Agad kong tinawagan si Branch at nagmadali kaming pumunta sa binigay na address ni Brent."Baka may world war III na dun, dalian natin."
"Calm down okay?" ani Branch.
Tell me how!? Just tell me how to fucking calm down!? My sister and my one and oly bestfriend are in there, at mahalaga sila sa'kin kaya ayokong kahit isa sa kanila ay masaktan.
Habang nasa daan ay di maalis sakin ang panay tingin sa relo ko, at di mapakali sa pwesto. Nararamdamn ko na rin ang pagkairita ni Branch dahil sa traffic samahan pa ng matinding init.
"Ughh..." ani Branch at hinagod ang humahaba na nyang buhok. Deeeeym.
Di ko na iyon binigayn ng atensyon pa at baka kung ano pa ang pumasok sa isip ko. Bakit ba kasi ang layo sa school kung saan ang meeting place ng tatlo. Nang makarating kami sa resto na binigay ni Brent ay nang makapasok kami ay hinanap agad namin sila, nakita ni Branch na nasa labas silang tatlo ngunit nakaulo lang.
"Akala ko may gera na..." sabi ko nang makarating kami sa table nila.
"Holy shiz." Ani Brent at nilapitan si Branch.
Nagfist bumps ang dalawa at biglang nag-usap at lumayo. Tumabi ako kina ate kasabay ng agaw ko sa inumin nya. Tinignan nya ako ng masama at ningitian ko nalang sya.
"Okay na ba kayo ate? J?" tanong ko.
Bumuntong hininga si Janine at bumaling sa'kin. "Nag-abala pa kayo, bae. Okay na naman."
"Sigurado ba yan?"
"Okay na naman kami Arie, wala ka nang dapat ipag-alala. Isa pa, ako naman yung nag-umpisa nito kaya tama lang na ako rin ang tumapos."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate. "Thank God! Wala nang problema." with matching palakpak pa.
"Naging childish rin kasi ako, Arie, thank you ah? Ate Alex, sorry ulit." Tumayo si Janine at nagyakapan sila ni Ate. Ayaw mawala ng mga ngiti sa labi ko.
Nang makauwi kami ay tambak nanaman ang gagawin ko. Hapon na nang makauwi kami at si ate ay binabantayan na si Sancho. Nagdate naman sina Brent at Janine dahil marami dawng araw na di sila nagkita, kaya naman hinayaan ko na.
Kinuha ko ang ilang notebook at nagsimulang magsulat ng mga panibagong notes. Madalas kasi akong tamarin sa school at pinipicturan ko lang yung mga dapat isulata kaya natatambakan talaga ako ng mga gawain.
Sa kasagsagan nito, ay nakatanggap ako ng isang message.
Bestfriend.
Yay! Thank you bae! mwah mwah. Okay na lahat :*
Natutuwa ako at naging maayos na sila. Nang makita ko sa orasan ay alas dyes na nang gabi at nakaramdam ako ng gutom.
Bumaba ako at nanlumo nang puro tubig lang ang laman ng ref, napamura pa ako ng walang kahit na anong makakain kundi yung iluluto pa. Wala na naman si papa at umalis uli at tulog na silang lahat.
Naisipan kong bumili na lamang sa isang malapit na convience store. kakaunti lang ang customer at yung iba ay kumakain. Kumuha ako ng mogu-mogu na malaki at pic-A. Bakit ba di pa ako inaantok? Nakapajama pa ako at hoodie nang bumili.
Nang pumila na ko at babayaran ang mga binili ko ay nakarinig ako ng highikan, may taong pumasok.
"Dalian mo na babe..." ani ng babae at nararamdaman kong nasa likod ko na siya.
Naiirita ako sa kalandian nila. At nang matapos na ay agad akong lumingon pero nakita ko si Edward na kasama nanaman yung babaeng nakita ko sa likod ng building. Nanlaki ang mga mata nya.
"A-arie.." aniya at nakita kong lasing na sila lalo na si girl.
"E-ed! uhhm, Nice to see you! Enjoy na the night." nauutal kong sabi at tumakbo na pauwi.
Shit lang talaga.
Di ako makatulog. Di ako makatulog! Bakit di ako makatulog!? Tumingin ako sa cellphone ko at 2am na pero kahit anong paikot-ikot ang gawin ko sa kama ay di parin ako makatulog.
'Bakit pa kasi ako lumabas?'
Ginulo ko ang buhok ko ang buhok ko at kinuha ang laptop ko at tinignang muli yung mga photos namin ni Edward na ilang taon na ring andun.
Nang humahanap ako ng magagandang larawan ay may folder pa pala na andun na di ko napansin.
2nd anniv
Nakita ko ang mga litrato kung saan nasa bgc kami at punong-puno ng memories ito.
May picture dito na candid na nagpupunasan kami ng ice cream. So ang lakit namin nun? Napangiti lang ako.
Babe.
Ariesa Tiffany Gray. Happy happy 2nd anniversary! Dalawang taon na tayong magkasama laking pasalamat ko at di ka pa nagsasawa sa kagwapuhan ko. haha. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yan diba? At hindi ako magsasawang araw-araw yan sabihin sayo. Sa dalawang taon na yun, kahit magtalo tayo ay nagpapakababa ka para sa'tin, kaya sobra akong nagpapasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko. Pinakaayoko sa lahat yung nagdadrama sa sulat dahil alam mo namang tamad ako laging magsulat.
Sa totoo lang, madalas akong magselos sa mga fictional character na kinaiinlove-ban mo. Ang baliw ko naman yata pero ganun yung nararamdaman ko. Ang tindi ng pagiging bookworm mo at sa tuwing nakikita kitang pinag-uusapan nyo ng mga kaibigan mo yun, at kitang kita ko sa mata mo na gustong-gusto mo sila. Sorry kung ganito ako ka OA pero ayoko lang maramdaman na di ko napupuno yung saya naiibigay sayo ng mga lalaki sa stories na binabasa mo.
Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at kahit na anong mangyari ay mamahalin parin kita. Ayoko magsalita ng tapos pero, ikaw yung babaeng pinapakasalan. Masyado pang maaga pero handa akong ialay ang sarili ko sayo. Babe mahal na mahal kita at sana di ka magsawa sakin dahil kahit sino at ano pa ang dumating sa akin, Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Happy Anniversary Babe. I love you forever.
Now I hate myself for still thinking about him.
