twenty seven

11 0 0
                                    


"How's school?" Tanong ni Brach. Nasa isang coffee shop kami ngayon, dahil sinundo niya ako.

"As usual. Ikaw? Ang ganda naman ng suot mo, para ka talagang millionaryo." Biro ko.

"Mas maganda ka." Ngisi sya kasabay ng pag-init ng mga pisngi ko. Shet.

Nasa kotse lang kami at umiinom ng kape, steady lang siya dahil pagod daw sya sa buong araw na pagtatrabaho. 

"Uhmm... Branch, may assignment pala tayo." Iwas ko sa topic.

"What is it? Doon tayo gawa sa bahay." At ngumisi pa siya. 

Inirapan ko lang sya at saka nya pinaandar ang sasakyan. habang nasa daan kami ay nababalot ng nakakabinging katahimikan ang isa't-isa. Pati hangin ay siguro naririnig ko na din. Dumiretso kami sa bahay nila, nakita ako ni Tita at binati ko sya. 

Hinila ako ni Branch papuntang kwarto niya at bumalik sa pinto, narinig ko ang pag lock niya sa pinto. Okay... Inahale... Exhale...


"What's bothering you, Love?" daaaaamnsheet.

"Uhmm... wala naman." Nauutal kong sabi.

"Why? Tell me, may nakakatakot ba?" Aniya at lumapit sa akin.

Umiling lang ako at hinaplos ang braso ko na nanlalamig na sa aircon. Kahit kailan talaga ang lakas lakas ng aircon nitong lalaking 'to kaya ang puti-puti. Maya-mayang umalis sya at nang makabalik ay nakav-neck teeshirt na sya at pajamas. Seriously? 

Bumalik sya nang may dalang gitara, pinasuot nya rin ako ng isang makapal na coat at kinuha niya ang kanyang gitara na nakasabit sa wall at tinesting ang bawat tono nito.

"Marunong kang maggitara?" tanong ko.

"Uhmm, yes? C'mon let me sing you a song..." Aniya, lumapit sa akin at nakita kong nag-open ng voice recorder ang phone niya.

"Kailangang nakarecord talaga?" 

"It would be perfect." Sabay kurot niya sa baba ko.

Hinawakan niya muna ang kamay ko bago umpisahan ang paggitara. Nakaharap siya sa akin at kitang kita ko at bawat galaw ng katawan niya, ang hugis at measure ng mukha, pati narin ang jawline niya.

Napakatahimik at nang pinundutin na nya ang recorder ay saka ko na narinig ang mala-anghel nyang boses.

 You know I'd fall apart without you

I don't know how you do what you do

Naiiyak ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, bawat tunog ng gitara ay dinadama ko kasabay ng pag-alala ko sa mga oras na sobrang cold niya pa sa akin. Isang buwan palang kami pero, pero bakit sobrang mahal na mahal ko na sya?

  'Cause everything that don't make sense about me

Makes sense when I'm with you  

His smile flashed at me.

 Like everything that's green, girl, I need you

But it's more than one and one makes two

Put aside the math and the logic of it

You gotta know you're wanted too  

Tumigil siya sa paggitara, hinawakan ang mga kamay ko at sabay kaming kumanta.

 'Cause I wanna wrap you up

Wanna kiss your lips

I wanna make you feel wanted

And I wanna call you mine

Wanna hold your hand forever

And never let you forget it

Yeah, I, I wanna make you feel wanted

Di ko na napigilan at niyakp ko sya ng mahigpit habang tumutulo na ang luha ko. "Branch, sobrang salamat sa lahat. Di ko alam kung paano ka susuklian sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Pinaramdam mo sakin na kung ganoo ko kadeserve ang pagmamahal mo, ang pag-aalaga at di mo ko iniiwan lagi. Alam kong alam mo, na dahil sa past relationship ko ay nahihirapan na kong magtiwalang muli. Pero dahil sayo... dahil sayo napagpatuloy ko pa ang buhay na nasira kaya sobrang nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko." 

