Gabi nanaman at andito na ang tahimik at malalasap ang malalamig na hangin. Pagtapos kong lipitin ang lahat ng plato at pinaglkainan ay naglinis ako ng bahay, pinalitan ang mga kurtina. nagpunas at hinanda lahat na ng labanan. Pagkatapos ng buong araw kong pagtatrabaho sa bahay ay naligo na ko, habang nasa banyo ay patuloy paring tumatakbo sa isipan ko yung taong nagmessage sa'kin kagabi. I have no idea kung sino talaga sya at ayokong isipin na si Edward yun. After kasi ng message nya na yun ay di na ko nagreply dahil baka napagtripan lang ako kung sino man sya.Ilang oras din ang ginugol ko sa paglilinis lang ng buong bahay at dahil wala si mama at si papa, si ate na nagtatrabaho, at si bunso ay nakipaglaro na agad at ngayo'y tulog na ay nagbasa nalang ako matapos kong gawin ang maraming gawain dito.
Habang nagbabasa ng bago kong biling libro ay ninanamnam ako ang panahong mahangin at dahil nasa backyard ako, mas dama ko ay ihip nito, isang mainit na kape at bango ng bawat pahina ng aklat.
Nasa kalagitnaan na ako ng libro ay di parin nagbabalak na magtext sa'kin si Branch. Oo para akong tanga na kada minuto ay sumusulyap sa cellphone, baka naman kasi busy lang talaga sya ngayon Arie.
Makalipas ang isang minuto, nagvibrate ang ito at dali-dali kong kinuha, nakita ko rin na eleven am na kaya pala medyo ramdam ko na ang init dito. Binuksan ko agad ang mensahe at laking panghihinayang ko na hindi sa kanya galing iyon.
Unknown number.
I need you now.
Me.
Who are you?
Nag-iba na ang aking mood at nawalan na ko ng gana, I don't know if he or she just want to make fun of me or just...uggh. Bakit ba di nalang sya magpakilala!? Ang ganda ganda mood ko dito kahit na medyo naiinis ako dahil antagal magreply ni Branch, lalo pa syang magpapasira ng araw ko.
Unknown number.
Sta. meza bar
And now I'm confused. Di ko alam kung pupunta ba ako o hindi, pero ang mas pinagtataka ko ay bakit parag napaniwala ako nito? It's already 9pm which i decided to go to Sta. meza bar, nagtaxi nalang ako at sinabi yung address. Kinakabahan ako kung sino ang maabutan ko dun,sana nga di nila ako pinagtitripan oi- setup. Shemayy, mas kinakabahan ako pag naiisip ko ang mga ganung bagay!
Nakarating ako sa mismong lugar at sa labas palang ay malalaman mo na pangparty ito dahil sa mga kulay ng ilaw na ngrereplek hanggang labas. Buti nalang at pinapasok ako ng security dahil sa sinabi ko na 18 na ako kahit di pa naman, nang makapasok ako ay sumalubong agad sa'kin ang ingay ng music at masayang pakikisabay ng mga tao. Crowded ang lugar at sa taas nito ay nakita ko ang mga private rooms at mga upuan na pangbabarkada. Ewan ko kung saan ako pupunta at kung ano ba ang pakay ko sa lugar na 'to. Kanina't may umakbay sa akin na lalaki na halatang lasing, mabuti na lamang at nakaiwas ako agad sa kanya.
Napaupo ako sa may counter at may nakita akong katabi ko na halatang lasing na ay humihingi parin ng alak. Napagod ako sa kakahanap sa wala, i think na talaga lang akong tanga para magpunta pa dito. Humingi lang ako ng ice tea at pinapanood ang mga wild party goers dito.
"Ariesa...
Napalingon ako agad nang marinig ang pangalan ko sa kung saan. Akala ko ay para bang nababaliw ako dito ay mas pinagmasdan ko ang katabi ko.
Habang pinagmamasadan siya ay nakita ko ang pag-angat ng kanyang ulo at nakita ko ang tayo at medyo magulo nyang buhok. Perfection ng mukha nya at...at ang mga malulungkot nyang mata.
"JESUS! Edward, anong ginagawa mo dito!?" Gulat kong sabi sa kanya.
Nagkasalubong ang aming mga mata at agaran syang umiwas ng tingin. Bigla syang tumayo ngunit pinigilan ko sya gamit ang mga kamay ko. Nakadikit lamang ang mga mata nya sa kamay kong nakadapo sa braso ko.
