"Yes, Mrs. De Herrera thank you."
Di ko maalis ang tingin ko kay mama. Nacurious tuloy ako lalo kung ano ang pinag-usapan nila, nakabukas ng kaunti ang pinto sa kwarto nila ni papa kaya naman nasisilip kung anong ginagawa niya. Nakita kong mahigpit ang hawak niya sa cellphone at para bang malungkot na humugot pa nang malalim na hininga. Bahagya syang tumngin sa pinto na kinagulat ko, napaatras ako di alam kung nakita na ba nya ako o hindi. Naririnig ko at bawat hakbang nya at biglang bumukas ang pinto.
"A-anak! kanina...kanina ka pa?" Bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala.
"Di naman po ma, okay lang po ba kayo?"
Humawak sy sa balikat at para bang anbilis ng tibok ng puso niya, yumuko sya at nag-antay pa nang ilag saglit bago ako sagutin.
"Oo naman anak, o-okay lang ako...Akala ko ba aalis kayo? magbilis ka na, bababa lang ako at kailangan ko nang tubig."
Bumaba na si mama at naiwan akong kumunot ang noo. I really felt there's something wrong with that caller. Paglakad ko papunta sa kwarto ay agad namang lumabas ni Janine na nakaporma na. Nakita ko sa kanya ang cropped top na pang-itaas, shorts at sapatos.
"Woy!" pasigaw kong sabi nang makita sya. Grabe naman kasi, papasok palang ako tapos nakita ko sya agad. Napahawak ako sa dibdib ko at naghabol ng hininga.
"Ohmy! nagulat ako sayo! Saan ka ba galing Arie? Magbilis ka na." Tumangon na lamang ako at dumiretso na sa kwarto.
Pati pagpili ko ng damit ay di ko na nagampanan. Patuloy parin ang pag-iisip ko kay mama. hayy, nagsisimumula nanaman ang pagiging paranoid ko. Nagpatugtog na lamang ako ng isang gustong-gusto kong Jadine song at nagsimula nang magbihis.
Inabot lang ako ng trenta minutos sa pagbibihis dahil sa di ko trip na mag-ayos ng bongga ngayon. Black shorts lang at white v-neck ang suot ko, naghanda rin ako ng sling bag at dahil sa malapit lang sa bahay ang mall na pupuntahan namin ay naisipan kong mag-tsinelas na lang.
Pagkababa ko ay nakita ko si mama na nagwawalis, at akmang ako nalang ang hinihintay ni ate at Janine na nagdadaldalan.
"Yan na outfit mo?" Nakapagtatakang tanong ni ate.
"Magmo-mall tayo Arie."
"Ano ba kayo! wala lang akong maisip na suotin! Tsaka maganda naman ah! tara na nga!" umirap lang ako nagdiretso na palabas ng bahay, nagpaalam pa muna sina ate bago lumabas. Sinaksak ko agad ang earphones sa tenga ko at nagpatugtog ng malakas.
"Beastmode ka ba ngayon? kakain tayoooo..." paglalambing sakin ni ate at ningitian ko.
"Haha. Di no! Tara na nga. Marami tayong gagawin"
Narito kami sa isang stall ng mga damit. Kanina pa kami nagtatawanan dahil sa pinagtitripan nila ang bawat dumadaan sa mall, ni wala pa kaming nabibili dahil sa mga pinaggagawa namin. Pati isang sales clerk ng blue magic, napagtripan sa mga pinagsasasabi nila.
"Uy bagay ba 'to sakin tignan nyo nga." sabi ni ate.
"Mas bagay yung blue." komento ko.
Habang tumitingin kami ng mga damit ay bigla akong kinalabit ni Janine.
"Uy uy tignan nyo yung nagjowa oh!"
"Walang forever!" sigaw ni ate na may halong ka-bitteran.
"Ate Alex!" bulyaw ko.
"why? haha"
Ilang damit, sapatos ay kung anu-anong palamuti sa katawan ang nabili namin, nagyaya akong dumaan kami sa national o sa booksale pero pinigilan nila ako ahil sa mauubos ko nanaman daw ang pera ko sa pagbili ng libro.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanila habang sila ay nagtatawanan parin at ako'y tahimik sa isang tabi.
"5 in the afternoon? Tara kain na tayo." yaya ni Janine.
Naisipan namin kumain sa Max nang pigilan kami ni Ate.
"Teka...wait, putaragis kanina ko pa sya di binibigyang pansin pero walangya! sinusundan nya talaga tayo e." paglit na sabi ni ate at nag-ekis pa ang mga kamay.
"Sino ba ate?"
"Sino pa ba!? edi yung magaling mong ex! Ayan oh nakapila." turo pa ng nguso na. Likod nya palang alam ko nang sya yun, naka hoodie sya na dark blue at dark pants.
"Parang di ko namna siya napansin kanina." mahinahong sabi ko.
"O baka naman andito lang din siya, coincidence?" sabi naman ni Janine.
"Hindi ano ba kayo! Nasa Forever 21 palang tayo, nakita ko na yan. Napansin ko siya sa labas palang kanina dahil sa Lexus nyang sasakyan."
8pm na kami nakauwi dahil sa hinatid mun namin si Janine at ginera pa kami ng Tita Honey. Mabait naman si Tita, pinaliwanag lang namin na natulog nga siya sa bahay gaya nga ng nangyari at namasyal pa kami. Inaayos ko na ang mga pinamili namin sa aking kwarto at naramdamang kinakailangan ko nanamang maglinis bukas dahil maalikabok na ang lagyanan ko nang sapatos. Di na kami natuloy sa pagkain sa Max kung kaya't nag Shakey's nalang kami at doon na kumain. Di ko na rin binigyang pansin si Edward, patuloy kong tinatatak sa isip ko na baka nagkaton lang na sa bawat pupuntahan namin ay nakikita 'daw' siya ni ate at coincidence lang lahat.
"Ariesa?" tawag ni ate mula sa pinto.
"Pasok ate." sabi ko at pinagpatuloy ang pag-aayos.
Umupo sya sa kama ko at parang may gustong sabihin. Pagkasara ko nang pinto ay tinabihan ko sya.
"May problema ba ate?" umpisa ko sa nakakabinging katahimikan.
"Arie, wala na nama diba?"
Naguluhan ako sa tanong niya. Anong wala na? siguro kung iniisip nya ay yung sa kay Edward na nangyari kanina ay kahit may pakialam ko ay pinipilit kong iwasan ang nangyari dahil ayokong humantong nanaman sa gulo.
"Tungkol ba 'to kay Ed ate?" at tumango siya.
"Ate, wala na yun. matagal na nang wala yun. Diba sabi ko naman sayo na magkaibigan nalang kami? Tsaka ate, malay natin sdyang andun lang sya that time. Wag tayong magconclude ng mga bagay na di naman tayo sigurado."
Monday nanaman at ito ang pinakaayaw kong araw. Kung saan babangon ka nanaman ng maaga at ihahanda ang sarili pagpasok. Nagkalinawan na kami ni ate at tinuloy kung kalimutan si Mrs. De Herrera na baka pag di nagtagal ay ipaimbestigahan ko na. Kahapon ay nagbasa lang ako ng panibagong libro dahil sa marami ding ginagawa si Branch ay di ko na siya inistorbo.
"Ate susunduin tayo ni Kuya Branch?" tanong sakin ni Sancho habang nagsusuot ng medyas.
"Yep. papunta na raw ang kuya mo."
Inayos ko na ang bag namin at humalik muna kina mama at papa bago lumabas. Buti nalang ay nakita ko si papa ngayon dahil sa ilang araw din kaming di nagkasama. Kung sa umaga naman kasi ay maaga syang umaalis, sa gabi naman ay late naman at uuwi siya madalas ay tulog na ko.
Bumusina sa harap namin ang BMW nya at sinalubong kami ni Sancho, bumati at kunin ang mga gamit. Pumasok na si bunso sa likod at pinagbuksan niya ako ng pinto at ningitan ako. Nakita kong parang masaya ang gising nya ngayong umaga, bago ako pumasok ay hinalikan ko sya sa pisngi at nag-goodmorning. Nagulat sya at nakita kong nagmura bago pumasok.