"Baby, I wanna make you feel wanted , You'll always be wanted..."  Kanta niya sabay ng pagdampi ng labi niya sa noo ko.


Namulat ang mga mata ko at agad na hinanap ang cellphone ko. Nasilaw ako sa liwag na nanggagaling sa bintana at dam ko parin ang mabibigat na kamay ni Branch sa bewang ko. Nakatulog kaming dalawa na ganito, 6am palang pala. Teka, pala!? 6 ang pasok namin!

Gusto ko sanang gisingin si Branch pero tulog na tulog sya kaya hinayaan ko nalang muna at pinatulog ang sarili ko uli.

"Morning sunshine." Ang malalambot nyang labi ang nagmistulang alam clock ko na nagpagising sa akin.

"Teka, anong oras na!? Branch, mabaho pa ata hininga ko." Sabi ko saka tinanggal kung meron man akong muta, nakikiya dahil ang gwapo nya parin ngayon.

"I won't mind, Love. Mamahalin parin naman kita e." Sheet talaga.

"Absent tayo?" tanong ko bago sumubo ng waffles.

"It's alright. Tara iuuwi na kita."

Ngayon ko lang naalala shemay, baka nakahanada na yung maleta ko sa labas,. Wala si Tita ngayon at agad kaming pumunta ng bahay, inuwi ako ni Branch, ngunit habang palapit kami ng palapit sa bahay ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko, iba rin kasi ang pagka-oa ni mama sa akin e.

Ako ang unang pumasok at nakita ko ang mala-tigreng mata ng nanay ko. Shit.

"Ikaw babae ka- " Bago pa magpatuloy si mama ay pumasok narin si Branch na nagpabago sa ikinikilos niya.

"B-branch andyan ka pala, bakit ngayon lang kayo nakauwi?" nauutal na sabi ni mama, anong meron?

"Tita, I'm so sorry po. Mukhang nasobrahan po ang oras naming dalawa, nakatulog din po kasi kami, Pasensya na po talaga." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Parang nag-iba nag ihip ng hangin at nagbago bigla si mama. Binigyan lang ako ng halik sa noo ni Branch at bumulong na ititext nalang daw niya ako at maghinga na raw ako. Pagkaalis na pagkaalis niya ay akala ko papatayin ako ni mama sa sama ng loob ay hindi pala. Masaya ako ngunit nakakapagtaka.

Pagakaakyat ko ng kwarto ay naligo agad ako at magkatingin sa cellphone ko ay biglang nagring ito at si papa ang tumatawag.

"Pa! Kamusta ka na po? Miss ka na namin ni bunso."

"Nasa maayos na kalagayan lang ako, anak. Ikaw? Kayo? kamusta na kayo diyan? Pasensya na at di na ako nakauwi ng tatlong araw dahil sa malayong project ng kumpanya, alam mo naman na bumabawi tayo sa lahat ng nawala sa atin diba?" Aniya.

"Naiintindihan naman po namin yun e. Pa, baka naman di kana kumakain dyan? For sure po miss nyo na ang luto ni mama, yiee" Pangungulit ko.

"Sino bang hindi? Oh, kamusta na naman ang mama niyo?" Humalakhak siya.

"Okay lang nman pa, nagtataka nga po ko na simula ng... ayoko naman pong ipagkumpara pero simula po ng adyan si Branch, sa atin, parang bumait po sya na parang natatakot syang makagawa ng kahit anong mali, stupid things, like that."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni papa at nag-aantay parin ako ng sagot.

"It's okay. Aren't you happy?" 

"Of course namna pa, masaya po ako. Alam nyo po yun, nakakapanibago lang siguro."


Sinabi nya sa akin na hayaan ko nalang daw, as long as di naman daw sya masama sa akin at chill na sya ngayon sa mga ginagawa ko ay magpasalamat nalang daw ako. Tama nga naman.



Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon