Nagmamadali akong umuwi matapos na matapos ang bell sa school namin, sakto na rin kas na aalis daw si Edward at sasamahan si Tita dahil may pupuntahan sila, natext ko narin si Janine, na pumunta nalang siya sa bahay dahil alam kong namiss nya narin si papa."Magandang tanghali po ma,"
"Kaawaan ka." Umakyat na ko matapos magmano kay mama, buti nalang naabutan ko agad si papa sa daan.
"Pa!" Napasigaw ako nang makita ko sya bigla, bakit ba kasi gustong-gusto ko malaman ang kung bakit sila magkakilala ni papa?
"Oh? anong problema?"
"Bakit mo kilala si Branch!?" At nakwento na nga sakin ni papa, matagal na pala sila dyan sa kabilang bahay, sa kabilang bahay ah? kaya nga nagtataka ako na baka sya din yung lalaking akala mo pinaglihi sa sama ng loob. At napalipat sya ng daddy nya sa Hemmington high.
Alas nuebe na ay di parin ako makatulog, magkatext kami ngayon ni Janine dahil pinatulog ko ng maaga si Edward dahil pagod na daw sya.
Bestfriend.
Malay mo nga sya yung nasa kabilang bahay, hahaha.
Loko-loko talaga yang babaeng yan, gusto pa nga nyang pumunta dito kasi gabi na, andito nga ako ngayon sa may bintana na baka sakaling andyan sya, pero para atang nag-aantay lang ako sa wala, Natapos ko na lahat ng assignments ko at natatamad na naman akong magbasa, kaya eto ako, kinuha ang gitara ko at sinimulan ang pagtutog.
Ngunit nagulat ako nang may magbukas ng kurtina sa kabilang bintana na dahilan ng paghinto ko sa pagtugtog, ayun na sana eh, kakanta na ko.
Mas nakita ko ang liwanag at mga gamit sa kabilang bintana kahit na yung nasa bintana lang nakikita ko, Nakita ko yung towel na nakasabit at mukhang malinis ang kwarto ah. Teka , Diba pader lang nakikita ko?
Nagulat ako nang makita ko sya na may kausap sa telepono, kaya agad kong kinuha yung bond paper ko sa bag at pentel. Nagsulat ako at itinaas na baka sakali makita nya.
BRANCH?
Mabuti nalang at nakita nya yung sulat. Pero bakit bigla syang umalis? Ano ba yan, ang snob talaga nya masyado. Pero makalipas ang ilang minuto ay may pinakita rin syang papel.
Nakita mo na, tinatanong mo pa.
Nakita ko yung sulat na itinaas nya at umirap pa, matapos ang sampung minuto, ganoon ba katagal halukayin yung papel at pentel pen? At bakit pati sa sulat eh ang sungit nya, meron kaya sya? dejoke.
Sorry na, thank you nga pala sa pagdala ng bag ko kanina.
Sulat ko at nakita nya, pag ngumiti kaya sya mas gugwapo sya o mas kakatakutan? Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko!?
Yeah.
Bakit ang tipid tipid nya magsalita, hayyyst. Umalis sya at feeling ko di na sya babalik, hanubayan! ilalakad ko pa nga si Janine sa kanya eh. Parang ang hirap naman ata nito.
Kinabukasan ay sinabi sakin ni Edward na may sakit daw si Tita kaya di muna sya makakapasok, kaya pati ako nag-aalala na sa kanya. Balak ko nang pumunta pagtapos ng klase eh. Nang dumating ako sa room ay agad naman akong inulan ni Janine ng mga tanong, at sinabi ko na walang nangyari dahil sa dakilang snobber sya.
"Dapat dinaldal mo pa!" Naiiritang sabi ni Janine sakin.
"Baliw, magsasayang ako ng bond paper para sa kanya? maraming masasayang na puno noh! bakit kaya ikaw nalang kaya ang pumunta ng bahay."