"What?" natatawa akong bumaling sa kanya.
He look so worried. Siguro dahil nga umalis ako after 5 years ng wala man lang paalam sa kanya. Pero sa kadahilanang mahirap lapitan ng taong sila mismo ang lumalayo. I'd never blame him for what happened in me, all I want is explanation and I accept it.
And what is he doing here anyway?
"Ariesa, I'm dead serious."
"Kung sya man iyon o hindi. anong magagawa ko? Lumapit sya, di ko siya pipigilan. Wala naman akong utang sa kanya para pagtaguan o matakot man sa kanya." ani ko at hinatak ko na lang sya palabas.
"There's a good restaurant here few blocks away, let's go."
I can see his bothered. But I want him to feel relieved. Ayokong pag-isipan nya ng malalim ito lalo na't parehas kami walang kaalam alam kung may pakay ba sa akin si Branch o wala. I need to throw this away.
"Nakakain ka na 'ba dito?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami.
We still wear our outfits and it's very casual here in NY thats why. It's more like they doesn't even care of what your clothes on or something. Di gaya sa Pilipinas na halos ata ay big deal.
"Not sure. Since malapit lang ito sa inyo ay dapat kasama kita kung kumain man ako dito. Okay let's order."
Di ko na alam ang huling pagkikita namin ni Edward. Parehas din kaming naging abala sa kanya kanya naming mga trabaho kaya naging matagal na bago kami magkita uli. Hindi rin madalas nagkakasundo ang aming mga schedules kaya't mahirap talaga. We talk sometimes in text or chat pero madalang na lang talaga iyon.
"So, how was it going?" pasimula ko.
"As usual. stress." parehas kaming natawa.
I miss him. I miss this. Janine's statement last time just bumped into my mind. Maybe I need to go back. Because after all, that's my real world. Well, mukhang marami ata akong dapat isaalang-alang bago ko gawin iyon.
"Ang daya mo, nakakainis ka." Inirapan ko siya.
"Why?"
"Di mo man lang ako nakukuhang itext o tawagan. Alam mo namang ikaw lang yung pinakamalapit kong mapupuntahan dito. May girlfriend ka na siguro." I crossed my arms.
Nanlaki ang mata niya at pinuwesto niya ang kamay niya sa magkabilang dulo ng mesa.
"Ariesa Tiffany. I dm-ed you how many times in your twitter and instagram! Ang akala ko ay iniiwasan mo ko."
"Damn you. You think kaya ko 'pang mag-update sa aking social media accounts? E halos wala na nga akong tulog."
"This is crazy. Okay next time, pupunta na lang talaga ako dito."
After thirty minutes ay dumating na ang order namin. Wala naman talaga akong masyadong kaibigan dito, at kahit noong nag-aaral ako ay mas pinili kong maging introvert. It's only Bree and Mary ang naging kasama ko hanggang ngayon.
"Edward, I think we have to go back." natigil siya sa pagkain.
"You have to be kidding me."
"Just sayin'. Since wala na namang mabigat na trabaho sa office. Janine just told me that I need a vacation. Taking break. Ikaw?"
"Gusto mo ba talaga?" may laman ang tanong na iyon.
"Hey, magbabakasyon lang naman tayo. Maybe 1 to 2 months? Or lesser. Besides, miss ko na sina ate."
"Okay, we'll see."
After a week, nagkita uli kami ni Edward. He mentioned my suggestion last time na kung sakaling bumalik kami ng Pilipinas and he agreed. Hindi ko alam kung anong nakapagpapayag sa kanya pero masaya ako.
It's almost weeks din na di kami nakapag-usap ni Janine. Syempre dahil sa kanya kanyang mga trabaho and I'm working on our vacation. which scheduled for the month of July.
"Yan lang dala mo?" tanong sa akin ni Edward nang makita nya ako pagpasok sa kotse niya.
"Di ko naman dinala lahat ng gamit ko nung umalis ako tsaka bibili nalang ako."
He's wearing a polo shirt and a khaki, samantalang ako ay naka tshirt at jeans. I guess wala pa rin talagang nagbabago. Nang nasa byahe kami ay kinuha ko na nag passport ni Edward at inayos na pati yung sa akin.
"Sinong kukuha nitong kotse kung kasama kitang aalis?" agad kong tanong sa kanya.
Kaming dalawa lang naman ang magkasama at kung aalis siya sinong kukuha ng kotse ngayo'y sya 'tong nagmamaneho? Natawa lang sya at sinabing may kaibigan syang nagtatrabaho sa mismong paliparan kung saan ito na lang ang mag-uuwi ng sasakyan.
Almost spending 20 hours. Tinext ko agad si Janine na sunduin na kami. Uuwi si Edward kay Tita sa makati at doon muna ako sa condo ni J since walang alam sina mama na uuwi ako.
Habang nag-aabang ay nagulat ako na may sumisigaw na babaeng papunta sa kinaroroonan namin.
"Edwaaaaaaard!" sigaw niya.
Halos masira ang eardrums ko sa sigaw niya. Niyakap nya si Edward ng mahigpit at eto parin akong nakakunot ang noo ko nang makita siya. She's wearing a combination of black and white dress at mahaba na straight pa ang buhok.
"Omg, Ariesa. Ang ganda ganda mo." nagtatatalon siya.
"Uhhm, Ariesa. Vena." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napakamot pa sya ng batok niya at halatang nahihiya. bakit di nya sinabi sa'kin ito? Sila na ba?
"Hi! You look very matured."
"Thank you." she blushed.
"Edward?" nagbabanta kong tawag sa kanya.
"Okay fine! I'll explain. 3 years ago before I studied in New York. I proposed in her... As her boyfriend."
Halos 4 years na sya nanirahan sa NY dahil ang alam ko ay after nyang makagraduate ay may kumuha na agad sa kanya kaya't isang taon din syang nagtrabaho. Mas naging maaga lamang ako ng isang taon sa kanya.
"So for how many years, long distance relationship kayo?"
"Yeah!" masiglang sagot sa'kin ni Vena.
Napatango na lamang nila akong dalawa. How can they take 4 years na puro video cam at messages? Well, love knows no boundaries? Seriously?
nang mga sumunod na minuto ay pumarada na ang mamahaling bmw ni Janine. I can't believe na marunong na siyang magmaneho ng sasakyan. Nauna ng umalis sina Edward kaya naman magkikita na lang siguro kami kung kailan na kami free parehas.
"A, ganyan na ba manamit ang isang owner ng malaking kumpanya?" natatawa niyang tanong.
Inirapan ko lang siya saka sumakay na. Hindi ko parin halos maisip na naging sila nga talaga ni Vena, so two years bago ako umalis ay sila ang naging magkasama? And how Edward proposed to her? I just can't believe he ended up in her.
"Hey Ariesa. I'm going to be Mrs. Reidler soon!"
WHAT THE HELL IS HAPPENING?
