four

11 1 0
                                    



Pumasok akong namamaga ang mata sa klase, lahat sila tinatanong ako kung anong nangyari sakin, kaya ang sinasabi ko lang ay nakagat lang ng ipis yung mga mata ko.

Di ko na din inintindi yung lalaki kagabi, Akala mo ay lolo na ang tanging gusto ay katahimikan. At sya lang naman yung tanging 'tsss' lang ang narinig ko bago mamatay yung ilaw sa kwarto nya. Nakakaasar lang talaga sya.

Me.

Goodmorning babe, nasa school ka na?

Mga ilang minuto din ang inintay ko para magreply, nag-aantay kasi ako kung sasabay ba kami o hindi.

Babe.

Nasa school na babe. sorry may assign. pa kong gagawin.

Bigla naman akong nalungkot sa text nya, pero nireplayan ko parin na okay lang basta text nya ako. Nung isang araw kasi wala din sya, at may sakit daw.

Simula kaninang umaga, walang pumapansin sakin dito sa bahay, Si mama, siguro wala. Si ate naman may pasok. mamaya pa kasi ang pasok ni Sancho kaya tulog pa sya, habang papasok na ko sa school. Kaya nga sana andito nalang si papa, dahil sya lang talaga ang naging kasangga ko at aaminin ko na daddy's girl ako, kaya nga sobrang miss ko na sya.

"Oy babae!" Biglang sigaw sakin ni Janine habang papunta na ko ng room.

"Oh?"

"Senti mode ka nanaman! Halika na nga! Sa lab pa naman tayo ngayon."

Nang nagpapasukan na yung mga kaklase ko sa laboratory ay patuloy ko paring hinahanap si Edward, sabi nya nasa school na sya pero di ko pa sya nakikita, saan naman kaya nagsususuot yun?

"Okay get ready with your materials, we will start our activity 8 for today."

"ano ba yan activity nanaman!"

"Banas! wala na bang iba!"

"Activity Lordsxxz amputa."

Natatawa na lang talaga ako sa mga sinasabi nila habang yung iba ay nagsusulat na sa manila paper. Ganyan kasi yan lagi si ma'am araw-araw activity tapos test. Banas!

"Asan si Collins? Nung isang araw pa wala ah!"

Nagulat ako sa nang tinanong ni ma'am yung kung asan si Edward, dahil kahit ako di alam kung nasaan sya. Kaya naisipan ko nang i-text sya.

Me.

Babe, nagkaklase na si ma'am science, asan ka na? Kahapon pa ako nagttext, nag-aalala na ko.

Send. Tinanong nila ako kung nasaan ni Edward, dahil sa tingin ko wala naman talaga sya, sinabi ko nalang na absent sya at masama ang pakiramdam. Habang pinaglalaruan yung cellphone ko, bigla itong nagvibrate.

Ate bestfriend.

Dumating na daw si papa sabi ni mama. Uwi ka nang maaga, ieexcuse ko na si Sancho para maka-pagfamily day naman daw tayo :)

Nagulat ako sa text ni Ate sakin, nawala na tuloy ang concentration ko sa ginagawa namin at parang gusto ko nang tumakbo pa uwi ng bahay.

Natapos na ang activity namin at math na ngayon, Nag-aalala talaga ako kay Edward dahil hanggang hanggayon wala parin syang reply sakin, ilang text na ang sinend ko pero wala paring reply, sinusubukan ko rin i-text si tita pero sabi nya pumasok daw.

"Biyernes santo nalang lagi mukha mo!" Simangot sakin ni Janine, natapos na ang apat na subject pero wala parin sya.

"Bae, sabi sakin ni Edward papasok sya."

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon