thirty

5 0 0
                                    


Nang kinaumagahan ay hinatid ako ni Branch papasok. Nang makarating kami ay agad hinagilap ng mga mata ko si Janine, pumunta na rin ako ng canteen at nagbabaka sakaling andun sya. Tinext ko sya kanina ngunit isang reply lang ang natanggapko kundi ang sabi nyang 'parating na ko.'

"Let's go. Baka mamaya makita na natin sya." ani Branch at lumakad na kami papasok sa klase.

Labing limang minuto pa ang inantay ko nang makita ko sya sa pintuan, alam kong siya yun kahit parang hindi siya iyon dahil sa...

"WHAT THE HELL, J!?" sigaw ko na kinagulat ng lahat at pati sya ay napatakip sa kanyang tenga.

"Para namang ngayon mo lang ako nakitang magpagupit na mala-'dora'!" hinapas pa ang braso ko.

Umupo kami ni Janine, at nang sulyapan ko si Branch ay ningitian nya lang ako at binaling uli ang sarili sa hawak niyang libro. Ano kayang meron sa libro? Tanong agad ng isip ko na binalewala ko rin dahil sa kung ano pa ang sumunod na pumasok dyan.

"Akala ko di ka papasok." sabi ko sa kanya.

Sinusuklay niya ang mga daliri niya sa maikli niyang buhok. "Traffic kasi e, tsaka nag-commute lang ako."

"Bakit ka naman nagpagupit?"

"Wala lang, naiinitan narin ako sa buhok ko dati e." Humalakhak siya.

Ramdam ko ang bitterness niya sa nangyari kaya hindi ko na lang muna in-open sa kanya ang tungkol sa gusto ko silang magkaayos ni ate. Halos tatlong subjects na rin ang wala kami dahil sa mayroon daw na meeting sila, pero bakit parang antagal naman. Pero pabor narin naman yun kaya yung iba sa amin ay tulog, naggigitara at kumakanta ang ilan, nakakatutok sa cellphone. Si Branch naman ay nakaharap ang upuan niya sa akin at nasa gilid ko naman si Janine.

"Janine, have you seen my brother, lately?" Biglang tanong nito.

"Aba malay ko, sya nga itong parang walang girlfriend." 

"What happened?" tanong ko.

"Madalas na kasi na wala siya sa bahay, even my mom was worried about him." 

"Di ba may condo sya?" singit ni Janine.

"Yeah, pumupunta ako doon, but there's no signs of him."


Natapos ang klase at sa kasamaang palad ay pinaglinis ako. Pagkatapos ng usapan ay kinumbinsi ko si Janine na kausapin si Brent ngunit ayaw parin niya dahil sya raw ang lumayo. Ang hirap naman talaga pang parehong pride ang pinapairal.

Kapag minamalas ka nga naman at magtatapon ka pa ng basura, ito na lang ang huli kong gagawin at makakuwi narin kami ni Branch, sinigurado ko munang walang tao sa daan dahil sa nahihiya ako sa kanila, nang makahanap ako ng tiempo ay lumabas na ako kasama ng garbage bag at nagpatuloy sa likod ng building.

Nang papalapit ako ng papalapit ay nakakaramdam na ako ng kakaiba, nang makarating ako doon ay halos lumuwa ang mga mata ko at nabitawan ko pa ang hawak ko.

"Ariesa... "

Nanlaki ang mata ko nang makita si Edward na nakabalot ang mga kamay sa isang babae at halatang naghahalikan ang dalawa, di ko maaninang ang mukha nang babae basta ang laking gulat ko ay kung bakit ganun ang ginagawa nya. Nila!?

Tumakbo ako agad sa room, kinuha nag bag ko at tumakbo na palabas ng university, saktong nakita ko na ang kotse ni Branch kaya pumasok ako dito na parang hinahabol pa ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

"Is everything alright?" tanong ni Branch.

Bago ko pa mapagtanto ay naluluha na pala ako, nakahawak ako sa uniporme ko at pakiramdam ako ang nasa posisyon ng babae kanina, niyakap ako ng Branch na parang ayaw nya akong pakawalan.

"I'm here, I'm always be here... "aniya habang hinahaplos ang likod ko.

"Nakita ko siya, Branch. Parang ako..." hinihingal kong sabi.

"Shhh, I love you okay? Forget what everything you saw."


Hinatid niya ako pauwi at pinaalalahanan na kalimutan ko na nag mga nakita ko, at sinunod ko naman sya dahil naisip ko naman na wala na naman kami, kaya pwede na nyang gawin yung mga pwede niyang gawin. Wala pa si ate sa bahay at si papa aynakikipaglaro naman kay bunso.

Hindi na ko kumain at nanatili na lamang sa kwarto ko, panigurado wala si Branch sa kwarto niya dahil nasa offfice sya dumiretso, busy rin naman si Janine at ayoko naman syang bulabugin pa.

Di ako makatulog at pakiramdam ko bawat pagpikit ng aking mga mata ay makikita ko si Edward kung paano ang ginawa niya sa akin noon. Ayokong bahidan ang magandang samahan namin ngayon at gustuhin ko man na kalimutan ang lahat ay parang patuloy parin itong nakakapit sa akin. Wala na naman kami diba kaya bakit ko pa guguluhin? Tsaka ano bang pake ko sa kung sinong babae ang meron sya ngayon at isa pa parehas na naman naming naka-move on.

Kinuha ko ang laptop ko at tinignan ang mga folders hanggang sa makita ko ang...

ExA

Binuksan ko ang folder at nakita ang marami naming litrato na dalawa. Nandito pa yung last year na kumain kami ng chocolate cake nung birthday niya at nagselfie kami na may chocolate pa sa ngipin. Nandito rin yung nasa isang sikat na amusement park kami, mga simpleng selfies, mga pagkain na kasama namin at kung anu-ano pa. Nostalgia was killing me, hindi ko maipagkakaila na sobrang naging masaya ako sa aming dalawa dati, na tama nga naman talaga sila na perfect 'daw' kami, pero talaga nga sigurong walang perfect kaya pati kami, naghihiwalay rin.

Bago pa ako tuluyang maiyak ay binuksan ko ang cellphone ko at nilipat ang mga pictures namin ni Branch para sa panibagong folder, pagkatapos ay magbabasa nalang ako para makatulog.

Kinaumagahan ay ako na mismo ang dumaan kina Branch at niyaya pa ako ni Tita na kumain, nag-aalala na siya dahil sa wala parin si daw si Brent. Di niya alam kung saan to hahanapin dahil pati ang daddy daw nila ay di na rin alam ang gagawin.

"Don't worry tita, kakausapin po namin si Janine para maayos na rin po 'to." 

Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you , iha."


Dalawang araw pa ang nakalipas at nakatanggap ko ng text at maingat kong nilabas ang cellphone ko kahit may klase.

Unknown Number.

I need you help, quick.

Nanliit ang mata ko sa text at nireplayan naman ito.


Who's this?

Mabalis naman syang nagreply.

This is Brent. Janine and Alex are here too. I'll call you to give the address.


Shit.


Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon