forty

9 0 0
                                    



Mabuti na lang at di na masyadong pinansin ng iilan ang agaw eksena ko sa klase. Sabay kaming tumatambay ngayon ni Janine sa isang bench, aniya ay wala daw si Brent at may inaaasikaso. Nabanggit din kanina si Branch sa'kin na pupuntahan niya muna ito, kaya tingin ko ay may seryoso silang gagawin dahil sa pagmamadali nito kanina.

Bumaling ang atensyon ko kay Janine na kumakain ng ensaymada. "Arie, nasa mars nanaman kaluluwa mo."

"Sorry, di ko lang talaga maiiwasang mag-alala." Yumuko ako.

"Sino ba? Ako? Okay na naman a. Talo mo pa si Mama." Nakitawa nalang ako sa kanya. Siguro nga'y ganun. Oo nga pala't walang alam sina Tita sa nangyari at aantayin nalang siguro na matapos ng tuluyan ang problema at kalimutan nalang. Ganun nalang ba kadali 'yun?

"Kumain ka nga, nangangayayat ka na o." Inabot nya sakin ang isang baunan at tubig. Nagsimula na kong kumain. Hindi ko malaman kung ano nanaman ang bumubulabog sa akin. Si Branch? Na pinuyat ako kagabi? Ka-weirudan na nagaganap sa bahay? Si Janine? O ang sarili ko mismo? Di ko nalang iisipin pa ang mga 'to.

Dumating na ang hapon at ni anino ni Branch di ko nasilayan. Magkasama kami ni Janine ngayon at nanggaling pa kami sa library para manghiram ng mga libro.

"Susunduin ka ba ni Branch ngayon? Anong sabi?" Aniya.

"Wala. Di ko na nga alam ang nangyari doon e." Sagot ko at bigla nya naman akong binatukan.

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit ngunit tinarayan pa ako. "Girlfriend ka talaga e no? May cellphone ka naman. Try mo kaya mag text?" sarkastiko niyang sabi sa akin. Napakamot lang ako sa buhok ko saka kuha ng cellphone sa bulsa ko.

Me.

Branch? Malapit na mag-6. Asan ka?

Di ko maintindihan ang sarili ko sa text ko. Para akong girlfriend na ayaw mawala sa tabi ni Branch. Sinabi ko kay Janine na nakatext na ako at sabi niya na sisiguradin niya munang makakauwi ako sa bahay. Okay lang naman sa'kin kung uuwi ako nang mag-isa, gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Branch ngayon.

Halos tatlong pu't minutong pag-upo namin ay isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap namin nang bumukas ang bintana ng passenger seat at mukha ni Brent ang nakita ko.

"Girls, let's go." Sigaw nito sa'min.

Hinatak ako ni Janine kaya binitbit ko bigla ang bag ko. Pumwesto agad kami sa likod ng sasakyan at nakita kong tinititigan lang ako ni Branch mula sa salamin sa kanyang sasakyan habang si J naman ay tinali ang kanyang buhok.

"Ano nang nagyari sa inyo? Nag-aalala kami dito o!" Sabi ni Janine nang matapos niyang itali ang kanyang buhok, yumuko lang ako dahil sa wala akong masabi. Epekto ata 'to ng red days ko, jusko.

"Sorry girls, we just want to clear this mess." Aniya.

"And I guess, my girlfriend too worried about me." Napatingin ako sa salamin at nakita ko siyang nakangisi sa akin. Ngumiti nalang ako pabalik.

"Paanong hindi yan mag-aalala? first subject lang ang pinasukan mo and the rest di ka na nagparamdam." 

Biglang inabutan ni Brent ng french fries at sundae si Janine at nagmistulang puso ang mga mata niya. Niyakap niya mula sa likod kasama ng inuuupuan ito ni Brent. Natawa lamang siya.

"Ah... e... Saan ba kayo nagpunta? Okay na ba yung sinasabi niyong gulo?" Singit ko.

"Not yet. We're full of meetings and a lot of works to do. Kailangan naming ayusin ang kalokohang ginawa ni dad. Tomorrow morning we booked a flight to hongkong for a conferrence. Sobra siyang nakakapagod pero kailangan." Sabi ni Brent at sumubo ng fries mula sa kamay ni Janine ngunit nilayo niya bigla. Nakakatawa ng itsura ni Brent na nakaawang ang bibig.

"What? Tomorrow morning? Bakit napaka biglaan naman?" Sunod sunod na tanong ni Janine. Halos sila nalang ang nag-uusap ni Brent kaya sinusubukan ko nalang na intindihin nag sitwasyon, kahit di rin naman ako sang-ayon.

"But we have to." Ani Branch.

"Kailangan e. Kung hindi namin 'to gagawin hindi namin kayo makakasama." May punto ang sinabi niya. Alam kong kailangan nila gawin nila 'to di lang sa pamilya nila kundi sa amin na din. Masyadong mataas ata pero siguro ganun na nga. Wala nalang kaming gagawin kundi intindihin at suportahan sila. 

Medyo inabot kami ng traffic pero nakarating din kami kina Janine. Pinagbuksan pa ng pinto ito ni Brent at sinabi narin na kakausapin daw niya sina Tita at baka doon na kumain ng hapunan. 

Nalipat ako sa passenger seat at pumunta na nag bahay. Nililingon ako ni Branch pero tahimik parin ako at di ko alam kung bakit.

"Hey." basag niya sa'ming nakakabinging katahimikan.

Tahimik parin ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagpasok namin ay maganda ang bati sa kanya ng lahat at niyaya pang maglaro ni Sancho pero pinigilan sila ni mama para makakain na. Sinabi ko rin na manatili muna siya dito dahil alam kong pagod siya.

"Kamusta na pala yung company nyo Branch? Yung daddy mo?" Tanong ni papa nang makaupo na siya, tama lang ang tono ng boses niya kaya wala na rin akong ikinakaba.

"Eveythings settled , sir. I think this situation will going to end sooner or later with the help of my brother." pormal na pormal ang pagkasabi niya na parang isang kasosyo niya ni papa. Nanibago ako roon.

"Well, good. That's a good news." Ani papa.

Tumango si Branch at nagsalita pagkatapos lunukin ang kinain. "Thanks, sir."

Napahinto si papa sa pagsalin ng kanin sa kaniyang pinggan. Nakita ko ang pagkurba ng kanyang labi ngunit parang may mali sa kanyang mga mata. Ayokong pansinin lahat dahil baka kung nao ano nanaman ang papasok sa utak ko.

"Call me dad." 


Habang magandang tugtog ang bumabalot sa kwarto ko ay kanina ko pa napapansin na kanina lang nakatingin si Branch sa ginagawa kong pag-aayos ng gamit ko at nakangiting aso lang siya. 

Lumapit ako sa kanya, nilapat ang lebel niya at tinaas niya ang kanyang kilay nang di parin napapawi ang mga ngiti. "Hoy, bakit ka nakangiti dyan?" masungit kong tanong.

Pumalumbaba sya na lalong nagpahirap sa pagtayo ko. "May dalaw ka nanaman ba?"

Nanlaki ang mata ko at hinampas ko agada ng braso niya. "Gago ka rin e no?" 

"I just can't believe it! Hindi ka ba natutuwa? Nakakalunkot na lagi mo nalag ako sinusungitan." Nagpout sya sa harap ko. 

Binato ko siya ng dictionary na hawak ko. "Natutuwa ako, yes. Pero di ako natutuwa dyan sa mga ngitian mo sa'kin. Kung gusto mo, kay papa mo gawin yan." sabi ko saka umupo sa kama.

"Edi inisip naman noon na may gusto ako sa kanya?" Ako ang natatawa sa sinabi niya.


Nakakatitig lang ako sa mamo niyang mukha. Yung liwanag na galing sa labas na nagbibigay ng kintab sa kanyang kutis at maninipis na labi. Sa ilang buwan naming pagsasama, ngayon ko palang siya natitigigan ng ganito kalapit at ganito katagal. Di na nga ako magattaka kung bakit marami ang nahuhumaling sa kanya.

"How is it?" nagulat ako nang magsalita siya.

"A-Ano? ang gulo ng buhok mo sabi ko. Maligo ka na, may flight pa kayo ngayon diba?" Sinubukan kung umalis pero dinaganan niya agad ako ng paa niya at hinila ang braso ko. 

"Mamaya pa 'yun..." Naamoy ko ang pabango niya na kumakalat sa kama ako. Damn.

"Mabigat ako." reklamo ko.

"Hindi ka mabigat. Can we just stay like this for a while, love?"



Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon