Mas naging busy kami sa school. Tutal malapit na naman matapos ang marso ay mas naging tambak ang mga gawain namin. Ni hindi na nga ako niyaya ni Janine mag mall, kung magyayaya man siya ay mag bibilhin lang syang mga materyales o importanteng bagay. Naging normal na'rin ang magpasok ni Branch matapos ang tatlong araw na business trip nila ni Brent kaya mas maraming oras na nagiging magkasama kami.
Naglalakad ako sa hallway galing sa library. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan ko na bumili ng pwedeng makain nang biglang magtext sa'kin si Janine.
Bestfriend.
Arieee nahiram mo na? Peste yung google, ayaw ako pakisamahan.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Halata sa kanya na talagang nagpupursige siya dahil sinasabi niya na gusto nyang maging pantay sila ni Brent matapos ang ilang taon.
Ako.
Opo. Bibili lang ako ng pagkain natin wait.
Nang malapit na ko doon ay sinilip ko ang librong hawak ko. Diretso parin ang lakad ko nang may humila sakin na para akong hunigop mula sa vacuum at napunta kami sa likod ng building.
Puro bato at tahimik ang lugar. Ngunit isa lang ang natatandaan ko dito.
Ang huling nakita ko si Edward na may kahalikan dito at nakikita ko siya ngayon. Sa harap ko. Napasandal ako sa pader at bumabalik sakin yung mga alaalang may muntik nang magawa siya sa akin noon pero ngayo di ko halos maigalaw ang kaatawan ko. Nakatitig lang ako sa kanya, pinagmamasdan ko ang mga mata nyang mapungay at may halong lungkot, napansin ko rin ang eyebags nya at parang nangayayat siya. Nagyon ko lang napagtanto na matagal ko na pala siya di nakikita, ilang linggo syang di ko nakikita at bakit di ko man lang hinanap ang kahit anino niya?
Matindi ang hawak ko sa libro tsaka ang biscuit at bottled juice. Hawak niya nag braso ko at di pinakawalan iyon. Bigla niya kaong niyakap.
"babe."
Hindi ko malaman kung manhid ba ako o sadyang wala lang talaga ako maramdaman. Teka, parehas lang ata yun? Unti unti kong nararamdaman ang pagkabasa sa may bandang likuran ko. Wala akong naririnig na hikbi mula sa kanya.
"E-Edward... "
sa wakas ay may gawang bumuka at magsalita ng bibig ko. Hindi ko namamalayan ang oras, ang tagal nang pagkakayakap niya sa akin. Kumalas iya rito at pinunasan niya ang sipon niya. Naka itim syang hoodie at maong. Di ko kayang sabihin kung ano ang nasa mukha niya ngunit napansin kong mas lumaki ang katawan niya at humaba na ang buhok niya.
"Arie, kailangan mong makinig sa akin dahil importante 'tong sasabihin ko."
Hawak niya ang magkabilang balikat ko at nakatungin lang sya sa mga mata ko.
"Anong sinasabi mo? Stop playing games, Edward."
Pinanlitian nya ako ng mata. Napabitaw siay sa akin at pawang naghahanap ng paraan para masabi sakin ang nasa sa kanya.
"Arie, please makinig ka. Nawala ako ng ilang linggo dahil sa inimbetisgahan ko si Branch at ang koneksyon niya sa inyo."
Ngayon ako naman ang kumunot ang noo. Hindi ko siya maintindihan. Di ko ma'gets kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Hell, Edward. Kung ano man yang gagawin o gusto mong sabihin please tama na, di ka pa ba napapagod sa lahat? Hindi pa ba sapat lahat ng nagawa mo? Akala ko okay na pero Edward ano nanaman 'to!?"