Tahimik lang kami sa buong byahe, sinisilip ko sya at kitang kita ko ang igting ng panga niya. Dinala nya ako sa kwart niya at kumaha ng first aid saka ako ginamot."May masakit pa ba sayo?" cold niyang tanong.
"May kirot parin pero ayos na 'to."
Humilig sya sa kama sa tabi ko at saka ako niyakap. "Sorry..."
"Bakit ka nagsosorry?"
"Sorry dahil di kita sinamahan, madalas akong wala sa tabi mo. napahamak ka pa at pinamukha nanaman sakin ng ex mo kung gano ako ka useless."
I cupped his face. Natutuwa ako dahil ganito sya sa akin. Nalulungkot ako dahil ayoko na nag-iisip sya nang mga ganito at ayokong pinagkukumpara nya lagi ang sarili nya sa iba, lalong lalo na kay Edward.
"Ssssh. Bakit ka ba nag-iisip ng mga ganyang bagay?"
"I just wanna be good enough for you." at nagpout pa sya. Cute.
"Okay lang naman yun e. Tsaka wala ka namang kasalanan sa nangyari."
"But still. Dapat andun ako."
Sinabi ko na sa kanya na di porke na di nya ako naprotektahan kanina ay wala na syang kwenta o silbi. Siya parin naman ang boyfriend ko at di magbabago yun.
Kinabukasan ay hirap akong itago ang mga peklat ko sa katawan. Nagsuot nalang ako ng jacket at may band aid din ako sa mukha. Sabay kaming pumasok ni Janine dahil parehas nanaman busy yung dapat na maghahatid sa amin.
"Oh nasaan asawa mo?" tanong ko.
"Ayun, busy sa magiging future namin."sabay tawa nya.
Wala rin kaming masyadong ginawa ngayong araw kaya naisipan naming pumunta ng mall. Matagal-tagal narin na di kami nagkakabonding na dalawa since busy kami pareho sa school at sa kanya kanyang buhay. Balita ko nga pupunta 'to ng NY para sundan ang kuya nya.
"Anong balak mo pagkagraduate natin?" tanong niya.
"Syempre gusto ko muna makahanap ng disenteng trabaho. Pero may parte sakin na gusto kong hanapin ang mga totoo kong mga magulang."
"Okay lang daw ba kina Tito? Well, para rin naman sa'yo yan tsaka kaya ka naman tulungan ni Branch e." aniya at uninom.
Dalawang oras rin ang paglalakbay namin nitong si J at isang teeshirt at isang libro ko lang ang nabili namin. At dahil sa pagod sa kakaikot pumunta kaming mcdo para kumain.
Madilim na nang makauwi kami. Nainis pa si mama dahil sa di ko raw sinabi sa kanya ang ginawa ko. Pero nung pag umuuwi ako at si Branch ang dinadahilan ko ay parang natutuwa pa sila. Bakit naman gannun? Kahit anong oras? Ang weird lang. Nandito sa kwarto ko si Sancho dahil ako daw ang may pinakamahabang pasensya sa bahay.
Dahil si ate at si kuya di naman kaya ni mama na magtrabaho ng mag-isa sa buing bahay kaya ako ngayon ang nag-aalaga kay Sancho. Nadislocate kasi nung nakaraang araw ang siko nya nang malaglag sa hagdan.
"Ate yung car ko!" hiyaw niya at tinakbo ko naman ang kotse na papalabas na ng bahay.
"Eto na baby!" takbo ko papunta sa kanya.
Grabe bakit ba kasi ininbento yung mga laruang sasakyan na pag pinaatras, malayo ang tinatakbo? Ayoko naman na sya ang humabol dahil baka kung saan tumama ang kamay niya. Kasama nang mga army nyang laruan ay pinapanood ko lang sya habang katext si Janine.
Bestfriend.
Ilalabas na raw ang honor roll sa monday ah?
Me.
Kaya nga haha. Gusto ko sanang gumala uli pero binabantayan ko si bunso.
Bestfriend.
Kawawa naman yan si Baby, lapitin naman kasi sa disgrasya jusko. btw baka pumunta ako dyan mamaya. Bored e haha
Naisip ko nanaman uli yung nangyaring pantitrip sakin. Natawa naman ako sa sinabi ni J na kung sya daw yun ay sisipain nya ang mukha ng bawat isa. Hirap naman kasi magtapang-tapangan tapos pang andun ka na sa mismong sitwasyon wala na.
"Ate!" eto nanaman.
Hinabol ko nanaman yung kulay pula nyang laruan at pagkahawak na pagkahawak ko rito ay may katapat na sapatos.
"Kuya Edward!!" hiyaw ni bunso.
nakakatitig lang ako sa sapatos at di pa tumatayo. Nahagip ng mga mata kong tumakbo papunta sa kanya si bunso ay binuhat naman nito.
"Baby!" that voice.
Napatingala ako sa kanya at inalalayan naman nya ako tumayo. Di pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya sa pagligtas niya kahit na may kasamang pangangaladkad nya.
"Ah... eh... Kumain ka na?" tanong ko.
"Bakit? papaasukin mo ba ako uli sa buhay-este bahay nyo?"at ngumisi pa. Bakit ganyan sya makangiti?!
Di ko na sya sinagot at naghanda nalang ng pwedeng ipakain sa kanya, patuloy parin silang nagkukwentuhan ni Sancho at halatang miss na miss ang isa't-isa.
Habang kumakain sya ay pinalitan ko ng panibagong damit si bunso. Lumingap sya sa ginagawa ko.
"Bakit nga pala nabali ang siko ni Sancho?"
"Nalaglag kasi sya sa hagdan ng isang araw. Kitang kita ko nga e." Tumayo sya at niligpit ang kinainan, aminado akong sanay na sya dito sa bahay at parang wala nalang iba sa kanya dito.
"Bakit di mo nasalo?" aniya at pinagpag ang puti nyang polo na nakatupi hanggang siko. Masyado syang pormal ngayon, halatang may pinuntahan pa sya bago dumating dito.
"Masyadong mabilis ang mga pangyayari, alam ko namang malakas sya e. Sya nga pala salamat sa pagligtas mo sakin."
"Don't mention it. Alam mo naman na-
pinahinti ko sya sa pagsasalita nya.
"Wait, Ililigpit ko lang yung mga laruan." hangga't maaari ayokong maapektuhan dito. Alam ko na namang wala na lahat pero di parin natin maaalis na dati'y mayroong kami.
"Arie..."
"Hmmm?"
Kahit anong oras gusto ko nang lumindol o biglang lalambot ang lupa at kakain ako. Di ko maramdaman ang presensya ni Branch na syang kailangang kailangan ko.
Sa loob ng tatlong taong naming relasyon di ko mapagkakaila na baka'y mahulog ako uli sa kanya, ayokong isipin na ganun dahil sa mahal na mahal ko si Branch at kuntento na ko don. Mahal na mahal ko sya. Wala na ng dapat iba.
"Come back to me, baby... please."
