe my hand to go at the front near stage. Bawat tao ay gumigilid at ang iba ay nagvivideo at kumukuha ng mga larawan ngunit di ko na pinansin. Pakiramdam ko ay mukha na kong bruha sa luha at pagkagulo ng buhok ko. Nang makarating kami at biglang may tumugtog at laking gulat ko nang makita na ang kakanta ay ang West Arrow...at si Edward.
'di ko maintindihan'
'ang nilalaman ng puso'
'tuwing magkahawak ang ating kamay'
'pinapanalangin lagi na tayong magkasama'
'hinihiling bawat oras kapiling ka'
Masayang sinasayaw ako ni Branch sa sarap ng maraming tao. Kahit na nahihiya ako ay iniisip ko nalang ang gabing magkasama kami at sumasayaw. May kakaibang tuwa at para bang ako ang bida sa araw na ito. Todo cheer at tili sa amin ni Janine pati nag maraming tao. Di ko alam kung bakit niya ginawa ito at ang mas kahiya-hiya ay hindi ko man lang alam na ngayon pala iyon. Teka, anong petsa ba ngayon?
'sa lahat ng aking ginagawa'
'ikaw lamang ang nasa isip ko sinta'
'sana'y di na tayo magkahiwalay'
'kahit kailan pa man'
pagkatapos na pagkatapos ng huling salita ay biglang umalis ng stage si Edward na ikinagulat ng lahat. Biglang bumitaw sa akin si Branch at kinuha ang mic.
'Ikaw lamang ang aking minamahal'
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Pati sina Clyde na ka-banta ni Ed ay natuwa sa pagkanta ni Branch. mas lalong naging expose ang pagmumukha niya sa madlang people pero hayaan na. Sobrang saya ko ngayon na di ko na naiisip ang mga mangyayari mamaya.
'Ikaw lamang ang tangi kong inaasam'
'Makapiling ka habang buhay'
'Ikaw lamang sinta'
'Wala na kong hihingin pa'
'Wala na'
Naghiwayan ang lahat at ramdam na ramdam ko ang concert dito kahit na ordinaryong araw. Natapos ang celebrasyon na di parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Tuwang tuwa na sinalubong kami nina Brent at Janine na magba-bonding raw pag-alis.
Hinatid niya ako sa bahay mag aalasais ng gabi at pinaalam naman kay mama kung bakit late ako ng uwi. At parang gustong gusto nya pang ipa-stay ako sa kanila.
Branch:
Halatang masaya masaya ka.
Tumingin agad ako sa bintana at nakita syang naka sando at boxers lang at malalim ang titig habang nakangiti. Nanatili akong naka-uniform at di pa nagbibihis. Bakit ang gwapo nya po?
Me:
sino ba naman ang hindi sasaya? sorry nga pala di ko talaga alam. huhu
Ngayon, kulang nalang sulatan ko ang pader ng malaking AUGUST 28 para di ko makalimutan. Lahat nalang kasi ay nilagyan ko ng palatandaan para di ko na makalimutan. Parang baliw lang.