Papasok nanamin kami at inaayos na ni papa yung kotse na sasakyan namin dahil sa ihahatid nya kami. Papasok na sana ako kasabay si Sancho nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay."Ate sino yun?"
"Well, Mr. Hot guy." Pang-aasar nya matapos sumilip sa bintana.
"Tara na bunso, may maghahatid kay ate mo." Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Sancho nang marinig nya yun kay ate.
"Bakit ate, may boyfriend ka na?"
"Hayaan mo na si ate mo, sige na Arie. Mga anak tara na, Andyan na yung kotse ng papa nyo." Malambing na hawak sakin ni mama sa likod at hinayaan nalang nila akong ihatid ni Branch. Bago pa man yun ay nakita ko si papa na kausap si Branch ngunit nang tanungin ko sya ay wala lang naman daw at di naman masyadong importante ang pinag-usapan nila. Humingi rin sya ng tawad ukol sa pag-aaway nila ni Edward at sa mga inasal nya. Lalo akong nagulat nang kinomfirm nya lalo sa akin na sakanya na ako at kami na, akala ko nananaginip lang ako that time pero di pala, di ko alam kung paano uli nangyari pero masaya naman na ko sa mga nangyayari sa akin ngayon kaya aarte pa ba ako? haha.
"Baeeeee." Masayang tawag sakin ni Janine at nakipagbeso sakin, napansin ko rin ang bago nyang hairstyle na dating mahaba at straight ay umikli na ngayon.
"Bakit ka nagpagupit?" Malungkot kong tanong sa kanya.
"Ano ka ba! Syempre for the change!"
"Oh c'mon! Tell her to impress my brother." Natatawang sagot ni Branch na kinasama ng mukha ni Janine kaya pinigilan ko na sya. "Joke lang yun ni Branch, diba?" Pilit kong ngiti sa kanya. Habang pa-cool lang syang nakikinig sa kanyang earphones at nakalagay ang mga kamay sa bulsa.
"Yes babe." Aniya at ngumisi.
"W-wai..w─WHAT!?"
Parehas naman kaming nanlaki ang mata sa sinabi ni Branch at tinititigan pa ako ng masama ni Janine.
"Ah, ano...A-ah, di ako yun no! Tara na nga." Nahihiyang sabi ko at tumakbo na papuntang classroom, pakiramdam ko ay ako na ang may mga mapulang pisngi sa ngayon. Pagdating ko ay umupo na lang ako at nahihiyang tumingin kina Janine pagpasok, ngunit nakatanggap ako ng text message galing sa kanya kaya't mas kinakabahan ako sa mga sermon nya mamaya.
Bestfriend.
Mag-uusap pa tayo mamaya. Haha
Sinilip ko sya at tinanguan lamang ako, Nakita ko rin si Branch na tinapik ako mula sa likod at kininditan ako. At nagdulot ito nang paghuhurumentado ng dibdib ko. Ngunit pagharap ko ay nakita kong kadarating palang ni Edward at inayon ang mga mata sa sakin kasabay ng pag-iwas ko ng tingin.
Nagdaan ang maraming subject at nang nagbreak ay wala akong nagawa kundi sabihin kay Janine ang lahat. Ang ngiti nya ay abot tenga nang marinig nyang hinalikan nya ako at sa mga sinabi nya.
"Omaygash! I'm so happy for you." Abot tenga nyang ngiti at kinikilig na sabi sakin.
"Hahaha. Salamat... Sana nga tama 'tong desisyon ko."
"Ano ka ba! It's for your own good naman. Di naman kita hahayaan lang na magmukmok sa kwarto mo. At di lang sya yung taong pwedeng magpasaya sayo." Napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap ako, nang kalaunay nakita ko ang kotse ni Brent na sinundo nya kaya naiwan nalang akong mag-isa ngunit matapos lang ang ilang minuto'y sinundo narin ako ng BMW 3 Sedan ni Branch.
Nakarating ako ng bahay at nakita kong andun na si Mama at bunso, nagpaalam lang ako na doon lang muna ako kina Branch dahil may long quiz kami para bukas at para bang naexcite naman si mama, na para bang gustong gusto pa akong andun, pero iba parin ang timpla ni Sancho na dapat daw ay uwian pa sya ng mcdo. Ngunit wala silang nagawa kaya nakapunta parin ako.
