Hinatid na namin si Sancho at kahahatid lang sakin ni Branch sa aking first subject at sabay nito nang pagkita ko kay Edward. Nararamdaman kong magiging awkward kami kaya mas pinili kong mas malayo sa kanya.Habang nagkaklase ay nararamdaman kong sumusulyap-sulyap sakin si Edward na nasa bandang unahan malapit sa pinto nakaupo, ito ang dahilan kaya't mas naiilang ako makining at mag-aral.
"Psst." Ani Janine na katabi ko.
"Oh?"
"Kanina pa yan tumitingin dito." pasimple nyang sabi dahil sa masayadong terror ang prof namin na bawal na bawal sa kanyang may makitang nag-uusap.
"Wag mo nalang pansinin."
Pinilit kong wag nalang bigyan iyon nang pansin. Mabuti't di kami nakitang nag-uusap at mabuting ang susunod kong klase ay kasama ko na si Branch. Pabalas na sana kami ng pinto ni Janine at may humawak sa braso ko na kinabigla at agad agad na pagtakbo sa bilis ng dibdib ko.
"Arie..."
Damn. Gustong gusto kong magmura sa harap nya. Hindi ko siya maintindihan! Lahat lahat ay mas ginagawa niyang komplikado. Mas pinapahirap niya ang mga bagay bagay di lang samin kundi pati narin sa mga malalapit sakin. Naguguluhan ako na minsan pakiramdam ko tangina ginagago ba ako nito?
"What do you want?" malaming kong tugon.
"Uhh...G-gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari sa kompanya nina Branch."
Di ko alam kung pawang kasinungalingan lang o sincere ba sya sa mga pinagsasasabu niya sa harap ko. Basta ang alam ko at nararamdaman ko ay para nya akong ipaiikot ikot sa mga palad niya na may plano o may balak na syang mangyayari sa akin.
"Basta wag mo nalang uulitin." Ayoko ko nang magkagulo. Bahala nalang siya kung ano ang gusto nyang gawin at mangyari. Siguro nga't di ko nalang yun iisipin para wala nang nagpapastress sa akin.
Binitawan na nya ang kamay ko ngunit tinawag niya parin ang atensyon ko. Tumugon ako ng 'ano bang gusto nya? pag di pa sya tumigil susuntukin ko na talaga 'to' look.
"Last. pwede ba kita mayayang kumain mamaya?"
"Edward may boyfriend ako at siya ang kasabay ko. At male-late na ko, please."
Nakita ko sa kanya ang malulungkot niyang mukha. Pagbaba namin ng hagdan ay doon ko lang nasalubong si Branch. Di ko na sinabi ang nangyari para wala na syang pagbuntungan ng galit. Sabi naman ni Janine ay sa susunod na umepal uli siya sa akin ay wag ko nalang papansinin.
"Bae, kamusta na kayo ni Brent?" tanong ko sa kanya dahil sa wala pa ang prof namin.
"Okay naman, uy tulungan mo pala ako sa monthsary namin ah?" masaya niyang sabi.
"Oh? Kailan? Sige go ako dyan."
"Next next week. 5th monthsary."
"5th? Antagal nyo na pala noh?" Antagal na pala nila, oo nga't mas nauna sila sa'min ni Branch. Teka, kailan nga ba naging kami? di ba kami naman?
"Di rin ako makapaniwala. haha. O kayo? kailan naging kayo?" hala! oo nga't di ko tindaan ang araw na sinabi niyang kami na daw. Hala! Paano kung di ko na pala namamalayan na monthsary na pala namin?
"Ang galing!...Uhmm yung sa'min? Di ko alam eh." nanlaki naman ang mata nya nang marinig niya ang sinabi ko.
"Ano!? tatlong taon ka nagkajowa, di ka parin makatanda ng petsa?"
