eighteen

10 0 0
                                        



Maagang umalis ng bahay si Janine dahil sa maaga daw ang ensayo nila para sa darating na la recherche pour vous. Kahit daw kasi na matagal-tagal pa ang palabas ay kinakailangan nang paghandaan dahil hawak daw nito ang magagaling na stage performers at maraming manonood.

Branch.

Goodmorning.

Me.

Goodmorning :)

Sabado ngayon at nakakaboring sa bahay. 11am na nang natatungo lang ako sa bintana dahil sa tinatamad pa akong bumaba at kumain. Nakakapagod din ang isang linggo halos wala ka nang pahinga, at ngayon ay napakasarap matulog ng 10 hours at higit pa.

"Ate...ate..." Tawag ng kapatid kong kumakatok sa pintuan.

"Mamaya na si ate baby. Pakisabi nalang ah? Love you." Paalam ko.

Nangingibabaw ang mga kantang malakas nang tugtog sa aking kwarto habang nakatulala lang ako sa bintana. nagbihis muna ako at muling humiga sa puti kong kama, maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at tiningnan ito.

Branch.

Hey, may sasabihin ako.

Nireplayan ko sya nang 'ano yun?' dahil sa nako-curious ako. Wala syang sinagot sakin Ilkaya't di nangtagal ay kimuha ko ng laptop ko at nagsimulang manood ng movie. Una kong pinanood ang a walk to remember, kahit napanood ko na sya ay inulit ko parin dahil sa sobrang nagagandahan ako sa storya. Sinunod ko pa ang ilang movies na nasa folder ko, sumilip ako sa cellphone ko at nasilayang tanghali na pala at natagalan ako sa pagstay sa kwarto. Nakita ko rin ang reply ni Branch na tinagal ng 5 minuto. Tagal noh?

Branch.

Slr. btw, Be ready. ;)

Wala akong ideya kung ano nanaman ang pinaplano ng mokong na yun, late ko na nabasa ang text nya, at sana replayan nya ako agad. Kita naman kasing ito lang ang pahinga ko, hayyy.

Me.

Slr. What do you mean?

Habang nililigpit ang lahat ng kalat sa kwarto ay naramdaman ko ang mabilis na pagvibrate ng cellphone ko. Ambilis naman ata nya magreply, nakakapanibago.

Branch.

Just be ready. Don't worry.

Di ko sya maintindihan kung ano ba ang ibig nyang sabihin o kung ano ba ang pinaplano nya. Well, sabi nya naman na sya na ang bahala...sa tagal ko sa kwarto ay napagdesisyunan kong bumaba at kumain na. Tumambad sa akin si Ate na babad na babad sa cellphone si papa na parang hahalikan na ang computer, at si bunso na takbo lang ng takbo sa bahay.

"Buti naman at bumaba ka na."

"Kain ka na anak." sabi naman sakin ni papa.

Hinayaan ko lang sila sa mga ginagawa nila at dumiretrso na sa mesa at kumuha ng cereals. Napansin ko sin na tirik na tirik ang araw kaya namn ay nagbababad sila dito sa loob ng bahay. Bawat subo ko sa bibig ko ay pinagmamasdan ako ni Sancho na kinairita ko at nang sumunod ay tinaasan ko sya ng kilay.

"Ate, you look panget." komento nya sa'kin. At narinig ko ang pagpipilit ng tawa ni ate.

"Ewan ko sayo! Nasa bahay lang naman ako."

"Maligo ka na dun Arie. May pupuntahan ka ba diba?" Sabi ni mama mula sa kusina.

"H-huh? Bakit? Huh?" Gulat kong tanong at nakatayo pa.

"Ate, dadating si kuya Branch dito."

Bago pa ako makapagreact ay biglang nakanakaw ng atensyon ang tunog ng doorbell. Kumakain parin ako dito at nang buksan ni ate ang pinto ay tumambad sakin ang Branch na nakaporma na naka-long sleeves na nakatupi hanggang siko at binigyan ako nang kakaibang mga titig.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon