Kung pwede lang ilipat yung sakit gagawin ko para sa kanya, Kahit di pa nya naku-kwento yung mga nangyari alam kong mahirap at mabigat yung pinagdadaanan nya ngayon.Di muna ako umuwi ng bahay at sinamahan sya hanggang sa makatulog sya, pinagmamasdan ang bawat sulok ng makikinis nyang mukha. Sana di ako pagalitan pag-uwi pero dahil alam kong andyan si papa, ay maiintindihan nila ako.
Nagising ako sa lakas ng sikat ng araw. Kinapa ko yung cellphone ko sa table na malapit sa mesa at buti nalang 6:20 pa lang, 8am pa naman ang pasok namin, pero ang ipinagtataka ko ay yung wala na sya ngayon sa tabi ko.
Lalakad sana ako palabas ng kwarto nang may nakasalubong ako.
"Goodmorning babe." Nakita ko syang ang laki ng ngiti at may hawak na pagkain, parang wala bang nangyari kahapon
"B-babe?"
"Hayy, halika ka na nga muna at kumain na tayo, may pasok pa tayo diba?"
Hinayaan ko nalang sya at kumain na kami dito sa kwarto nya, ngayong mas maliwanag na sya, ay mas naaliwanagan ako ngayon dito, malinis at nababalot ng itim at puti parin ang tema ng kwarto nya, may nakita rin akong nakasabit na picture namin, nung 3rd anniversary lang yan ah? Ang sweet. At mga iba pang larawan gaya ng dati.
"Busog ka na?"Nakangiting tanong nya sakin nang maubos ko yung tatlong pancakes.
"Tanong ba yan babe, o nang-iinsulto ka lang?"
Natawa lang sya sakin at niyakap ako, naligo na sya habang ako di alam kung pano kukunin yung gamit ko at damit sa bahay.
"Babe, pano yung uniform ko?"
"Mag sibilyan ka nalang muna at bibili tayo pagpasok, tapos gamitin mo muna papel, salin mo nalang sa notebook mo."
Nakampante naman ako sa sinabi nya, akala ko nga pati notebooks bibili kahit alam kong hindi. Naligo nalang ako at ipinahiram ako ni Tita ng lumang damit nya na kahit medyo malaki parin sakin ay pinagtyagaan ko na.
"Ang cute mo sa damit na yan babe." Pang-aasar nya sakin, paano ba naman kasi, anlaki ng damit ni Tita, pero atleast naman meron diba kesa naman mag bra lang ako sa daan.
"Tara na nga, ma-late pa tayo eh."
Nagpaalam na kami ng Tita at natuwa pa si Edward dahil dinagdagan daw yung baon nya para sakin at ihatid nya pa daw ako pauuwi. Hanggang ngayon ay di ko parin sya nakakausap tungkol sa kung bakit sya nagdadrama kagabi pero feeling ko dinadaan nya lang sa mga jokes nya para di namin mapag-usapan.
"Babe, may assignment ba tayo?"
"Meron eh, kaso wala nga yung bag ko, hayaan mo na."
"Babe, ano yung kagabi?" tanong ko yung bumasag ng katahimikan naming dalawa habang naglalakad, ni hindi na sya nakasabay sa kanta dahil nakaearphones kami, yung isa lang yung gamit at napahinto pa sya, kaya kinabahan na ko lalo't ilang segundo dun yung ikinatamihik nya.
Hinawakan ko yung kamay nya. "Babe, kung may problema ka andito lang naman ako eh, ano bang purpose ko diba? Alam kong ayaw mo pang sabihin sakin, pero di mo naman kasi dapat isolo lang yan, Andito naman ako tsaka yung mga kaibigan mo."
Napatingin naman sya sakin saka ngumiti, "Ang sweet talaga ng girlfriend kooooo, lika nga!" Saka ginulo-gulo yung buhok ko, ginawa pa naman akong aso.
Andito na kami sa room at hinaantay yung teacher namin ay may pumasok na lalaking matangkad, medyo payat at parang malaki ang problema dahil pang biyernes santo yung mukha nya.
